CHAPTER 12

63 7 0
                                        


Ylaine Pov.

Naka sakay ako ngayon sa tricycle papunta sa mansion ng mga Contador.
Dalawang araw din akong lumiban sa trabaho dahil nagka sakit ang aking ama, dala na siguro ng katandaan nito at labis na pagtatrabaho sa bukid.

Sa awa ng Maykapal medyo magaling na si tatay. Sinabi ko naman kasi sa kaniya na huwag ng mag trabaho dahil kasya naman yung sino-sweldo ko bilang katulong sa Contador fam pero ayun hindi man lang nakinig.

Medyo mahirap paniwalaan pero ang monthly salary namin bilang katulong nila ay 15k, yes! Ganun sila ka big time. Libre na pagkain, lahat libre basta huwag kalang tatamad tamad.

May pito akong kapatid na tinutustusan ang pag aaral, Kaya siguro nag poporsige si tatay na mag trabaho dahil ayaw niyang maging pabigat kahit hindi naman talaga siya pabigat para samin.

High School lang ang natapos ko dahil nga sa sobrang kakulangan ng pera hindi na kinaya nina tatay na pag aralin ako sa kolehiyo. Gusto kong mag aral pero baka pag pinilit ko iyon ay mas lalong mahirapan sina nanay tsaka si tatay.

Andami ko noong pinasukan na trabaho bago ako makuha bilang katulong ng Pamilyang Contador. Malaking tulong ang mapa bilang, bilang isang katulong sa pamilyang Contador dahil nga malaki ang sweldo at maganda ang pakikisama nila sa mga katulong. Pantay pantay ang kanilang pag tatrato sa bawat Isa.

Dahil sa mataas na sahod nila medyo nakaka luwag luwag na kami, kung dati isang kahig isang tuka ngayon hindi na.
Medyo mabigat lang sa bulsa dahil magka ka-college na yung isa kong kapatid.

Naputol ang aking pag iisip dahil biglang nagsalita si manong driver."Ma'am nandito na ho Tayo."

Bumaba naman ako ng tricycle saka nag bayad ng trenta pesos.

Tumambad ulit sa akin ang mala ginto at higanting gate ng Contador.

Parang may sariling isip na bumukas ulit iyon kaya pumasok na ako at deretsong nag lakad.

Sa bawat madadaanan mo ay  may mga nag gagandahang bulaklak. Napaka gandng tingnan dahil alang alaga ang mga ito. Napahinto ako dahil naglaglagan ang mga dahon ng puno ng mangga dahil sa hangin. Pumikit ako para damhin ang malamyos na sariwang hangin.

Unti unti kong dinilat ang aking mga mata saka ngumiti ngunit agad din iyong napawi dahil sa lalaking kaharap ko ngayon. Mukhang nagtataka siya kung ano ang ginagawa ko.

"What are you doing?" Naka ngising tanong ni Sir Dail sa'kin.

"Hehe wala po sir Dail" nahihiyang sabi ko."sige ho, kailangan ko pang mag trabaho." Paalam ko saka linagpasan siya at dali daling tumakbo papuntang maid's quarter.

Sa dinami daming pweding makakita bakit si Sir Dail pa? Nyeta naman yan.

"Oh Ylaine kamusta yung tatay mo?" Tanong sakin ni manang Joanna nang maka pasok ako sa kusina.

"Ayos lang naman po, naka labas na siya sa hospital kahapon."

"Ylaineee!" Sigaw ni Vea kaya napa takip ako sa aking tenga."Na miss kita!"

"Hala bumalik ka naaaaaaaaaaaaaa" Energetic na sabi ni Allyssa.

"Kamusta sa dino world Ylaine?" Parang tanga na tanong ni Chari, kahit kailan talaga ang baliw niya.

"Ang O-oa niyo parin, dalawang araw lang akong nawala hindi limang taon! Hello,"Naka ngiting sagot ko sa kanila.

"Okay na ba yung papa mo?" Tanong sakin ni Camille siya yung medyo matino kompara sa tatlo.

"Yes, hehe"

"Bumalik na kayo sa trabaho niyo at nagpapa hinga pa yan si Ylaine, paniguradong pagod yan dahil galing sa byahe." Sabat naman ni manang Joanna.

"Hayst! Ang kj talaga ni manang Joanna kahit kailan," bumubulong bulong na sabi ni Vea pero dinig na dinig ko. Mukha namang hindi nadinig yun ni manang dahil wala naman siyang sinabi, Kaya sinuswerte itong si Vea.

Limang oras din kasi ang byahe papunta dito kaya medyo nakaka pagod din talaga.

pagkapasok na pagkapasok ko palang sa kwarto ko ay agad na tumunog ang aking cellphone. Nang makita na si nanay iyon ay agad kong sinagot.

"Anak, kamusta yung byahe mo? Nakarating ka ba ng maayos? Hindi ka ba nahilo sa byahe?" Sunod sunod na tanong niya.

"Nay, ayos lang ho ako. Kayo kamusta diyan, si tatay ma ayos na ba ang pakiramdam?"

"Si Ylaine ba yan?" Dinig kong tanong ni tatay kay nanay.

"Oo" dinig ko pang sagot ni nanay.

"Ylaine anak, kausapin ka daw ng tatay mo."

"Hello Anak?" Boses iyon ni tatay.

Nangilid agad ang aking luha, na mimiss ko na agad sila.

"Tay?" Yun lamang ang nasabi ko.

"Mag iingat ka diyan hah! Huwag mong papabayaan ang sarili mo."

"Syempre naman tay, ano ka ba? Ikaw diyan ang mag palakas para pag uwi ko makapag bonding na tayo." Nalulungkot na sabi ko.

Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik ulit dahil sobrang busy na dito, nag bawas din ng katulong dahil linipat iyon sa isa pa nilang mansion.

"Huwag mo akong alalahanin anak, malakas ata tong tatay mo!" Saka tumawa siya, Kaya napa ngiti nalang ako.

"Ganiyan nga tay, inumin mo lahat ng gamot na niresita sayo ng doctor, ha!" Bilin ko pa sa kaniya.

"Oo naman anak, ayaw kong ma pektusan ng nanay mo."

Natawa naman ako sa sinabi niya, nadinig ko pa ang pagreklamo ni nanay sa kabilang linya dahil sa sinabi ni tatay.

Sobrang lucky ko sa kanila, kaya gagawin ko ang lahat para ma e-ahon sila sa hirap.

Mapapagod pero hindi susuko. Laban lang ng laban ang hanggang kaya pa.

"Hello Anak, nandiyan ka pa ba?" Dinig kong tanong ni nanay.

"Ay, opo pasensya na."

"Sige, mukhang napagod ka sa byahe. Bye na! Palagi kang mag iingat diyan." Sabi ni nanay bago niya enend call.

Pabagsak akong humiga sa malambot na kama at pinikit ang aking Mata.

Kunti na lang makaka tulog na ako kaso may pisteng kumatok sa pintoan ng kwarto ko.

Bumangon ako at parang zombie na naglakad pa punta sa pintoan para buksan iyon.

"Hi? How's your dad?" Tanong niya sakin habang busy sa pag babasa nang kung ano man yun.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nagka sakit ang aking tatay.  Baka narinig niya sa mga katulong o kaya na sabi sa kaniya ni Mr. Contador.

"Okay naman po siya." Ina antok na sabi ko.

"And how about you? Are you okay?" Nag aalalang tanong niya.

"I'm fine."

"Okay." Tumatango tangong sabi niya saka lumakad na pa alis.

'Ang weirdo.'

Bakit naman kaya niya ako tinanong. Ganoon kaya sila lahat dito sa katulong nila? Kung oo isa lang masasabi ko. Sobrang napaka bait nila.

                         

 TO BE CONTINUED...

Pamilyang ContadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon