Chapter 19

686 19 14
                                    

JAMIE’S POV FRIDAY 1:30 PM

 

“Wala pang final decision kasi sobrang dikit ang grades ni Zarazoa at Salvacion…” Sagot ng isang boses ng lalaki na sa tingin ko ay boses ng Filipino teacher namin na si Mr. De Real. “…pero mas matunog na si Chill ang maging Valedictorian dahil mas marami siyang na-accomplish na extra-curricular activities na nagbigay honor sa school natin.” Dagdag niya.

“Talaga? Akala ko si Jamie ang mas lamang na maging Valedictorian kasi pansin ko sobrang sipag mag-aral nung batang yun.” Sabi ni Miss Manipon

“Oo nga eh, pero kasi si Chill ang dami niyang nasalihan na leadership conference, academic camps at contest sa ibang bansa kaya malaki ang lamang niya kay Jamie.”

Doon na parang nagsimulang tumigil ang mundo ko. Parang lahat ng senses ko gustong mag-malfunction: yung paningin ko gustong magdilim, kahit gusto ko pang pakinggan yung usapan ni Miss Manipon at Sir De Real, hindi ko marinig dahil yung malakas na kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko. Parang namanhid ang buong katawan ko at yung mga binti ko, gusto nang bumigay kaya napahawak ako sa isang bookshelf. Habang nire-regain ko yung composure ko, napansin ko na hindi lang pala ako ang nakikinig sa usapan ni Miss Manipon at Sir De Real, nandito din sa library at nagtatago sa likod ng mga bookshelves si Gretel.

Nag-smirk siya sa akin. Damang-dama ko yung saya niya na hindi ako ang Valedictorian. Dito na ako nakaramdam ng pag-iyak kaya nagmadali akong lumabas ng library.

Pagkalabas ko sa library, napansin kong sinundan pala ako ni Gretel. Dali-dali kong pinahid yung luha ko para hindi niya makita.

“Awww… Are you crying?” Pa-concern niyang tanong na obvious naman na sarcastic. “You know what, Jamie? I don’t get why you’re crying. Inaasahan mo ba na ikaw ang magiging valedictorian?” Tanong niya then tumawa siya. “Oh please, ‘wag ka ngang mag-ilusyon. Sobrang talino kaya ni Chill. He has an IQ of 140 for god’s sake! Eh ikaw, puro ka lang naman pagme-memorize at pagsipsip sa teachers ang alam mo!” sigaw niya sa akin.

Biglang lumitaw si Chill “Gretel!” Sigaw nito. Mukhang papunta siya sa library dahil may hawak rin siyang clearance papers. Lumapit siya sa amin. Gusto ko na sanang umalis pero humarang siya sa daraanan ko “Inaaway mo nanaman ba si Jamie?” Tanong ni Chill.

Nag-eye roll lang si Gretel. Ako naman hindi na ako nakatiis sa pagiging ‘knight in shining armor’ ni Chill sa akin kaya nagsalita na ako.

“Hindi mo ako kailangang ipagtanggol sa demonyitang ‘to, ok? Sa apat na taon ko sa school na ‘to na puro pangungutya ang natatanggap sa mga matapobreng tulad niyo, sanay na ako ay kaya ko ang sarili ko.” Matigas na pagkakasabi ko kay Chill sabay binangga ng balikat ko yung dibdib niya para makadaan ako at ‘wag na siyang humarang.

Bago ako tuluyang lumayo sa kanila, tumigil muna ako at tinawag ko si Chill. “Nga pala Chill,”

Nung lumingon siya sa akin, kitang-kita ko sa mukha niya yung halo-halong lungkot at confusion. “Bakit?”

“Congratulations” sa sobrang bitter ng pagkakasabi ko, kulang na lang ay tubuan ako ng ampalaya sa katawan ko. Hindi ko na rin napigilang umiyak kaya tumakbo na ako palayo.

Dahil ayokong may makakita sa akin na umiiyak ako, pumasok ako agad sa pinakamalapit na C.R. Buti na lang at walang katao-tao sa loob kaya iniiyak ko na lahat ng sama ng loob ko.

Pagkatapos kong umiyak, tumungo ako sa lababo para maghilamos ng mukha. Habang kinukuskos ko yung mata ko sa lumalagaslas na tubig, may narinig akong nagsalita sa likod ko.

“J, okay ka lang ba? Is something wrong”

Agad kong pinahid ng panyo yung mukha ko at pagkatingin ko sa salamin, nasa likod ko na pala si Chill at mukhang alalang-alala.

The FAILedictoriansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon