After 3 Months
Sa mga nakaraang buwan ay naging maayos ang relasyon namin ni Dail. Walang alitan, Kung minsan man ay nagtatampo pero naayos din naman namin ka agad. Sabi nga ng iba ay mala perpekto na ang aming relasyong dalawa. Masaya ba ako? Syempre oo! Wala na akong ibang lalaking magugustuhan kundi siya lang.
Dahil day off namin ngayon sa trabaho kaya umuwi muna ako sa aming bahay. Ang dati naming barong barong na bahay ay maayos na, sa katunayan ay may second floor na. Worth it lahat ng pagod sa pag tatrabaho dahil natupad ko na ang pangarap Kong mapa tayuan ng bahay sina nanay at tatay. Makita ko lang silang masaya, Okay na ako.
Napatigil ako sa pag mumuni Muni nang mag ring ang phone ko.
"Camille?"
"Sizzzzzz!" Sigaw nito sa kabilang linya kaya linayo ko ng kaunti yung cellphone sa tenga ko.
"Pwd ba! Wag kang sumigaw!"
"Sizzz, Bad news!" Sigaw ni Allyssa, Halatang magkakasama nanaman sila.
"Ano nga kasi?" Curious na tanong ko.
"Yung Ex umuwi." Mataray na pagkaka sabi ni Camille.
"Ex nino? Ni Atty. Ey?" Nagtatakang tanong ko.
Dinig ko naman na napasinghap sila. "Boba! Minsan kasi gumamit ka din ng Facebook, Ig at Twitter noh? para updated ka naman kahit papaano. Tsk!"
"Ex nga nino?"
"EX NI DAIL ANDITO SA MISHURIWAAAAAAAA!" Sigaw ulit ni Camille, pero this time Hindi ko na inilayo Yung phone sa tenga ko.
"How?" Kinakabahang tanong ko.
"Gaga malamang sumakay ng Eroplano!" Pabalang na sagot ni Alyssa.
"I mean, Paano niyo nalaman?"
"Beh nag POST nga kasi! Nasa Airport siya ng Mishuriwa at pinagkaka guluhan pa! And guess what kung sino ang sumundo?" Pambibitin na tanong niya.
"Yung Driver niya?" Inosenteng tanong ko.
Dinig na dinig ko ang malutong na mura nila. Mukhang naka loudspeaker. "Ylaine kung di ka gumagamit ng social media pwd naman atang manood ng balita no?"
"Bakit ba? pwd niyo naman kasing diretsohin kung sino ang sumundo sa Ex ni Dail. May pa guess what, guess what pa kayong nalamaman!" Pagrereklamo ko sa kanila habang binuksan ang Tv. Sakto naman na nasa balita iyon.
"Trisha Guerrero isang sikat na Modelo ay kadarating lamang sa Mishuriwa at mukhang may balikan na magaganap sa Long time boyfriend niya dati na si Dail Erin Contador. Makikita natin na si Mr. Dail ang sumundo sa kaniya sa Airport." Sabay pakita nung Video, Sa video makikita mong naka hawak si Dail sa bewang ni Trisha habang pino-protektahan ito sa nagkukumpulang mga tao. Hirap na hirap hawiin ng mga security guard ang mga naka harang sa daraan nila.
'Ang bobo alam niya ng sikat siya di magdadala ng body guard!'
Humabol naman yung mga reporter's at madaming tinanong sa kaniya at tungkol sa kanilang dalawa.
"Hello? Hello Ylaine? Buhay ka pa ba?" Dinig Kong sabi sa kabilang linya Hindi ko pa pala na end call.
"Yeah" Mahinang pagkaka sabi ko saka pinatay ang tawag.
Agad na tinext ko si Dail pero wala akong nakuhang reply. Kahit pa sa tawag ay hindi niya rin makuhang sagutin.
'Ganun ka ba sobrang ka busy Dail?'
Natawa ako ng pagak. Grabe Hindi naman siya ganito dati. DATI! Nag rereply ka agad siya sa Text ko, Pag tinatawagan ko siya isang ring lang sinasagot niya kaagad pero ngayon... ngayon ewan ko na.
BINABASA MO ANG
Pamilyang Contador
SonstigesPamilyang Contador, ang pinaka mayaman sa lalawigan ng Mishuriwa.