Kabanata 4

79 23 1
                                    

Nakangiti kong itinabi ang cellphone matapos panoorin ang cover song ng Regenerate Band. Tatayo na sana ako para kumain sa baba nang mag-vibrate ito.

Jayzer: Kumusta? Maayos ba?

Napangiti ako at nag-type ng ire-reply sa'kanya.

Ellie: Ang galing niyo! The best:)

Hindi ko na hinintay pa ang reply niya. Tinago ko na ito sa bulsa at mabilis na bumaba dahil nagugutom na 'ko. Inasahan ko nang maabutan ko si Tita Flora kaya inihanda ko na ang tenga at puso.

"Oh? Ano ka, reyna?Bababa lang kapag may pagkain na?"

Nakataas ang kilay niya nang maabutan ko siyang nakaupo na sa dining.

"Ah-Pasensiya na Tita," mahina kong sabi. "Nagpahinga lang po ako dahil kakagaling ko lang sa school."

Nakita ko ang pagtayo niya kaya patago akong umurong. Sigurado akong may gagawin na naman siya sa akin.

"Sino ba kasing nagsabing mag-aral ka?" tanong niya at mas lumapit pa sa akin. "Masyado kang pabigat sa Daddy mo. Imbes na wala na siyang pinag-aaral, sumulpot-sulpot ka pa sa buhay namin!"

Nanggigil niyang hinawakan ang panga ko at madiin niya itong pinisil. Alam kong galit na galit siya sa akin dahil anak ako ni Daddy sa unang asawa pero hindi 'yun dahilan para saktan niya ako.

"T-tita," mahina kong pakiusap sa'kanya.

"Alam mo, sana hindi ka na lang nag-exist sa mundong ito!" singhal niya sa akin dahilan para sumakit ang puso ko. "Wala ka namang pakinabang eh!"

Nakita ko ang takot sa mukha ng aming dalawang kasambahay kaya hindi nila ako magawang maipagtanggol. Ayaw ko rin naman silang madamay kaya ayos lang na hindi na sila makisali sa gulo namin ni Tita.

"Or pwede rin namang sumama ka na lang kay Mahaya." Itinaas niya ang kilay niya habang sinasabi niya sa akin ito, "Miss mo na ang Mama mo hindi ba? Bakit hindi ka sumunod sa kanya?"

Binitawan niya ang panga ko at hinablot ang buhok. Unti-onting namuo ang luha sa aking mata hindi lang dahil sa sakit na binibigay niya kundi sa mga salitang binibitawan ni Tita.

"M-maawa na po kayo," bulong ko. "Hirap na hirap na ako," pagsusumamo ko.

Tumawa siya at mas lalong diniinan ang pagkakasabunot sa buhok ko.

"Wala akong pakialam sa'yo! Mas magandang nahihirapan ka, Ellie! Inaagaw mo ang atensyon at pagmamahal ng asawa ko!"

Hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari. Nilublob niya ang mukha ko sa menudong nakahain sa mesa. Doon ko narinig ang sigaw ng dalawang kasambahay at hindi na sila nag-dalawang isip na tulungan ako.

"Ma'am Tama na po! Nasasaktan si Ellie!"

Hinawi ni Tita Flora ang kamay ng kasambahay na umaawat.

"Huwag niyo akong utusan! Katulong lang kayo!" sigaw nito sa dalawa. "Subukan niyo magsumbong sa ama nito at pipitikin ko kayo paalis sa bahay na 'to!"

Pilit kong inaahon ang sarili sa ulam dahil ang hirap huminga. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito.

"Ayaw kong makita ang mukha mo Ellie! " sigaw ni Tita at mas lalo akong idiniin sa kinalalagyan ko.

Nang iangat niya ako nakita ko na parang nasisiyahan siya sa ginagawa at ako naman ay iyak nang iyak.

"P-parang awa niyo na po," naiiyak kong sabi.

Sinampal niya ako nang napakalakas bago itulak.

"Umalis ka sa harap ko ngayon din! Ayaw kong makita ang pagmumukha mo sa bahay na ito ngayong gabi!"

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon