Chapter 14 Part 2

505 17 1
                                        

JAMIE’S POV – WEDNESDAY 9:00 A.M.

Napalunok ng malala si Patch tapos tumingin siya ng diretso sa mata ko. “Jamie, sana ‘wag ka magalit sa’kin… pero ikaw yun. Ikaw yung taong nagpapalito, nagpapa-guilty at nagpapangiti sa akin kahit nakatulala ako. Trish, hindi ko naman sinasadya na magustuhan siya. Mahal kita pero hindi tayo bagay…”

Bumuhos na ang luha ni Trish “So this is your breakup speech to me?” tanong niya habang nakangiti in a sarcastic way.

“Gosh, how I wish I’m tweeting what’s happening right now. Hashtag intense.” Epal na statement ni Gretel.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Trish “No wonder they call you the ‘Fast Break King’. In a matter of seconds, napagsabay mong makipag-break sa akin and the same time mag-profess ng love sa bestfriend ko.”

Magwo-walkout na sana si Trish papunta sa kuwarto nang pinigilan siya ni Gretel “Ops, ops, ops! Where do you think you’re going? Hindi mo pa naamin ang secret mo.”

Trish rolled her eyes “I don’t have time for this nonsense! But for you to shut up, Fine! Ako yung cheater. Narinig mo yun, Patch? I cheated on you! Nantatandaan mo nung inaya kitang umattend ng isang open party sa village namin? Pero you refused because you think open parties are too sosyal? I met a guy there. Nakainom kaming dalawa then we made out. We made out really hard, I can still remember the taste of his mouth!”

Na-kuwento na sa akin ito ni Trish. Umiiyak pa siya noong kinuwento niya sa akin na nakipaghalikan siya sa isang ‘old aquaintance’. Dahil best friend ko sila pareho itinago ko na lang itong sikreto na ito para na rin sa ikakabuti ng relasyon nila. Who knew na magkakaaminan rin pala?

Walang tigil sa pag-iyak si Trish “Alam mo ba kung ilang gabi akong hindi nakatulog because I made out with someone who’s not my boyfriend tapos parehas lang naman pala tayong taksil?”

“Trish, hindi ako nagtaksil sa’yo! Kahit kelan wala akong ginagawang masama habang nakatalikod ka!” pagtatanggol ni Patch sa sarili

“Oh yeah… you never did anything behind my back kasi harapharapan mong fini-flirt si James!”

Napa-slow clap si Gretel “Oh my god! This is what I’m talking about. The plot thickens! The boyfriend is ‘confused’ and the girlfriend is a cheater! I love it. This is so much better than Jamie’s crappy Wattpad story!”

Gusto ko sana siyang bigyan ng dirty finger pero pinigilan ko sarili ko.

“Uunahan na kita Gretel, since gusto mo ng bukingan, sasabihin ko na sa’yo na si Chill ang naka-make out ko. He’s the guy I cheated with.” Sabi ni Trish then finally walked out

Chill turned redder than ever.

Sa sobrang gulat ni Gretel, ilang segundo rin siyang nakatulala at halos pulutin ko sa sahig yung panga niya.

Sino bang babae sa school ang hindi pa nahahalikan ni Chill? Actually shocked din ako. Si Chill pala yung sinasabi ni Trish na ‘old aquaintance’. Pero tama nga. Since gradeschool, classmates na sina Chill at Trisha.

Dahil gusto kong makaganti sa bruhildang Gretel na yan, ginaya ko yung boses niya “Gosh, how I wish I’m tweeting what’s happening riiiight nowwww nah. Hashtag supalpal”

“Whatever. Chill’s not my boyfriend anyway” cool na pagkakasabi niya pero may hint ng bitterness. “Okay, so we’re down to the two of you. So Chill, bakit mo naman nasabing everyday you die of envy?”

NR (no reaction) si Chill

“Teka, teka, teka. Bakit mo inassume na kay Chill yung last secret?”

“Do I have to explain pa sa’yo? It is most likely that you’re the one who did this. Remember your Wattpad story where you lampooned the whole school? You hate us. You hate us because we’re rich. You want revenge. And not to mention, ikaw lang naman ang may ‘psycho’ tendencies sa ating lima eh.”

“Nahiya naman ako dun sa ‘psycho’ comment mo sa’kin. Ikaw pa talaga nagsabi niyan sa’kin? Pero seriously, sikreto ko yan.”

“If that’s you, then go ahead, explain!” challenge niya sa akin.

Huminga ako ng malalim “Masakit man aminin, alam kong maraming naiinis at nayayabangan sa akin sa school. Tingin ng halos lahat sa akin ay ‘know-it-all’ ako, OA sa pagiging grade conscious at sinasalihan ko lahat ng academic clubs. Pero tama naman ng lahat ng yan. Ang hindi ko lang maintindihan ay kinaiinisan niyo ako sa mga dahilan na yan.” Hindi ko na napigilang umiyak

Kahit hindi na ako halos makahinga sa pag-iyak ay ipinagpatuloy ko yung pagsasalita ko “Sorry, pero yan lang kasi ang meron ako. Yan lang maipagmamayabang ko sa inyo. Samantalang kayo, kayang ibigay ng parents niyo lahat ng kailangan niyo. Sa apat na taon na pagpasok ko sa Darthwester, feeling ko ang liit-liit ko. NAIINGGIT ako sa inyong lahat. Alam ko masamang mainggit pero sa tuwing hindi ako makasabay sa kung anong mga meron kayo, hindi ko maiwasang ikumpara kung gaano kalayo ng agwat ng buhay niyo sa buhay ko. Kaya yung mga naiinis inuugalo ko, pasensya na, defense mechanism ko lang yan sa insecurities ko…”

Humihikbi-hikbi pa ako nang biglang pumasok si Mother Superior Graziella sa quarters namin. Pumapalakpak pa siya habang bumubulusok papasok. “Very good. Very good! This is just the way I imagined how this ‘social experiment’ would be!” Biglang lumabas sa girl’s room si Trish nang marinig niya si Mother Superior

“What!?” sabay-sabay na tanong namin. Lahat kami ay confused at disoriented. Feeling ko anytime ay may lalabas na camera at sasabihan kami ng ‘You’ve been Punk’d’ o ‘Nasa WOW MALI kayo!’

“What do you mean by ‘social experiment!?” pikon na tanong ni Chill.

The FAILedictoriansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon