Ylaine POV.
Hindi lumabas sa media ang nangyaring panloloko ni Mr. Kent kay ma'am Michaela. Naging tahimik din ang boung mansion. Halos andito ulit sila bukod kay Kent na pinalayas ni ma'am Michaela.
Umuwi si Señorita Lea, andito din sina Sir Jv, George Rafsan Jeco and Aries pati Sina ma'am Pamela Maja, Farah, Nhiesly and her daughter Pearl.
"Haysss Bakit ba umuwi sila dito? Andami nanaman tuloy hugasin!" Reklamo ni Vea na sinang ayunan naman ng lahat ng katulong.
"Pero halata niyo ba? Hindi ko na nakikita si Mr. Kent." Sabi ni Allyssa.
"Oo nga noh?" Pag sasang ayon ni Camille.
Halatang walang Alam sa issue nagkatinginan nalang kami ni manang Joanna saka napa iling.
Malapit na pala yung birthday ni Sir Dail, akala ko makaka cancel yun dahil sa issue pero mukhang hindi dahil nag pho photo shoot na siya ngayon. Iba talaga pag mayaman noh? Bonggahan ang labanan.
Nagdaan Ang mga araw at palapit na Palipit na ang birthday ni Sir dail kaya halos Hindi na kami magkanda ugaga sa mga gawain.
"Lahat na ba napadalhan ng invitation?" Tanong ni manang Joanna sa akin habang nag kakape.
"Yes po."
Halos mga bigating tao ang mga invited para sa Birthday ni Sir Dail, kulang nalang ay imbitahan rin nila ang presidenti. Madaming Artista, mga models, may sikat din na banda!
"Ayos na ba lahat? I guess wala ng problema para sa paparating na birthday ni Dail? Eh, yung event organizer, yung sikat na chef sa boung Asia na magluluto para sa birthday ni Dail, okay na ba din ba?" Sunod sunod na tanong ni ma'am Aj.
"Ano ka ba ate Aj, sinabi ko nang kahit simpleng party lang." napapakamot sa batok na sabi ni Sir Dail.
"Woay, Anong simple Lang? Debut mo ata yun kaya dapat pag handaan noh!" Reklamo din sa kaniya ni Ma'am Aj.
"Btw sino ba yung muse mo Dail?" Pagsisingit ni Atty. Ey sa usapan nung dalawa.
Nginisihan naman ni Sir Dail yung dalawa, "Well," pambibitin na sagot niya sa dalawa na halatang interesado sa sasagotin ng kanilang bunsong kapatid, "Secret!" Saka natatawang umiwas sa dalawa.
"Dail Erin Contador!" Tawag ni Atty. Ey sa boung pangalan ni Sir Dail.
"What?" Naka ngiti paring sabi ni Sir Dail halatang nasisiyahan na makitang napipikon ang kaniyang kapatid.
"Sabi ng matatanda masama ang makinig sa usapan ng iba." Nagulantang ako sa biglang pag sulpot ni Aryanna sa tabi ko, parang kabute lang eh noh?
"FYI Hindi ako nakikinig no, sadyang naririnig ko lang usapan nila." Rason ko sa kaniya.
"Okay Ate Ylaine," Naka ngisi ding sabi niya.
Bumalik ako sa kusina at nag handa nalang ng meryenda.
Ilang araw palang na wala si Mr. Kent ngunit mahahalata mo ang pagka balisa ni ma'am Micheala. Makaka usap mo siya, ngumingiti siya pero mahahalata mo sa mga mata niya na Hindi siya totoong masaya.
Sino nga bang masisiyahan pag niloko ka?
Inilapag ko sa mesa ang mga inihanda kong meryenda saka hinatid sa sala kasi andun parin sila nag uusap usap para sa party na paparating.
Simula nung umalis si Mr. Kent ay wala na akong balita sa kaniya. Malimit din kasing pag usapan nila si Mr. Kent.
Si Señorita Lea ay palaging nasa tabi ng mommy niya ni hindi man lang ito umalis para iwan ang mama niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/253410870-288-k659441.jpg)
BINABASA MO ANG
Pamilyang Contador
AcakPamilyang Contador, ang pinaka mayaman sa lalawigan ng Mishuriwa.