CHAPTER 16

48 6 1
                                    

Nang maka bihis ako ay agad din akong bumalik sa kusina, nadatnan ko pa ang  si Aryanna na busy sa paghihiwa ng sibuyas, kakabalik niya palang dito sa mansion. Nag bakasyon kasi siya sa kanilang probinsya.

"Hi Aryanna!" Nakangiting bati ko sa kaniya.

"Hello po Ate Ylaine," Nahihiyang bati niya sa akin saka pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

Tapos na ako sa pagluluto nang bumukas ang pinto ng kusina at pumasok si Sir George.

"Good afternoon sir George!" Sabay na bati namin ni Aryanna.

Nginitian lamang kami nito saka kumuha ng isang gallon na ice cream sa freezer.

Nagkibit balikat nalamang ako at pinagpatuloy ang paghahanda ng pananghalian nila.

Dinala namin iyon sa likod ng bahay nila dahil gusto daw nilang mananghalian sa kanilang harden. Mas maganda kasi doon, sariwang hangin at hindi masiyadong mainit.

Mukhang ngayon ko lang nakita na hindi nila kasabay mananghalian si Mr. Contador.

'Hmmm..baka busy?'

Bumalik nalang ako sa loob at nagsimulang mag linis sa kusina.

Nang matapos doon ay sa swimming pool naman ako naglinis, may mga dahon kasing nalalaglag doon.

"Hey!" Napa pitlag ako nang marinig ang kaniyang mala musikang tinig, kasabay din noon ang pag bilis ng tibok ng aking puso.

'Sabihin niyo kung anong nangyayari sakin, bakit ko to nararamdaman ngayon? Crush ko na ba siya? Kailan nag simula? Paano ko to naramdaman sa kaniya?'

"Hoy Ylaine!" Dinig ko tawag niya ulit.

"Ah.. Yes sir D..Dail? May kailangan po ba kayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Nothing, tulala ka kasi." Natatawang sabi niya saka umalis na.

Napapahiyang napa yuko ako at pinagpatuloy na lang ulit ang aking ginagawa.

"Hoy kita ko yun Ylaine!" Biglang sulpot ni Allyssa sa may gilid ko.

"Alin?" Maang-maangan ko dito.

"Crush mo si boss Dail, ano?" Naka ngising sabi niya.

"Hindi ah!" Tanggi ko sa'kaniya.

"Ay weh? Yung tinginan mo kanina, yung pag Iwas mo ng tingin sussss.... Yun ba yung wala?" Daldal niya sakin, Kaya inilingan ko nalang siya.

"Oh, tingnan mo yang mukha mo," turo niya sakin "namumula aweee, nag ba-blush yarn?" Sabi niya pa saka tumawa.

"Hindi ko nga siya crush!" Madiin na sabi ko sa kaniya.

"Oh? Bat nagagalit?" Halatang nang aasar na sabi niya sakin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya nag paalam na aalis na daw siya.

'Ampt ganon ba ako kahalata? Gosh!'

Nang matapos sa paglilinis ay agad akong pumunta sa kwarto ni senyorita Lea para mag linis, iyon kasi ang Sabi niya bago umalis. Well, malinis naman na ang kwarto niya gusto niya pa atang palinisin ng mabuti.

Hindi naman ako nag tagal doon. Pababa na sana ako ng hagdan ng may madinig ako na nag uusap sa isang kwarto. Hindi ko sana iyon papansinin kaso familiar yung boses kaya nanatili ako sa aking kinatatayoan para marinig ang usapan nila.

Pamilyang ContadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon