Kabanata 5

80 24 1
                                    

"Pasensiya na kayo ah?" pagpapaumanhin ko na naman sa magkapatid. "Pangako bukas aalis din kaagad ako kasi uuwi naman na si Daddy."

Ngumiti lang si Kuya Jasper at inalalayan naman akong bumaba ni Jayzer.

"Huwag kang mag-alala welcome ka rito," nakangiting sabi nito.

Naglakad kami sa loob ng malawak nilang bakuran papasok sa kanilang bahay . Pinasadahan ko ang damit at napagtantong sobrang dumi ko nga lalo pa at nalagyan din si Jayzer nang alalayan niya ako at nilinisan ang mukha ko kanina.

"Jayzer! Jasper!"

Narinig ko ang masayang boses ng isang ginang at masayang sinalubong ang mga anak. Agad niyang nabaling sa akin ang tingin at nanlaki ang mata nito.

"E-Ellie?" tanong nito. "Tama ba ako Jayzer siya si Ellie?"

Tiningnan ko si Jayzer at hindi na maipinta ang mukha nito. Wala yata siyang balak sumagot kaya lumapit ako sa ginang para bumati.

"M-magandang gabi po," bungad ko. "Pasensiya na po at hindi ako makakapag-mano dahil madumi po ako," nahihiya kong sabi.

Nakita ko ang pagpasada mama nila sa akin at nagtataka ako nitong tiningnan.

"Saan ka ba galing at anong nangyari sa'yo?"

Lumapit si Jayzer sa ina at yumakap ito.

"Mommy let me explain," sabi nito. "Pasok po muna tayo sa loob."

Nagtataka man ay wala na siyang nagawa nang hawakan siya ng anak at alalayan papasok, "Ah sige mabuti pa nga anak," tugon ng ina at hinalikan sa ulo si Jayzer. "Nako pawis na pawis ka!" dagdag niya pa matapos ibalik ang titig sa akin.

Napangiti ako sa naging scenario nila. Nakakataba ng puso na may mama pa si Jayzer at alam kong maalaga ito sa anak.

"Tara Ellie pasok ka!" Kahit madumi ay nagawa akong hawakan ng Ginang para tuluyang hilain  papasok sa bahay nila.

"Ako nga pala si Jaya, mother ako nina Jayzer at Jasper. You can call me Tita," nakangiti nitong sabi. "Ang Daddy nila ay pwede mong tawaging Tito Raphael, okay? Nasa living room siya ngayon."

Ngumiti ako at tumango sa sinabi ni Tita Jaya.

Naglalakad pa kami nang masulyapan ang malawak nilang Living room, nakita ko rin ang inasahan kong Daddy nila Jayzer.

"Daddy!" tawag ni Tita Jaya sa asawa. "May bisita tayo oh!"

Agad nabaling ang tingin sa akin ng haligi ng kanilang tahanan. Bakas ang gulat sa hindi ko maipaliwanag na dahilan pero agad itong tumayo para salubungin kami.

Yumakap ang dalawang magkapatid sa Daddy nila at ako naman ay yumuko dahil hindi makapag-mano.

"Good evening po."

"Good evening, Ellie!?" gulat at nagtatakang sambit nito.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ako makapaniwalang kilala ako ng buong pamilyang ito.

Parang nagulo ang laman ng utak ko nang mapansin ang bagay na 'yun. Paano nila ako nakilala? Posible bang nakwento kaagad ako ni Jayzer sa pamilya niya kahit pa ilang araw pa lang simula nang magkita kami.

"Pasensiya ka na Ellie. Ah-Kilala ka nila dahil alam mo na... ano 'di ba close friend tayo dati ."

Napangiti ako nang magsalita si Jayzer. Hindi man ako kontento sa sagot ay hinayaan ko na lang. Wala ako rito para alalahanin ang nakaraan. Ang totoo baka maging pabigat pa ako sa'kanila kaya hindi ito ang oras para isipin ang sariling kapakanan.

"So ano nga ba ang nangyari at bakit madumi ka, hija?" tanong ni tita at pinaupo ako sa sofa.

Tapat akong nagkwento sa kanila kung ano ang totoong kalagayan ko sa tinutuluyan kong bahay. Sa mga sandaling ito, hindi ko mapigilan mamangha dahil ang bilis nilang makuha ang tiwala ko. Para bang matagal na kaming nagkakausap ng ganito.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon