CHAPTER ONE

452 17 2
                                    


Nan'dito ako ngayon sa tapat ng mala gintong gate ng mga Contador. They're so Rich as I expected, hindi na ako magugulat kung mawawala ako sa loob ng kanilang pamamahay este MANSION!

Nag a-apply ako sa kanila bilang isang katulong, sabi ng nanay ko mababait naman daw ang pamilyang Contador kaso nangangain daw ng tao char lang.

Literal na napanganga ako nung biglang bumukas ang gate, Wow! Ang Hi-Tech mga sis!

Pumasok naman agad ako, shuta medyo malayo pa pala ang lalakarin ko papunta sa mansion nila!

Nagpalinga linga ako habang naglalakad, liningon ko pa yung gate na sarado na. Wews!

"Ikaw ba si Ylaine Shaine Majera?" Napa pitlag ako sa gulat ng biglang sumulpot ang isang babae sa dinaraanan ko, may katandaan na'din siya batid kong ito ang mayordoma sa mansion.

Nang maka recover sa pagka gulat nginitian ko Ito bago nag salita,"Ah opo! Ako nga Po!"

Tiningnan pa nito ako mula ulo hanggang paa,"Okay, Follow me!" Striktang sabi niya.

Hala mukhang Englishirest ang mga katulong dito.

Nang makarating kami sa maid's quarter, agad kong inayos ang aking mga gamit.

"Btw, pagkatapos mo diyan pumunta ka sa library ng mga Contador," mabilis na Sabi niya saka lumabas na ng kwarto.

Napa buntong hininga nalang ako, hindi ko alam kung paano pumunta 'roon, eh! Sa laki ba naman ng mansion na ito baka bukas ko pa mahanap ang library pag hinanap ko pa 'yun.

Lumabas naman ako ng aking kwarto, oo may sari sariling kwarto pala dito ang katulong ganoon sila ka yaman!

Saktong paglabas ko may padaan na lalaki? Babae ata... Ah binabae! Jusko Lord!

"Hey!" Tawag ko dito.

Lumingon naman ito sa'kin,"Yes?" Naka taas ang isang kilay na tanong niya.

"Ahm.. Alam mo ba kung Saan ang library ng mga Contador dito?" Naka ngiting tanong ko sa'kaniya.

"Yes," Maikling sabi niya.

"Pweding samahan mo ako 'roon?" Mukha kasing matagal na siya dito. Ano kayang trabaho niya dito Gardener? Taga luto o taga pakain ng mga kabayo?

Kitang kita ko kung paano nagsi salubongan ang kaniyang kilay,"Why would I do that?" Mataray na tanong niya.

"Hala! Señiorita!" Napa baling ako sa aking likod ng ma dinig ang boses nung mayordoma.

'Señorita?' nagtataka akong tumingin sa kausap ko kanina? Seriously? Señiorita to?

"Pasensya na ho señorita, bagohan lang po ang isang 'to dito." Paliwanag nung mayordoma.

Tumango lamang Ito saka tinalikuran na kami.

"Anak 'yun ng mga Contador?" Tanong ko sa mayordoma.

"Oo!"

"Ano nga pong pangalan mo?" Tanong ko ulit.

"Just call me manang Joanna."

"Ah! Okay manang Joanna," naka ngiting sabi ko.

Sinamahan niya naman ako papuntang Library ng mga Contador tapos parang house tour na'din para daw di ako mawala may mga sinabi pa siya about sa mga kailangan kong gawin, nakinig lang ako sa'kaniya hanggang sa makarating kami sa library.

Kumatok muna ako, bumukas naman iyon kaya agad akong pumasok. Bumungad sa'kin ang napakaraming libro, malamang library! Pero shuta nakaka lula sa sobrang dami.

Sa dulo 'nun may nakita akong naka upo say swivel chair na lalaki naka talaikod ito kaya di ko makita ang kaniyang mukha.

"Good morning ho, I'm Ylaine Shaine Majera. Ako po yung bagong katulong hehe," awkward na pagpapakilala ko.

Iniikot naman nito ang kaniyang swivel chair paharap sa'kin."Yeah, I know you already," naka ngiting sambit niya.

Omy! Siya si... Siya si Mr. Venice Kent Contador for Pete's sake!

Pina upo niya ako, saka pinag usapan ang aking monthly salary, nagka sundo naman kami 'doon sinong hindi? Eh! Ang taas taas na nga ng sahod! Choosy pa ba ako? HAHAHA.

Nang matapos ang aming usapan ay lumabas na ako sa nakaka lulang library nila, habang pababa ng hagdan ay nahagip ng aking mata ang family painting nila.

Guess what? Nag iisa palang anak yung lalaki este babae na 'yun. Siya pala si Leo or mas magandang sabihin nating Lea Contador ang Heirs ng Contador family, 'akitin ko kaya? Baka maging lalaki ulit' napailing ako sa sariling naisip, parang tanga lang eh! Trabaho yung pinasok ko dito hindi landi!

Napanganga ako sa sobrang ganda ni Misis Michaela Contador, mukhang hindi sa'kaniya nag mana ang kaniyang nag iisang anak na la.. babae.

Marami pa'dun na painting hindi ko kayang ma Isa isa dahil baka mapagalitan ako ni manang Joanna.

Ako pa'naman ang mag luluto ng pananghalian nila.

Actually bukas pa dapat ako magsisimulang mag trabaho kaso halos lahat atang katulong dito ay busy, Kaya ako nalang nag volunteer na mag luto. Since maalam naman akong mag luto ng kahit anong putahe.

Nang makatapos akong mag luto ay naghanda na ang ibang katulong para sa pananghalian nila.

Ako ang nautusan na tawagin si Lea/leo na nasa Garden daw kaya agad akong lumabas ng mansion para hanapin siya.

Nakita ko naman agad ito na naka kalong sa kausap niyang lalaki, hmm.. Boyfriend niya ata?

Nang makita ako nito ay agad na umalis siya sa pagkaka kalong saka umupo ng maayos.

Natawa ako sa reaction niya mukhang takot na di mo malaman.

Base sa naging reaction niya mukhang sekreto ang kanilang pag iibigan.

Interesting huh!

TO BE CONTINUED...

Pamilyang ContadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon