CHAPTER 24

36 2 0
                                    

Bumalik naman ka agad si Sir Dail kaya sabay kaming pumunta sa gawi ni Atty. Ey.

"Ayieeee," Dinig kong pang aasar ni Sir Dail sa ate niya."Parang kailan lang ayaw na ayaw mo kay Rafsan pero ano't heto ngayon kayo na. Kinailangan lang palang umalis, magpamiss bago umamin na Mahal na din" Nakangising sabi ni Sir Dail.

"Shut up Dail! Ikaw kailan aamin?" Balik na pang aasar ni Atty. Ey sabay tingin sa akin.

"Saan?" Takang tanong ni Sir Dail.

"Whatever Dail," Sabi ni Atty Ey saka inirapan si Sir Dail.

"Happy birthday bro!" Nakangising bati ni Sir Rafsan.

"Thank you, Please take care of my sister. Kung hindi Alam mo na." May pangbabantang sabi ni Sir Dail.

Tumayo naman si Sir Rafsan saka nag you excuse samin.

"Hey, Saan ka pupunta?" Dinig Kong tanong ni Atty. Ey kay Sir Rafsan.

"Cr lang." Sabi ni Sir Rafsan saka nagmamadaling umalis.

"Ylainee,"You look so pretty."Compliment niya pa.

"You too Atty." Naka ngiti kong Saad.

Gaya nang napag usapan ay inaya ko sa dance floor si Atty. Ey at nag paiwan naman doon si Sir Dail sa table.

"What? Anong gagawin natin dito? Hindi ako marunong sumayaw Ylaine." Natatawang sabi ni Attorney Ey.

"Weh? Nakita ko po yung mga tiktok mo Atty." Natatawang sabi ko.

"Iba naman yun." Natatawang sabi ni Atty.

"Let's go, Let's dance Atty." Parang tanga kong sabi.

Dumaan naman sa tabi namin si Ma'am Aj."Have fun Attorney!" Sigaw niya.

Natawa naman si Atty. sa ginawa ni ma'am Aj. Magsasalita sana siya ng biglang dumilim ang paligid.

"Brown out?" Wala sa sariling tanong ni Atty. Ey."What the hell!" Naiinis na sabi niya pa."Sabi ko naman na dapat walang maging aberya sa party ni Dail bakit nawalan ng kuryente!" Kukunin niya na sana yung Cellphone niya nang biglang may tumutok na spotlight sa kaniya.

"What the hell is this?" Inis paring tanong niya habang naka baling ang tingin sa akin.

Nagkibit balikat lang ako saka umalis na sa tabi niya.

May bigla namang tumugtog ng gitara at lumabas si Sir Rafsan. Gulat na napatingin si Atty. Ey doon halatang nangangapa pa kung ano ang nangyayari.

Kumakanta si Sir Rafsan habang papalapit kay Atty. Ey at may dala dala pa itong isang bungkos ng Rosas.

Kinikilig na napapa sabay ang mga tao sa kanta. Tiningnan ko Kung saan naka pwesto ang pamilyang Contador at halata sa mga mata nila na pinipigilan nilang hindi maiyak.

Nang matapos ang kanta ay agad binigay ni Sir Rafsan yung bulaklak kay Atty. Ey.

"Attorney Rhian Ey Contador." Pagsisimula ni Sir Rafsan, Bigla namang umiba ang tugtog at pinalitan ito ng malamyos na musika."Before I already thought, that I will never find someone I can spend with the rest of my life." Napatigil sa pagsasalita si Sir Rafsan dahil sa sigaw ng mga tao'ng nanonood."Someone who will accept who I am. Someone who I want to be my wife and build a family. Someone I want to be with in front of the altar. Thank you for being that someone babe." Napatunganga Si Atty. Ey at naiiyak na naka tingin kay Sir Rafsan. Pinunas naman ni Sir Rafsan ang tumulong luha sa pisnge ni Atty. Ey saka mas inilapit ito sa kaniya at hinalikan sa noo.

"Thank you for always supporting me and thank you for always staying in my side when I needed you the most. I'm very thankful that you choose me and love me, Sa dami ba namang kasing naghahabol sayo." Sabi pa ni Rafsan kaya natawa kami. "You are the best thing ever happened in my life, babe." Tumigil siya sa pagsasalita saka malamlam na tiningnan ang si Atty. Ey sa mga mata at'saka dahan dahang lumuhod at binuksan ang kulay blue na maliit na kahon."Rhian Ey Contador will you be my wife, will you marry me?" Halos lahat ng nandito ay napatili sa sobrang kilig. May mga nag vi-video din.

Pamilyang ContadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon