Madami na ang nagsisisdatingan na mga bisita at lahat sila ay halos galing sa mararangyang pamilya. Nagkikinangan ang kanilang mga sout. Wala pa man pero puno na ang lagayan ng regalo ni sir Dail.Ilang oras nalang ay magsisimula na ang party. Tapos ng ayosan ang pamilyang Contador pero wala pa sa kanila ang bumababa.
Naka usap ko na din si Ma'am Aj at tulad ng sinabi sa akin ng lalaki kanina ay ganoon din ang sinabi niya sa akin. This party will gonna be Exciting and interesting!
Pansamantalang nandito ako sa kwarto ni Señorita Lea dahil kanina pa ako nito pinapatawag dahil gusto niya na ako ang mag ayos sa kaniyang sosuotin.
"What?" Dinig kong sigaw ni Dr. Jeco habang kausap Si Señorita Lea.
"Yun na nga ang problema eh! Kanina pa ni Dail tinatawagan yung magiging partner niya pero di daw ma contact," Nag aalalang sabi ni Señorita.
"Yung Thamera?" Tanong ulit ni Dr. Jeco.
"Oo, sabi ni Dail." Sagot ni Señorita Lea habang tinitingan ang kabuoan sa salamin.
"Paano yan? Magsisimula na ang party?" Nag aalalang tanong ni Dr. Jeco.
Napabaling sa akin ang tingin ni Señorita Lea, napailing ka agad ako dahil sa tingin palang nito ay Alam ko na ang kaniyang binabalak.
"C'mon Ylaine, Alam kong may gusto ka kay Dail. Chance mo na to, kaya Goraaaa naaa!" Natatawang sabi ni Señorita Lea.
Kinuha ni Señorita ang kaniyang cellphone saka may biglang tinawagan.
"Dumating na ba yung magiging muse 'kuno ni Dail?" Nakangising tanong ni Señorita Lea.
"Oh! Tamang tama may nakita akong babae na mas babagay sa Birthday boy natin." Saka tumawa si Señorita Lea habang naka tingin sa akin. Patago ko siyang inirapan at napa yuko. Anak naman ng pato oh! Nakakahiya.
"Si Ylaine." Natigil siya saglit, mukhang nagsasalita pa yung kausap niya sa kabilang linya."Yeah, siya nga." Tatawa tawa pa ito bago nag salita ulit,"Okay, Ipadala mo nalang dito yung gagamitin niyang gown."Nakakalokong sabi Señorita Lea.
"Señorita Lea! Hindi ako sanay sa mga pang sosyal na party. Saka hindi ako nababagay na maging partner ni Sir Dail, isang hamak na katulong lamang ako baka mapahiya pa kayo." Nahihiyang sabi ko. At'saka baka ayaw ni Sir Dail na maging partner niya ako, mas nakakahiya yun.
"Look, Wala kaming paki alam kung ano man ang estado mo sa buhay basta Ship ko ang Daillaine!" Parang tangang sabi ni Señorita Lea.
"Wait," Pagsisingit ni Dr. Jeco sa usapan namin ni Señorita Lea." What do you mean that Daillaine?" Nagtatakang tanong ni Doc kay Señorita Lea.
"Daillaine, Dail and Ylaine!" Seryosong sabi ni Señorita Lea.
Eh?
"Señorita Lea, Please iba nalang." Pagmamaka awa ko sa kaniya.
"Nope! Wala along shiniship na hindi lumalayag!"
"Señorita Lea!"
Sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng kwarto ni Señorita nang may biglang kumatok dito.
"Come in!" Pasigaw na sabi ni Señorita Lea para madinig sa labas.
Bumukas naman ang pinto at bumungad sa amin ang limang babae na may ibat ibang hawak na desinyo ng gown.
"Great!" Nakangiting sabi ni Señorita Lea.
Hindi na ako naka angal ng bigla nila akong pina upo sa pwesto ni Señorita kanina saka inayusan. Si Señorita na ang pumili sa susoutin kong gown dahil wala naman akong alam doon.

BINABASA MO ANG
Pamilyang Contador
RandomPamilyang Contador, ang pinaka mayaman sa lalawigan ng Mishuriwa.