CHAPTER 28

64 3 0
                                    


Tulala akong naka balik sa mansion hindi ko parin maisip yung mga nangyari. He kissed me? Hindi kaya masiyadong madali naman? Bakit ang rupok ko? Pwede kaya? katulong lang naman ako. Pano kong sabihin nila na ginagamit ko lang si Sir Dail para maka ahon sa hirap? Hindi ko maatim na marinig iyon galing sa kanila.

Wait....? Bakit ba ang advance ko? Whaaaaaa tama ba ang naging desisyon ko? Eh? Hindi naman na ako bata, Gusto ko siya ganun din siya. Dapat ba ligawan niya muna ako? Eh, pero nag kiss na kami ibig sabihin nun kami na? Luh ang gulo naman.

"Hoyy! Bat mukhang ang lalim ng iniisip mo?" Nagtatakang tanong ni ate Khim. Hindi muna ako pupunta sa mansion ng Contador dahil hindi ko pa kayang makita si Sir Dail dahil sa nangyari kagabi. Bakit kasi umamin?  Whaaaaa.

"Nilalagnat ka ba? Bakit ka namumula?" Tanong pa ulit ni Ate Khim.

"Ah...Ayos lang po ako Ate Khim."

"Anong bang nangyari sayo? Bat nandito ka? Wala ka bang ginagawa sa mansion?" Sunod sunod na tanong niya pa.

"Nag paalam naman po ako kay manang Joanna na dito muna ako sa zoo para tulungan ka."  Tumango tango naman siya saka umalis na dahil marami pa siyang gagawin.

Naglibot libot naman ako dito sa zoo ng Contador fam saka na isipan na pakainin yung ibang mga kabayo. Yun lang kasi ang kaya kong pakainin the rest nakakatakot na silang lapitan dahil mukhang mga wild.

"Yeah, Gusto niya daw ng fresh na gatas ng baka."Dinig kong sabi ni Mr. Kent habang papalapit sa kulungan nung mga baka.

Napa baling ako para bumati sana pero na estatwa ako ng makita kung sino ang kasama niya.

"Oh Ylaine, Anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa mansion ka?" Nagtatakang tanong ni Mr. Kent sakin kaya kinabahan ako.

"Ah...eh... Nag paalam po muna ako kay manang Joanna na dito po muna babalik naman po ako mamaya sa Mansion niyo po."Kinakabahan parin na sagot ko.

Magsasalita sana siya kaso biglang nag ring yung Cellphone niya. Nag excuse naman siya samin bago sinagot ang tawag.

Kami nalang ang naiwan ni Sir Dail dito kaya aalis na sana ako dahil ang awkward.

Pero pinigilan niya ako."I'm serious Ylaine hindi ako nagbibiro sa mga sinabi ko kagabi." Napailing naman ako sa sinabi niya. Hindi kami pwede katulong lang ako, katulong lang nila.

"Look Ylaine, Kung iniisip mo na hindi tayo pwede dahil katulong ka...Wag.. hindi naman mahalaga sakin kung ano ang estado mo sa buhay. Ang mahalaga ay Mahal na kita. Kung iniisip mo rin na tutol ang Pamilya ko, nagkakamali ka Ylaine. Tanggap ka nila." Seryosong seryoso na sabi niya.

"Ehem!" Dinig kong tikhin sa may likuran namin.

Nanunuksong tingin ang iginawad samin ni Mr. Kent."Mukhang maiiwan ko muna kayo dito dahil kailangan ko ng bumalik sa office. Ikaw na ang bahala dito Dail." Nanunukso parin na sabi niya.

Nang maka alis si Mr. Kent ay agad kong hinampas sa braso si sir Dail."Narinig ka niya ata!" Natawa nalang siya sa inasal ko.

"So?" Nakangiting sabi niya.

"Sir Dail!" Napataas naman ang kaniya kilay dahil sa tinawag ko sa kaniya.

"What? Sir Dail?" Ulit niya sa sinabi ki.

"Dail?"

"Yes baby?" Malambing na sabi niya.

"Label muna bago CS" Parehas kaming nagulat nang tumayo si Ate Khim dala dala yung kinuha niyang gatas sa baka.

"Ka..kanina ka pa diyan Ate Khim?" Ngumiti naman ito sa akin.

"Mukha bang kakarating ko lang Ylaine?" Pambabara niya sakin.
"Oh," Sabay bigay niya Kay Dail nung kinuha niya gatas ng baka.

Pamilyang ContadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon