Nandito ako ngayon sa kwarto ni Señorita Lea, araw araw kasi itong pinapalinisan kahit wala namang gumamit.
"Hanggang kailan mo ako balak lokohin Kent Venice?!" Sigaw ni Ma'am Michaela.
Hindi naka sarado ang pinto ang ng kwarto ni senyorita Lea kaya dinig na dinig dito ang sigaw ni ma'am Michaela.
"Ano bang pinag sasabi mo Babhie?" Tanong ni Sir Kent.
"Wow! Ano to maang maangan Kent?" Saka Sarkastikong natawa si ma'am Michaela."Alam kong may iba kang babae! Hindi ako tanga kaya huwag mo akong gawing Tanga!"
"You're accusing me without any proof babhie." Malumanay ngunit may diin na sabi ni Mr. Kent."Bakit naman ako magloloko? kung ikaw lang ang nag iisang babaeng Mahal ko bukod sa mga kapatid ko at anak natin.
"Ito ang sasabihin ko sayo Kent Venice lalayas ka sa sarili mong mansion pag napatunayan kong nagloloko ka." Galit na sabi ni ma'am Michaela, "Kilala mo ako Kent at kilalang kilala nadin kita, Ilang years na tayong mag asawa alam mo yan!" Huling narinig ko kay ma'am Michaela.
Mukhang lahat ng issue sa mansion na ito nalalaman ko. Haysss.
Nang matapos ang paglilinis ay agad akong bumababa sa first floor.
Nandito nga pala si Maja at Aries, bihira na din silang gumawi dito dahil may pasok na sila.
Naglalaro sila ng truth or dare nina Ma'am Ey.
Napatigil ako sa pagpupunas ng hagdan nang Makita si Sir Dail na may kasamang....babae.
Nakahawak pa ito sa bewang ng babae at halatang ingat na ingat ito. Napakagat labi ako, ewan ko pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. Siya ba si Thamera? Yung sinasabi niya kahapon? Halatang mayaman, walang wala ako.
Biglang nag tama ang paningin namin ni Sir Dail pero agad din akong umiwas ng tingin at nag focus nalang sa ginagawang pagpupunas ng hagdan.
'Mahal ko na ata ang dapat kong tinuturing na boss lang. Ang aking nararamdaman na malabong masuklian dahil sa Pamilya nila isa lamang akong utusan.'
"Hi guys, This is Thamera, Tham my cousin Maja and her boyfriend Aries and this is my sister's Ate Ey and Aj." Dinig kong papakilala ni Sir Dail.
"Ahmm.. hello nice to meet y'all!" Malumanay Ang kaniyang boses, babaeng babae malayong malayo kung paano ako magsalita.
"Nice to meet you too." Halos magka sabay sabay na sabi nila.
Nang matapos ang paglilinis ay bumalik na ako sa kusina para maghanda ng meryenda nila.
Pinahatid ko iyon kay Chari dahil marami pa akong gagawin. Maglalaba ako ng mga damit.
"Tahimik kana dati pero bakit Naman mukhang dumoble ang pagiging tahimik mo ngayon, may problema ba?" Tanong sakin ni Vea.
"Wala ah!" Agad na tanggi ko sa kaniya.
"Weh? Yung totoo ano nga?" Pamimilit niya sakin.
"I think I'm inlove."
"Kay Sir Dail?" Tanong niya na ikina gulat ko, shuta bakit Alam niya? "Halata naman na gusto mo siya Ylaine. The way you look at him halatang halata kana." Mukhang nabasa niya nasa isip ko tsk.
"Payong kaibigan, kapamilya, kapuso umamin kana Malay mo gusto ka din niya." Pangpapaasa na sabi ni Vea.
"Gage ka ba? Paano ako nun magugustuhan eh katulong lang ako dagdag mo na din yung liniligawan niyang police."
"Eh di habang maaga pa pigilan mo ang nararamdaman mo sa kaniya." Sabi niya ulit na nagpa kunot ng aking noo.
"Hindi kailan man napipigilan ang nararamdaman." Maikling sabi ko sa kaniya saka nagpaalam na aalis na dahil maglalaba pa nga ako.
Inihiwalay ko muna yung mga kulay puti sa mga di kulay na damit. Washing machine naman gamit kaya madali lang.
Mag gagabi na bago ako naka tapos sa paglalaba medyo marami-rami din kasi.
Dumaan naman si Dr. Jeco na busy sa pagpipindot sa kaniyang cellphone halatang may tinatawagan Ito. Naka ilang try itong tawag bago sinagot nung kaniyang tinatawagan.
"Hello babe? How are you?" Tanong niya kaagad. "Yeah, still there?" Napapabuntong hininga na tanong niya sa kausap niya, mukhang hindi na ata umiimik base sa tanong niya heheh.
"Orayt Babe, I'll hang up na, this. Bye! take care always. I love you." Sabi niya bago ibaba ang kaniyang cellphone.
Gosh Sanaol may jowa!
Napadaan pa ako sa sala kaya nakita ko pa doon Sina Sir Dail na nag uusap usap. Nandoon na din si Sir George kasama yung babae ulit.
Hindi ko na nakita doon yung nililigawan ni Sir Dail baka hinatid niya na pa uwi.
'Sanaol pinapakilala na kahit liniligawan palang.'
Natapos ang maghapon na sobrang nakakapagod. Kaya nang maka higa ako sa kama ko ay agad akong naka tulog.
Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone kaya kinapa ko pa ito saka nakapikit na sinagot kung Sino man ang tumatawag.
"Hey wasuuppp vlog welcome to my guys!" Boses palang nito ay kilalang kilala ko na ito.
"Señorita Lea?" Antok na sagot ko sa kaniya.
"Kamusta sina mommy and daddy? Bakit Hindi ko sila ma contact?" Tanong niya.
"Okay naman sila Señorita, may mga bagay lang na hindi nila napagkaka sunduan." Lutang na sabi ko.
"Tulad ng?"
"Hello? Hindi Kita madinig?" Kunwaring Sabi ko para di na Humaba Ang usapan.
"Ang Sabi ko tulad ng ano?" Tanong niya ulit.
"Sorry Hindi talaga Kita marinig senyorita!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay enend call ko na.
Tiningnan ko oras at jusko kalahating Gabi niya pa naisipang mangamusta! Iba talaga utak nitong si Señorita Lea.
Pinikit ko ulit Ang aking mata saka pinagpatuloy Ang na udlot na masarap na pag tulog.
Dodoble ang pagiging busy namin dahil mag bibirthday na si Sir Dail. Syempre Bonggang handaan yun. Kaya kailangan nanaman naming magpalit ng mga curtains at mag ayos.
Expected narin na dadating ang mga ka alyado ni Governor Kent. Syempre di mawawala ang mga news reporter!
Iba talaga ang mayaman dinig ko din na blue carpet daw sa entrance syempre dahil Isa silang contador Kaya walang imposible.
Ina asikaso na din nila yung mga invitation, mukhang debut ata ni Sir Dail. Ang dami nilang pa echos, bukas nga may pa photo shoot siya.
Sina ma'am Ey at Ma'am Aj may pakana nun! Bonggahan daw dapat ang birthday ni Sir Dail.
Planado na ang lahat kahit Ang totoo niyan ay matagal pa ang kaarawan ni Sir Dail.
TO BE CONTINUED...

BINABASA MO ANG
Pamilyang Contador
RandomPamilyang Contador, ang pinaka mayaman sa lalawigan ng Mishuriwa.