It's been a week na halos hindi ko nakita sina ma'am Michaela at Sir Venice, mukhang sobrang busy nila na ultimong umuwi sa kanilang mansion ay hindi na magawa. Si Señorita Lea ay busy na sa kaniyang pag aaral."What?" Pikon na sabi ni Ma'am Aj doon sa sumusunod na lalaki sa kaniya, "Can you stop following me!" Kitang kita sa mukha nito ang pagka irita.
Napangisi naman iyong lalaki dahil sa inasal ni ma'am Aj.
"They say," Pabitin na sabi niya saka seryosong tumingin sa mga mata ni Ma'am Aj."Follow your dream, that's why I always followed you."
"Pake alam ko sa pangarap mo?" Pagtataray ni ma'am Aj.
"Ang harsh naman!" Saka umakto pa siyang nasasaktan."I just want to talk to you." Sabi niya pa ulit, nang makita na seryosong seryoso ang mukha ni ma'am Aj.
"Talk to your ass!" Tinalikuran nito ang lalaki saka nag madaling lumakad.
"Hey! Hanggang kailan mo ako iiwasan?" Pasigaw na tanong nung lalaki, dahil nasa labas na si Ma'am Aj.
'Sino Yun?'
Pinag patuloy ko nalamang ang paglilinis sa sala dahil baka biglaang umuwi ang mag asawa.
"HAHAHAHHAHAHAHA!" Dinig na dinig dito yung tawa ni Spi. "Mapag biro ka parin talaga kahit kailan, kuya Dail!"
Napapadalas na yung pag punta dito ni Dail, minsan nga dito na yan natutulog since may sarili naman siyang kwarto sa mansion na ito.
"What? Hindi yun biro...."
Yun lang ang narinig ko dahil masiyadong mahina na ang pagkakasabi niya doon sa iba.
Pa alis na sana ako, nang tawagin ako ni Spi.
"Ylaineee!" Sumigaw nanaman siya, '
'buti hindi siya napapaos noh?'
Agad naman na lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Good morning po!" Magalang na bati ko sa kanilang dalawa.
"Gosh, look kuya Dail! She's sobrang cute, diba?" Sabi niya kaya napa iwas ako nang tingin.
"Kinda." Maikling sagot ni Sir Dail.
"Oo syempre maganda din siya!"
'Huh? Pano napunta yun sa maganda?'
"Ang sabi ko KINDA! Hindi maganda, binge!" Natatawang sabi ni Sir Dail."But yes, she's pretty."
Simpleng compliment lang naman pero bakit mukhang aish! Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko!
"Ah, Eh, May ipapagawa po ba kayo?" Nahihiyang tanong ko dahil kung wala na baka pwede na akong umalis dahil marami pa akong gagawin.
"Wala naman hehe sige na ipag patuloy mo na yung work mo, pasensya na sa pang aabala" Sabi ni Spi habang naka peace sign.
"Naku okay lang po," Sabi ko saka sumulyap kay Sir Dail na prenteng naka upo sa sofa habang nag lalaro sa kaniyang Cellphone.
Nang maka alis ay doon lamang ako naka hinga ng maluwag.
'She's pretty!' Gosh! Bakit ba halos mag humirintado ang puso ko dahil sa sinabi niyang iyon? Siguro kaya ganun na lang ang aking naging reaksiyon dahil kapatid siya ng boss ko.

BINABASA MO ANG
Pamilyang Contador
LosowePamilyang Contador, ang pinaka mayaman sa lalawigan ng Mishuriwa.