SIMULA

236 30 1
                                    

JAYZER RAPH CALISTO

"Sa istorya nu'ng totoong buhay ay ikaw ay lumisan
Hindi na nakita
'Di nakausap
Parang 'di kilala
'Di na maalala na"

Istorya by The Juans

"Elliezabeth!!" sigaw sa akin ng kaibigan kong si Serenity. Mahinahon ko siyang tinitigan habang sinasara ang librong binabasa.

"Ano?" mahinang tanong ko.

"Nako naman!" reklamo niya at akala mo'y stress na stress sa hindi ko pagpansin sa'kanya. "Samahan mo 'ko sa Kalye Tune!"

Kahapon niya pa sinasabi sa akin ang bagay na ito pero ayaw kong pumayag dahil may exam kami kinabukasan after ng event na 'yun.

"Mag-review na kaagad tayo para hindi tayo bumagsak sa exam natin after ng event!" pangungumbinse niya.

"Ano ba ang mapapala natin doon?" mahinahon kong tanong."Wala naman tayong mapupulot sa Kalye Tune na sinasabi mo, Serenity."

"Anong wala?" reklamo niya. Pakiramdam ko kapag nagsasalita siya ay palagi siyang may kaaway. "Alam mo ang boring mong babae ka! Puro ka aral, tapos uwi sa bahay tapos aral ulit tapos pasok kinabukasan, hay nako naman!" Umirap siya sabay kamot sa kanyang ulo dahilan para magulo ang buhok nito.

Huminga ako nang malalim at inilingan siya.

"Sino ba ang inaabangan mo ro'n?" tanong ko.

Ngumuso siya at naging maamo bigla ang mukha. Animo'y may tao talaga siyang kinasasabikang makita sa event na gusto niyang puntahan.

"Eh gusto ko lang naman makita kahit sa malayo lang ang Regenerate Band. Idol na idol ko mga 'yun kasi bukod sa gwapo silang lima, ang gagaling din nila."

Himala at humina ang boses nito.

"Lalo na si Japhet 'yung tumutugtog ng bass guitar tapos kumakanta rin, " nakanguso niyang dagdag.

"So crush mo?" tanong ko.

Tumango siya at tipid na ngumiti.

"Oo naman!" sagot niya. "Gusto ko siyang makita sa lahat ng event niya ughh!"

Umasim ang mukha ko at tinitigan siya.

"Ano bang meron do'n? Sa mukha mo ay parang baliw na baliw ka sa'kanya," curious kong tanong. "Alam mo Serenity, katulad ng ibang mga lalaki ang mga hinahangaan mo ay tumatae o kaya'y bumabaho rin."

Tiningnan niya ako habang ang mukha niya'y parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko.

"Ellie hindi mo kasi ako naiintindihan! He is more than like the other man!" Gulat ko siyang tinitigan dahil sa sinabi niya pero kaagad niyang tinakpan ang bibig.

"I mean...uh...they are more than the other man. Silang lahat hehe," palusot niya.

Umiling ako dahil bistadong-bistado naman nang gusto niya nga ang Japhet na hinahangaan niya.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon