"Señorita Lea, ang pananghalian ay ready na," malumanay na sabi ko nang maka lapit ako."Oh, okay!" Mahihimigan mo sa kaniyang boses ang kaba.
Well, wala naman siyang dapat ika kaba dahil hindi naman ako mag sasalita sa kung ano ang nakita ko.
Sabi nga, 'What you see, what you hear, when you leave, leave it here.'
Naka sunod lamang ako sa kaniya habang papunta sa dining area.
Hindi ko alam kung ano ang trip ng pamilyang 'to dahil pati kami ay pinasabay na sa panananghalian nila.
We were eating silently, walang gustong bumasag ng katahimikang iyon.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita si Mr. Contador,"How's your study anak?" Tanong nito kay Señorita Lea/Leo.
Napabaling naman ang lahat ng tingin kay Señorita Lea.
"It's fine dad," maikling sabi niya.
Tumango tango Lang si Mr. Contador habang si Ma'am Michaela ay busy sa pagkain.
Nang matapos kumain ang Contador fam ay agad na naming linigpit ang kanilang pinagkainan at hinugasan iyon.
Walang masiyadong gagawin kaya bumalik na ako sa maid's quarter, magpapahinga ako dahil pagod ako, bumyahe pa ako papunta dito eh.
Nasabi ko na ba sainyo na, si Mr. Contador ay Gobernador dito sa lalawigan ng Mishuriwa, walang gustong kumalaban sa pamilya niya.
Bali balita na mababait naman sila, matulungin sa kapwa, kaya deserve naman daw ni Mr. Contador na maging Gobernador sa bayan.
Nahiga naman ako sa kama, wow! Ang lambot samin kasi banig lang hinigaan namin, kaya napaka comfortable nito sa katawan.
Nagising nalang ako nung may kumatok sa aking kwarto. Naka tulog pala ako, pinihit ko naman pa bukas iyon at bumungad sa'kin si manang Joanna.
"Hello po," nakangiting bati ko sa'kaniya."Sorry po, nakatulog ako hehe," saka nag peace sign sa'kaniya.
"Okay, Ikaw daw ang magluto para sa dinner ng mga Contador." Sabi niya, kaya napatango nalamang ako.
Siguro nasarapan sila sa luto ko kanina, well mas masarap ako char.
Dali dali naman akong pumunta sa napaka lawak na kusina ng mga Contador. Kusina palang nila ay pwedi ng tirahan ng isang boung pamilya!
Magandang mag luto sa'kanila kasi lahat kumpleto na, Wala ka nang hahanapin pa.
Madami akong niluto; Adobo, mechado, calderita, sinigang, tinola, ginataang malunggay, ginisang kalabasa, tortang talong, etc. sa sobrang dami ay baka abotan tayo ng umaga pag inisa isa ko pa.
Ganito ba talaga ang mayayaman? Sobrang dami ng pagkaing pinapaluto ah!
Nang matapos ay tumulong naman ang ibang maid na ihanda iyon at ilagay sa labas, sa labas daw gustong mag dinner ni ma'am Michaela, sa garden ata o sa may swimming pool. I dunno yung ibang katulong ang nag hahatid ng makakain nila 'don eh.
Hindi na ako kumain ng dinner dahil nabusog na ako kaka-tikim nung mga niluto ko.
Kaya nag hintay nalang ako sa kusina para tumulong sa pag huhugas ng pinggan.
Pumasok naman 'doon si manang Joanna.
"May bisita daw na darating ang mga Contador bukas," Sabi niya kaya yung ibang katulong ay napatingin sa'kaniya pati na'rin ako.
Napa tango nalamang ako, yung iba naman may nag rereklamo, dahil daw nakaka pagod pag may bisita, luh?katulong kaya yung pinasok nila, ano? malamang nakakapagod talaga 'yun! May trabaho bang hindi nakakapagod? Duh!
So, ayun napagalitan sila ni manang Joanna.
Tumulong ako sa paghuhugas ng pinggan nang matapos iyon ay bumalik na ako sa aking kwarto, medyo malapit lang ang mga kwarto ng maid's sa kusina kaya 'ganoon.
Nahiga naman agad ako, maaga pa akong gigising bukas, nalimutan ko'rin na tanungin si manang Joanna kung anong oras darating ang mga bisita.
Nagising ako dahil sa init na tumatama sa aking mukha, napabalikwas agad ako ng bangon saka tumingin sa oras. Shuta! 6:58 am na!
Pumunta agad ako ng Cr. Para mag hilamos, mag toothbrush at mag palit ng damit.
Halos lahat na maid ay busy sa kaniya kaniyang ginagawa; may nag lilinis, nag papalit ng kurtina, may nag pupunas ng salamin, may nag va-vacuum, sa labas ay halos lahat sila ay busy hindi ko na maisa Isa sa sobrang daming ginagawa.
Oo nga pala may bisitang darating ang Contador, tumulong na'din ako sa ibang maid, nang makatapos ay ako ulit ang na atasan na mag luto para sa lunch.
Otw na daw ang mga bisita ng Contador, Ewan ko pero ang dinig ko ay helicopter daw ang gamit ng mga bisita.
Hindi naman kataka taka dahil sa rooftop ng mansion ng Contador ay merong lapagan 'doon.
Nakita ko lang dati sa tv.
Ni hindi ko nga inakala na makakapasok ako sa mansion ng mga Contador!
Kaya abot abot ang aking kasiyahan ng maka tanggap ng tawag mula sa'kanila.
Nag pahanda pa sila ng red carpet! Para sa bisita, siguro masiyadong importante ang mga bisita nila para magpa red carpet sila.
Andaming pinahanda nila parang pang boung baranggay!
Dumoble naman ang bilis ng mga kasambahay hudyat na malapit na ang bisita.
Tapos na akong mag luto, actually madami kaming nag luluto dahil hindi kaya ng isa ang mga pinahanda nilang lulutuin masiyadong napakarami!
Pumasok ang mayordoma sa kusina at sinabing pababa na daw ang bisita, mabuti nalang at tapos na ang lahat kaya wala ng problema.
Nang bumukas ang elevator, yes may elevator din sila! Agad kaming humanay at bumati ng Good Afternoon sa mga bisita.
Bali sampo silang magkakasama, kung Sino sino sila abay hindi ko kilala! Walong Babae at dalawang lalaki.
Napabaling ako ng tingin sa labas ng mansion ng may humintong mamahalin na sasakyan.
Bumukas ang pinto ng sasakyan at agad na bumababa ang lalaki, matangkad, maputi, gwapo basta halos nasa kaniya na ang lahat!
Agad naman na nagtama ang paningin kaya napayuko ako.
Bumaba naman sa hagdan ang Pamilyang Contador, napapagitnaan nila si Señorita Lea.
Nang makababa ito ay agad na nakipag beso beso sila sa bawat Isa.
TO BE CONTINUED...❣️

BINABASA MO ANG
Pamilyang Contador
РазноеPamilyang Contador, ang pinaka mayaman sa lalawigan ng Mishuriwa.