CHAPTER TEN

76 7 0
                                        


Nagising ako dahil sa init na tumatama sa pag mumukha ko.

Nakaka tamad man ay agad akong bumangon at dumeretso sa cr ng aking kwarto.

Pagkatapos gawin ang aking daily routine ay lumabas na ako ng aking kwarto at tumungo sa dining area.

Nadatnan ko doon si daddy na nag kakape habang may hawak na news paper.

"Good morning anak!" Bati niya sa akin habang ang paningin ay nasa kaniyang binabasa.

"Morning Daddy!" Saka umupo sa hapagkainan.

May mga naka handa na doon na pagkain, mamimili ka nalang kung anong gusto mong kakainin.

Wala pa sina ninang Ey baka natutulog pa sila ngayon dahil late na silang natulog kagabi.

Balak nilang maligo sa swimming pool mamaya.

"Good morning guys!" Naka ngiting bati ni Tita Aj habang pababa ng hagdan.

Naka sunod naman sa kaniya sina Spi, Farah, and Maja.

Nang magtama ang paningin namin ni Maja ay agad siyang napaiwas ng tingin.

Pa sulyap sulyap ako kay Maja habang kumakain. Halatang naiilang siya dahil hindi niya matagalan ang aking mga titig.

Natawa ako nang ma alala yung nangyari kagabi.

"Hoy! Lea okay kalang?" Nagtatakang tanong ni tita Aj.

"Yes. Why?"

"Kanina ka pa naka ngiti habang naka titig diyan sa pagkain mo. Nakaka takot ka na!" Saka umacting acting pa siyang natatakot.

"May nangyari ba kagabi?" Tanong ni daddy. Kaya agad akong lumingon sa kaniya.

"Anong nangyari kagabi?" Tanong ni Farah na walang ka alam alam sa nangyayari sa paligid niya.

"May nangyari ba? Ma aga akong naka tulog eh," Sabi pa ni Spi.

"Bakit kuya may nangyari ba sainyo ni Ate Micaela kagabi?" Tanong ni tita Aj saka sumubo nang kanin.

Napa ubo naman si daddy kaya agad ko itong inabutan ng tubig.

"Ano ba yang tanong mo tita Aj." Natatawang sabi ko.

"Gagi, I mean nag away ba kayo ni Ate Michaela?" Nag aalalang tanong ni tita Aj.

"No. Okay lang naman kami," Sabi ni daddy habang naka tingin sa mamahaling bagong biling relo.
"Bye, may meeting pa ako. Enjoy your meal guyso!" Saka tumayo siya at dali daling lumabas ng mansion.

Nanunukso namang tumingin sa akin si tita Aj, "Ikaw hah, bakit mukhang sobrang ganda ng gising mo at pati pagkain ay ngini ngitian mo?"

Na alala ko tuloy yung nangyari kagabi.

/Flashback/

Hindi ko alam pero namalayan ko nalang ang aking sarili na dahan dahang lumalakad papunta doon sa may pinaka dulo ng hallway.

Napatakip ako ng sariling bibig ng makita ko kung sino ang nag tatalo doon.

Sinasabi ko na nga ba! May something sa kanilang dalawa!

"Let's break up!" Dinig kong sabi niya.

"What? No way!" Sabi ni Aries saka ginulo ang sariling buhok, halatang namomroblema.

Pamilyang ContadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon