CHAPTER 15

50 8 0
                                        

Ylaine Pov.

Ngayon ang alis ni Señorita Lea sa katunayan nga ay halos lahat sila ay nasa rooftop na ng mansion. Remember? May sarili silang palapagan ng private helicopter nila. Kamangha mangha ang kanilang sobrang pagiging mayaman. Mukhang naka alis na si Señorita Lea dahil isa isang lumabas ang kaniyang kapamilya sa elevator.

Napayuko ako at binati sila ng good morning. Nang makalagpas sila sa kinaroroonan ko ay pinag patuloy ko na ang aking ginagawa.

"Hoyyyy!" Biglang tawag sa'kin ni Chari.

"Hoyyyy ka'rin!"

"Sup ate Ylaineee!" Bati naman sa'kin ni Vea na halos mapunit na ang kaniyang mga labi sa sobrang pagkaka ngiti.

Bigla namang sumulpot si Alyssa,"Woay alam niyo ba?" Iyon kaagad ang unang sinabi niya sa amin.

'Wews up to date talaga itong si Alyssa pag dating sa kahit saan HAHAHA!'

"Oh anong Chica mo Alyssa?" Usyoso ni Camille habang nag pupunas siya ng pawis sa kaniyang noo.

"Yung sa kapatid ni Ma'am Spi!" Pangbibitin na kwento niya.

"Ror, ror, Alam ko na yan." Naka ngising sabi ni Chari. Napailing nalang ako dahil sa Ror niya konti nalang magmumukha na siyang Dinosaur!

"Malamang! Kayo parati ang laging updated ni Alyssa pag dating sa ano." Tumatawang sabi ni Vea.

"Ang sama mo Vea!" Sabay na sabi nung dalawa,kaya tinawanan lamang namin Ito.

"So, anong Chica niyo? Bilis may trabaho pa tayo." Seryosong sabi ko naman sa kanila, mahirap na at baka mapagalitan nanaman kami ng mayordoma sa mansion na ito.

"Yung kapatid ni Ma'am Spi, Yung gwapong Doctor? Kilala niyo yun diba?" Parang tangang kinikilig na sabi ni Alyssa.

"Oh? Wag mong sabihing crush mo siya, asawa ko Yun!" May pagbabanta sa boses ni Camille, kahit kailan parang mga timang talaga sila. Mahilig silang mang angkin kahit hindi naman talaga sa'kanila, pero hindi naman sa lahat ng bagay hahaha. Biro biroan lang namin yung pang aangkin eh!

"Wow! Kasal kayo? Kasal kayo? Patingin nga ng marriage certificate?" Pangbabara ni Alyssa.

"Ang Pabitin mo naman kasing mag kwento Alyssa! Ako na ngalang mag sasabi!"naka simangot na sabi ni Chari.

"Di ko sure ha! Pero ito yung dinig ko si..." Biglang natigil sa pagsasalita si Chari dahil...

'omaii si manang Joanna! Sabi ko na nga ba eh'

"Anong ganap at mukhang may pagpupulong kayo 'riyan?" Naka taas ang kilay na tanong ni manang.

"Ah.. eh.. kasi.." kumakamot kamot sa ulo na sabi ni Chari.

"Ah guys mag tutupi pa pala ako nung mga damit." Paalam ni Vea na halatang tumatakas para hindi mapagalitan.

"Ako din, nakalimutan ko mag pa-plantsa pa pala ako hehe." Sabay talikod ni Camille.

"Ako din pupuntahan ko pa si Ate khim doon sa zoo, balita ko marami na daw na punta doon para mamasyal eh!" Sabi naman ni Alyssa saka kinawayan pa kami bago umalis.

Kami nalang ang nandito ni Chari at parang naglalabanan ng tingin, seryoso lang na nagpabalik balik samin ang tingin ni manang Joanna.

"Walang magsasalita sainyong dalawa?"

Si Chari ang unang kumurap kaya napangisi ako siya iyong mag e-explain pero minamalas ata ako dahil.

"Ikaw Ylaine anong ngingisi ngisi mo diyan?" Nagagalit na tanong ni manang Joanna. Lumubo naman ang pisnge ni Chari para mapigilan ang kaniyang pagtawa. Inirapan ko siya, mautot sana siya rord!

Pamilyang ContadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon