CHAPTER 30

69 3 1
                                        

After 1 Year

Masaya ang mga lovelife ng Contador fam except kina Rafsan at Ey na hindi pa nakakasal dahil nagkalaboan ito. May magandang offer kasi kay Rafsan sa ibang bansa at gusto ni Ey na kunin iyon ni Rafsan pero ayaw naman ni Rafsan dumagdag pa yung naging dating Client ni Ey na Ex niya kaya masiyadong naging magulo. Akala ng iba ay wala ng kasalang magaganap pero ano't heto ngayon nag aasikaso ulit sila sa na udlot na plano.

May bagong miyembro din sa Contador Fam dahil..... Nanganak na si Michaela Contador. Yes! Nung panahon na nag hahanap siya ng fresh milk ng baka ay nagdadalang tao na siya.

Say ng mga Couple sa pamilya 'SANAOL'

Isang healthy baby boy ang anak ni Micheala at pinangalan nila ito ng Makil Vince na hango sa pangalan nilang dalawa.

Sina Dail at Ylaine ay masaya na sa isa't isa.

Si Aj at Marck ay nag ho honeymoon sa ibang bansa. Yes! Mas na una silang ikasal kay Rafsan at Ey.

Si Aries at Maja ay masayang pinapalago ang kanilang business bago magpakasal.

Si George? Ayun sobrang yaman na.

Si Jeco at Lea? Masayang namumuhay sa ibang bansa. Umu uwi sila pag bakasyon.

——————————

Binyag ni Makil kaya halos madaming tao nanaman sa mansion ng Contador. Reunion na nga kasi ngayon nalang ulit sila na kumpleto dahil nga sa busy na ang lahat.

"Whaaa ang cute ng baby Makil na yan." Sabi ni Aj saka kinurot sa pisnge ang bata.

"Honey don't worry ilang buwang nalang darating na din ang baby natin." Sabi ni Rafsan sabay hawak sa tiyan ni Aj.

"Sanaol." Sigaw naman ni Rafsan.

"Kasal muna ha!" Natatawang sabi ni Kent.

"Oh pano ba yang Ey? Naunahan ka ng kapatid mong si Aj?" Panunukso ni George kay Ey.

"At least ako ikakasal na e ikaw?" Natatawang sabi ni Ey kay George.

"Hi guys!" Umalingaw ngaw ang boses ni Charlotte kasama si Vincent at ang anak nitong si Farah dahil ito nalang ang single sa pamilya nila.

Nagkamustahan naman sila saka pinag agawan kung sino ang mag bubuhat sa batang si Makil.

"Oemjiiiiii ang cute ng kapatid ko halatang nag mana sakin!" sabi pa ni leo saka nagtawanan sila.

Halos magka sunuran lang na dumating sina Ylaine At Maja kasama ang mga Boyfriend nila.

Makikita mong sabik na maka usap nila ang isa't isa dahil mahabang panahon din na hindi sila naka bisita sa Mansion.

Mga bago na ang katulong sa mansion dahil halos lahat ay may kaniya kaniya na itong pamilya. Nagkikita kita pa naman sila nila Ylaine at halos lahat sila ay masaya sa sari sariling pamilya.

Si Pamela naman ay may pamilya na at may tatlong anak 2 babae at isang lalaki. Masaya na itong naninirahan sa Canada.

Sabay sabay silang pumunta sa simbahan para sa misa at binyag ni baby Makil.

Nang matapos ang binyag ay agad silang nagsi sakay sa kaniya kaniyang sasakyan papunta sa mansion.

——————————

Halos ma puno ng iyakan dahil sa sobrang saya, excitement hindi na mapangalan kung ano ang mararamdaman nang bumukas ang pinto ng simbahan at tumugtug ang malamyos na musika kasabay ng paglakad ng bride pa puntang Altar.

Halos lahat ng mata ay nakatutok sa kaniya at sa groom na halatang pinipigalang umiyak dahil sa tuwa.

Naging madali lang ang ceremony. Malakas na palakpakan ang maririnig mo ng sabihin ng pari na 'You may now kiss the bride.'

"Congratulations to the newlywed!" Nakangiting bati ni Dail.

"Honeymoon na this!" Pagbibiro ni Marck.

"Ninang ako ah?" Sabi naman ni Ylaine.

"Wait!" Sigaw ni George saka hinawakan ang kamay ni Ylaine." Oemjiiiii May engagement ring guys!"

Napatingin naman sa kaniya ang lahat.

"Whaaaa Sanaol talagaaaaaaaa." Sigaw ni Farah kaya nag tawanan sila.

"Pano yan Asraa? Engage na yung crush mo?" Pagtutukoy ni Marck kay Dail.

"Kuya! Sabing Hindi ko naman Crush si kuya Dail!" Naka ngusong sabi ni Asraa. Kaya nagtawanan ulit sila.

Sabay sabay silang pumunta sa reception. Madali lang natapos ang event dahil ata't na ata't na si Rafsan sa Honeymoon nila ni Ey Char.

Wala nang mas sasaya pag na hanap mo na ang totoong para sayo sa tamang oras, sa tamang panahon, at sa tamang lugar. Ang pagmamahal ay hindi minamadali.

Nakaka tuwang pagmasdan ang Pamilyang Contador. Sa wakas na hanap na nila ang tunay na mag mamahal sa kanila. Sa wakas lahat ng barko ay lalayag na. Kahit gaaano man kalakas ng alon ang kinaharap nila at kahit inibutan man sila ng bagyo sa gitna ng karagatan ngayon ito na, Lalayag na ang barko ng pagmamahalan. Pagmamahalan na walang katapusan. Pagmamahalan na kontento sa kung anong meron ang bawat isa. Ang barko na puno ng pagmamahalan ay lumayag na.

Pamilyang Contador is Now Signing off.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pamilyang ContadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon