"Aryanna!" Naka ngiting tawag ko sa kaniya, agad namang lumingon Ito sa gawi ko.
"Yes po ate Ylaine?"
"Tuloy ba yung photo shoot ni Sir Dail?" Mahinang tanong ko sa kaniya.
"Hindi daw po. Busy po daw kasi si Sir Dail ngayon Kaya pina cancel po muna."
"Ah ganun ba? Sige salamat." Sabi ko, kaya umalis na din siya ka agad.
Pa punta sana ako sa kitchen nang nakita ko si ma'am Michaela na nagmamadaling lumabas ng elevator at si Mr. Kent na halos habol ang hiningang tumatakbo pababa ng hagdan.
Para akong nanonood ng k drama nang hinawakan ni Mr. Kent ang kamay ni ma'am Michaela at lumuhod ito sa harapan niya. Mugto ang Mata ni ma'am Michela.
"Please, please let me explain babhie." Naiiyak na sabi ni Mr. Kent.
"Just what on Earth is going on?" Sigaw ni ma'am Ey nang makapasok siya sa mansion at nakita ang dalawa.
"What the hell?" Sigaw din ni ma'am Aj na halatang naguguluhan sa nangyayari.
Halata ang galit sa mga Mata ni ma'am Michaela at doon palang alam ko na kung ano ang nangyayari.
"I DONT NEED YOUR FUCKING EXPLANATION KENT!" Nakaka binging sigaw ni ma'am Michaela na halos nag echo pa ito sa boung mansion."Bakit anong kasinungalingan nanaman ang sasabihin mo? Anong kasinungalingan nanaman Ha?" Saka may kinuha si ma'am Michaela sa bag niya at tinapon iyon sa pagmumukha ni Mr. Kent. "Sige nga, anong masasabi mo sa mga larawan na yan?"
Umiyak lang nang umiyak doon si Mr. Kent habang naka luhod parin. Nakaka awang tingnan pero mas nakaka awa si ma'am Michaela.
"Binigay ko sayo lahat Kent! Minahal Kita higit pa sa sarili ko." Nanghihinang sabi ni ma'am Michaela habang umiiyak."Sana, Sana bago mo naisipang mag hanap ng iba Sana man lang naisipan mo kung ano ang mararamdaman ko."
"I'm sorry babhie, I'm really really sorry." Naka yukong sabi ni Mr. Kent habang naka luhod siya sa tapat ni ma'am Michaela.
"STOP CALLING ME BABHIE!" Sigaw ulit ni ma'am Michaela."Just go away Kent please, hindi ko maatim na makita ka,nandidiri ako sayo." Humikbing sabi ni ma'am Micaela.
"ENOUGH!" Napa baling ako sa may pinto at kitang kita ko ang galit na mukha ni Sir George."What the fuck is happening to the both of you?!" May diin na tanong ni Sir George kay ma'am Michaela at Mr. Kent.
Walang ni isang nag salita halos nagkakatitigan lang sila doon.
Sakto namang pumasok ang Secretary ni Mr. Kent saglit pa itong natulala nang Makita ang sitwasyon. Galit na tumingin si ma'am Michaela kay Ms. Ania.
Agad na lumapit si ma'am Michaela kay Ania saka malakas itong sinampal."How dare you! Saan ka ba kumukuha Nang kakapalan ng mukha at pumunta ka pa dito? Alam mong may asawa linandi mo pa? Anong klase kang tao? Ahh.. hindi ka nga pala tao Isa kang Ahas!" Saka sinampal niya ulit ito.
Tumawa ng nakaka insulto si Ania,"Well? Michaela Kung Mahal ka talaga ng asawa mo, unang una hindi siya mag papalandi!"
"Shut up Ania!" Sigaw ni Mr. Kent saka agad na lumapit kay ma'am Michaela."Babhie tama na please."
"I told you to stop calling me Babhie, didn't I?" Puno nang galit, hinanakit na sabi ni ma'am Michaela."Lumayas kayo sa harapan ko! At ikaw Kent huwag na huwag kang babalik sa mansion na ito! Simula ngayon kalimutan mo na, na may naging asawa ka. Mag sama kayong dalawa parehong animal!" Saka tumalikod si ma'am Michaela at nagmadaling sumakay sa elevator, sumunod naman si Ma'am Ey at Aj.
Malalim na napa buntong hininga nalang si Sir George habang si Mr. Kent ay naiwan na naka tulala.
"Let's go? Naka ngiting sabi ni Ania saka hinawakan ang kamay ni Mr. Kent.
"Don't touch me! Don't you ever try to touch me!" Nangagalaiting Sabi ni Mr. Kent.
"Wow? Anong nangyari Kent diba Ito naman Ang gusto nating dalawa?" Natatawang sabi ni Ania.
"Hindi ko gusto ito, okay? Damn it! Lumayas ka sa harapan ko at baka makalimutan kong babae ka!" Galit na sabi ni Mr. Kent.
Galit na lumapit si Sir George kay Mr. Kent at binigyan Ito ng napakalakas na suntok.
"Damn you Kent! Nag iisip ka pa ba? Seriously? Nakuha mo pang magluko!" Saka binigyan ulit ng panibagong suntok si Mr. Kent.
"Tumayo ka diyan!" Sabi ni Sir George dahil napa upo si Mr. Kent sa lakas ng suntok ni Sir George.
"Hey! Anong nangyayari?" Tanong ni Doc. Jeco halatang kagagaling palang nito sa hospital dahil sa naka lab coat pa Ito. Inalalayan niya pa si Mr. Kent na maka tayo.
"Umalis kana Kent pag nadatnan ka pa ni Rafsan dito baka hindi Lang yan ang abutin mo." Sabi ni Sir George saka tinalikoran ang dalawa.
"Ano bang nangyari?" Naguguluhan na tanong ni Doc. Jeco.
Wala sa sariling umiling si Mr. Kent at lumabas ng mansion.
Pumunta ako ng kusina at nangiginig ang kamay na nagsalin Ng tubig sa baso.
'Ano nalang ang mararamdaman ni Señorita Lea pag nalaman niya to?gosh!'
Pabalik na ako sa maid's quarter nang biglang huminto sa tapat ko ang sports car at bumababa Doon si Sir Rafsan.
"Good afternoon Sir Rafsan!" Mahinang bati ko dito.
Tiningnan niya lang ako saka nagmamadaling pumasok sa mansion.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad imbes na bumalik sa maid's quarter ay nag libot libot ako sa kanilang harden.
"Iha, bakit narito ka?" Napatingin ako sa likod ko at nakita si Manong Sibal ang Tubero dito.
"Wala Lang ho, nagpapahangin lang po."Sabi ko dito saka nginitian siya."Ikaw ho, anong ginagawa niyo po dito?"
Medyo nagulat pa siya kaya napa ngiti ako ng malapad,"Yieeeeeee si manang Joanna pinuntahan niyo no?" Panunukso ko kay Manong Sibal.
"Ikaw talagang Bata ka!" Natatawang sabi niya.
"Manong, may ganun pala no? Yung kahit ilang taon na kayong magkasama darating parin yung araw na ipagpapalit ka sa Iba. Yung mapapa isip ka nalang, Kung bakit sila nag cheat? Bakit Kaya ganun ano?"
"Aba, ewan ko diyan ineng wala pa akong experience sa mga ganiyan. Nung kabataan ko pa lahat ng liniligawan ko basted ako." Tumatawang sabi niya.
"Luh? Seryoso Yan Manong Sibal?"
"Hindi nagbibiro lang ako Ylaine." Saka tumawa ulit siya.
Napa iling nalang ako pati siya marunong na din mangbara.
"Minsan nag che-cheat tayo kasi hindi na tayo masaya sa relasyon."seryosong sabi ni Manong Sibal.
"Eh? Hindi Naman po rason Yun para manloko." Sagot ko Naman.
"Ay, Hindi ba?"
Parang tanga talaga tong si Manong Sibal! Hindi naman nakakatawa ang mga biro.
"Sana hindi ka sagutin ni manang Joanna!"
"Hoy, huwag Kang ganiyan Ylaine!" Naka simangot na sabi ni Manong Sibal Kaya natawa nalang ako.
Iniwan ko nalang doon si manong Sibal dahil baka magkikita pa sila doon ni manang Joanna.
'Hayyy ka depfreeze namarn ang araw na to!'
TO BE CONTINUED...
![](https://img.wattpad.com/cover/253410870-288-k659441.jpg)
BINABASA MO ANG
Pamilyang Contador
DiversosPamilyang Contador, ang pinaka mayaman sa lalawigan ng Mishuriwa.