Masaya silang naliligo sa swimming pool habang ako, busy na kumakain dito.
Naka tayo si ninang Ey sa may gilid ng pool nang bigla siyang tinulak ni ninong George.
Napa pikit pa ako dahil ang sama ng bagsak ni ninang Ey sa tubig. Napatawa naman ang iba naming kasamahan pero mas lamang yung tawa ni ninong George.
Tawa ng tawa si ninong George habang si ninang Ey ay halos habol ang hininga na umahon at lumangoy papuntang gilid.
"Punyemas ka talaga George kahit kailan!" Sabi ni ninang Ey saka umahon ito sa tubig at hinabol si ninong George na hanggang ngayon ay tawa parin ng tawa.
"Guys! Kakain na" sigaw ni daddy.
Naka handa na doon ang ibat ibang pagkain na pinahanda namin. Sa sobrang dami noon ay pwede na atang ipakain sa boung Mishuriwa.
Well ganun naman talaga, sinasadya naming marami palagi ang pinapaluto sa katulong dahil yung iba pina pamigay namin.
"Oh, gosh I really love this food!" Pagtutukoy ni Maja doon sa Kamoteshikarie.
"Kalabasa para sa mga taong di maka kita ng halaga!" Sabi ni ninang Aj habang kumukuha nung kalabasa.
"Tama yan sayo, para kahit papaano makita mo din ang halaga ko," Sabi ni Marck kaya na puno ang mesa ng tawanan at tuksuhan.
Inabot naman ni Rafsan yung bowl na punong puno ng kalabasa,"Kalabasa para sa malabo mong mga mata, Mahal kita pero hindi mo parin nakikita."
"Engineer ka ba talaga?" Tanong ni ninang Ey.
"Hindi, future husband mo" Sagot ni Rafsan kaya halos nag hagikhikan ang nasa mesa.
"Sorry pero yung apelyido mo di bagay sa pangalan ko," pagtataray ni ninang Ey.
"At least bagay tayo" hindi nakatakas sakin Ang pag kindat ni Rafsan kay ninang Ey.
"When kayaaaa?" Sabi ni Tito Dail habang kumuha ng litrato, siya ang mahilig diyan eh.
"Andaming babae'ng nagkakandarapa sayo Dail, Ikaw lang tong mapili!" Naka ngising sabi ni daddy.
"Andaming nabibihag ni kuya Dail, yieeeeeee" panunukso ni Spi.
"Diba Engineer ka Rafsan?" Biglang tanong ni tito Jv.
"Yes, why?" Nagtatakang tanong ni Rafsan kay Tito.
"Bakit hindi mo kayang gawing equal yung nararamdaman mo para sa kaniya?" Sabay tingin ni tito kay ninang Ey.
"Hindi ko pa makuha ang formula, kung paano siya mapapasakin." Sagot ni Rafsan kaya napa 'owwww' kami.
"Enough na muna tayo diyan." Biglaang sabi ni mommy habang seryoso kaming tinitingnan sa mata."Go on Aries spell it" Sabi ni mommy habang naka ngiting naka tingin kay Aries.
Binaling ko ang tingin kay Maja na halatang kabado doon palang ay nahulaan ko na kung ano ang sasabihin ni Aries.
"Guys, specially kay Tito Venice and Tito Jv may aaminin po ako." Deretsong sabi ni Aries.
"Na ano?Na ikaw yung magnanakaw sa mall?" Walang kwentang tanong ni Tito Dail. Binatokan naman siya ni Spi kaya ayun todo reklamo.
"Gag* Hindi!" Sagot naman ni Aries.
"Sabihin mo na!" Atat na atat na sabi ni Farah.
Huminga ng malalim si Aries saka sinabing,"Kami na po ni Maja, matagal na."
Nabaling ang lahat ng tingin kay Maja na naka yuko.
"Maja?" Seryosong seryoso na tawag ni Tito Jv sa anak niya.
"Sorry daddy, sorryyyyyy!" Umiiyak na sabi ni Maja.
Natawa naman sila bukod samin Nina Farah, Spi, Aries at Maja na umiiyak parin.
"HAHAHA, Sabi ko na nga ba Jv mapapa amin din natin ang dalawang to!" Natatawang sabi ni daddy habang tinturo si Maja saka Aries.
"Ha?" Clueless na tanong ko.
"Alam mo Maja, matagal ko ng Alam na may relasyon kayo ni Aries hinihintay ko lang na sabihin mo kaso mukhang wala Kang balak na sabihin kaya kami na ang gumawa ng paraan.HAHAHAHA!" Sabi ni Tito Jv.
Ibig sabihin?
"Oo! Wala lang yung engagement na yun mema lang namin yun!" Tawa ng tawa na sabi ni daddy mukhang nabasa niya kung ano ang nasa isip ko haha.
"Tanggap naman namin yun, Kaya no need itago Maja and Aries. Hindi naman namin hahadlangan ang relasyon niyo. Kung wala pa yung engagement engagement na yun di pa kayo aamin!" Seryosong sabi ni mommy sa dalawa.
"Sorry po tita Michaela!" Sabay na sabi nilang dalawa.
"Ayos lang Yan, Tara ng kumain!" Anyaya ni Tita Aj na halatang gutom na.
Tawa ng tawa kami habang nag kukwento si daddy about doon sa binabalak palang nila yung sa engagement.
Andami nilang kwento kaya nakinig lang kami.
"KUYA!" Boses iyon ng babae kaya agad na nagsi lingonan kami.
Dinig ko naman na napamura si Marck, baka siya yung tinatawag na kuya?
Tumakbo yung babae palapit sa mesa namin.
"Hi po?" Nakangiting bati niya.
"Aish!" Singhal ni Marck."I told you to stay inside the car, didn't I?"
"Sabi mo kasi mabilis kalang, pero mag iisang oras na wala ka parin kuya," naka ngusong sabi nung babae.
Base sa itsura nito halatang nasa 18 palang ang edad nito.
"Ang kulit mo talaga Asraa!" Frustrated na sabi ni Marck.
"I'm not makulit kuya, ikaw nga diyan ang sinungaling!" Sagot ni Asraa daw.
"Hindi mo ba ipapakilala yang kapatid mo, Marck?" Tanong ni ninang Ey.
Siya kasi yung nag invite kay Marck since parehas silang Attorney medyo close din sila.
"Si Asraa kapatid ko." Maikling sabi ni Marck.
"Hello guys, pasensya na sa kuya ko wala lang yan sa hulog kasi kulang sa tulog hehe," Naka ngiting sabi niya.
'Ah, madaldal.'
"Ilang taon kana?" Naka ngiting tanong ni tita Aj, Kaya bumaling sa kaniya yung tingin ni Asraa
Gulat na gulat na tumingin si Asraa kay tita Aj napa hawak pa ito sa kaniyang bibig.
"Gosh! Kuya diba siya yung nasa wallpaper mo sa laptop pati sa cellphone?" Walang paki alam na sabi ni Asraa habang naka turo kay tita AJ.
Tatakpan sana ni Marck yung bibig ng kapatid niya kaso huli na hahaha.
Nanlaki naman ang mga mata ni tita Aj habang kami natatawa sa sinabi ni Asraa.
Marck boking Jpeg HAHAHA.
"Ang daldal mo!" Sermon ni Marck kay Asraa.
Tinarayan lang siya ni Asraa,"Totoo naman kaya yun duh!"
Nagpakilala naman kami sa kaniya, nagka sundo pa nga sila ni Spi parehas madadaldal.
"Asraa!" Tawag ni Marck sa kapatid niya."Let's go baka hanapin ka na ni mommy!"
Nagpaalam naman samin si Asraa saka sumunod sa kuya niya.
Humingi pa ito ng pasensya dahil daw masama yung ugali ng kuya niya. Aba linaglag ba naman.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Pamilyang Contador
RandomPamilyang Contador, ang pinaka mayaman sa lalawigan ng Mishuriwa.