Ey Contador Pov.
Nandidito ako ngayon sa aking opisina at halos naka tambak ang mga paperwork sa aking mesa. May mga tina-type pa ako sa aking laptop. Being a lawyer is not easy! Halos wala na din akong tulog.
"Attorney?" Dinig kong tawag nung sekretarya ko mula sa labas ng pinto ng aking opisina.
"Yes? Come in!" Sabi ko.
Dinig ko naman ang pagbukas ng pintoan pero hindi na ako nag atubiling lingonin iyon.
"Attorney, may meeting pa ho kayo with another client at exactly 10 am!" Sabi nito kaya agad akong na pa angat ng tingin.
"Anong oras na ba?" Tanong ko dito.
"9:30 na po."
"Gosh! Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi?" Sabay tayo ko at inayos ang aking gamit. Kinuha ko ang aking cellphone at ilinagay ito sa aking shoulder bag.
"Eh? Kanina ko pa po yun sinabi sayo Atty." Naka yukong sabi niya.
'Aishh! Napapadalas ata ang pagiging makakalimutin ko,damn!"
"Okay, okay ikaw na ang bahala diyan." Saka tinuro ang isang mesa ko na halos nag kalat ang mga papel.
"Yes Attorney. Ingat!" Dinig ko pang sabi niya bago ako nakalabas sa aking opisina.
Sumakay ako sa elevator para mas madaling makarating sa parking lot kung saan naka parada ang aking bagong sasakyan.
Malalate na ako kaya binilissn ko ang aking paglalakad papunta sa aking sasakyan.
Nang makarating sa harap ng aking sasakyan ay agad akong pumasok at pinaharurot iyon papunta sa restaurant sa kung saan kami magkikita ni Mr. Salazar.
Mabilis naman akong nakarating sa restaurant nina kuya, dito kasi ang napili naming place para sa pag uusapan about doon sa case.
"Good Morning Attorney!" Bati sa akin nung guard, kilala ako dito since kapatid ko ang may ari.
Nakita ko naman doon si Mr. Salazar, 'Wews! Early bird.'
"Kanina ka pa?" Tanong ko dito, saka umupo sa kaharap ng upuan niya.
"Nope, ka darating ko lang din." Naka ngiting sabi niya.
Tiningnan ko naman yung table namin dahil halos puno ng pagkain.
"Ahm, nag order na ako ng foods hehe" Sabi pa nito.
Napataas na lang ako ng kilay, may pag uusapan lang kami pero bakit nag mukhang date itong meeting?
"Kamusta?" Tanong niya kaya napa tigil ako sa pagkain.
"I'm good." Maikling sagot ko.
"Yeah. Kitang kita naman."
Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.
Hindi ako nakapag almusal sa bahay nina kuya, kaya since na may food na sa harap ko at gutom narin ako kaya kumain na ako, kaso mukhang madaming tanong ang isang to about sa nakaraan at hindi naman about sa case kaya nawalan ako nang ganang kumain.
"So its about sa case, ano itutuloy mo pa ba?" Seryosong tanong ko dito dahil mukhang nakalimutan niya kung bakit kami nag kita ngayon.
"Nope. Hindi ko na itutuloy, nakaka awa yung magpapamilya eh." Seryosong sabi niya habang naka tingin sa akin.
"Hmm. Okay that's it!" Sabi ko sabay tayo dahil tapos naman na akong kumain at tapos na din yung pag uusapan namin.

BINABASA MO ANG
Pamilyang Contador
RastgelePamilyang Contador, ang pinaka mayaman sa lalawigan ng Mishuriwa.