'What the f*cking hell? Seriously? Punyemas yan!'"Future natin? Eww! Mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo." Sabi ko kay Rafsan saka inirapan siya.
'Bakit nga ba nandito ang isang to? Ang boung akala ko ay si Marck ang pupunta sa aking opisina. Kung alam ko lang na ito palang kumag na ito, sana hindi ko na siya pinapasok sa opisina ko! Tsk. Bakit ba kasi di man lang ako nag effort na tingnan kung sino yung pumasok? damn!'
"Bakit ba lagi ka nalang iritado pag kausap mo ako? Hah?" Seryosong tanong niya saka nag lakad papunta sa mesa ko.
"Kahit sino maiirita sayo."
"Wow! FYI Atty. Ey Contador, maraming kinikilig na babae pag dumadaan ako." Naka ngiting sabi niya sa akin.
"Bakit hindi sila ang kulitin mo imbes na ako?" Sabi ko saka kumuha ng tubig sa mini ref ko.
"Bakit ko naman sila kukulitin, kung alam ko naman sa sarili ko na ikaw yung Mahal ko?"
Nang madinig iyon ay naibuga ko sa kaniya yung iniinom kung tubig. Sakto sa pagmumukha niya, kaya natawa ako.
"Kailan ka titigil sa kakabanat mo, Rafsan?" Tanong ko sa kaniya habang pinupunasan niya yung mukha niya ng tissue.
"Pag minahal mo na ako." Sinabi niya iyon sa malungkot na tono.
"Huwag mo akong ubligahin na mahalin ka, baka magsisi ka."
Kitang kita ko ang pagka bigla sa kaniyang pagmumukha. Ano ba ang nakaka bigla sa sinabi ko? Totoo naman diba? May nabasa akong book, sabi doon ay huwag mong ubligahin na mahalin ka nung taong Mahal mo. Ikaw lang yung may gusto the feeling is not mutual so huwag mo siyang pilitin na gustuhin ka niya pabalik. Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo.
"Okay," Sabi niya habang tumatango- tango pa. Mukhang nasaktan sa sinabi ko."Gotta go Attorney, take care always. Bye!" Yun lamang ang kaniyang sinabi saka lumabas na siya ng aking opisina.
Nag vibrate naman ang phone ko kaya kinuha ko agad iyon saka binasa ang text ni Marck.
From Atty. Marck:
Can't come, sorry.:'(
Agad naman akong nag tipa ng e rereply sa kaniya.
To Atty. Marck:
Oks lang yan!
Pa good points lang yan si Marck kasi may gusto sa kapatid ko. Isa siya sa mga kaibigan ko at masasabi kong pasado na siya para sa akin, determinado sa pagtatrabaho wala ka ng hahanapin kasi halos nasa kaniya na ang lahat except sa kapatid ko. Maarte ang isang yun pagdating sa lalaki, knowing Aj pag hindi niya gusto hindi siya mapipilit. Pero kung ki Marck ba naman? Gawan natin ng paraan yan! HAHAHAHA.
Hindi ko alam kung bakit ba ayaw ni Aj kay Marck, e halos magkandarapa ang mga babae dito para lang mapansin ni Marck tapos aayawan niya lang! Choosy din tong kapatid ko eh.
Umuwi ako ng maaga sa mansion nina kuya Kent, actually may condo naman ako kaso mas bet kong umuwi sa mansion nila. Sa ilang araw na pamamalagi ko sa bahay nila napapansin ko lang na bihirang umuwi si kuya, hindi niya naman iyon ginagawa dati o baka sobrang busy lang talaga ngayon?
Saktong pagkababa ko ng sasakyan ay may papa alis din na isang sasakyan tinted iyon kaya di ko makita kung sino.
Pagkapasok ko sa mansion ay agad kong nadinig ang tawanan nina Lea sa may Sala, mukhang sinusulit niya na nandito siya dahil bukas aalis na siya. Well, dahil nag iisang anak siya ni Ate Michaela at sunod siya layaw kaya sa Harvard siya pinag aral.
BINABASA MO ANG
Pamilyang Contador
De TodoPamilyang Contador, ang pinaka mayaman sa lalawigan ng Mishuriwa.