JAMIE’S POV – TUESDAY 7:00 A.M.
Nagkakagulo sa ka-excitedan ang mga kaklase at ka-batch ko nang dumating ako sa school. Akala siguro nila parang field trip ang gagawin namin sa Baguio. Akala ko din nung una, laro-laro, drama-dramahan lang ang gagawin namin sa retreat pero nang naka-kuwentuhan ko noong isang araw sa Facebook yung kakilala kong gumradweyt last year, mahigpit daw yung madreng nagha-handle ng mga activities, talo pa daw si Kuya sa PBB sa pagiging istrikto. Ewan ko kung nananakot lang siya o seryoso yung sinasabi niya kaya goodluck na lang sa amin.
Pasakay na ako sa coaster bus na naka-assign para sa section ko nang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko si Chill. Nakasuot siya ng green na hoodie at sobrang dark na sunglasses. Kahit hindi naman umaambon ay nakataas yung hood sa ulo niya. Gusto ko sanang sabihan na para siyang tanga dahil hindi naman umuulan pero hinde eh, hindi siyang mukhang tanga, ang guwapo niya! Para siyang artista. Nakadagdag pa sa nararamdaman kong kiliti sa tiyan ay ngiting-ngiti (as in labas lahat ng ngipin kind of smile) siya akin.
Para hindi tumulo yung laway ko, nagkunwari akong may binabasa asa phone at nagpaka-pokerface lang ang mukha ko “Bakit?” Bored na bored pa yung pagkakatanong ko na halos ‘bkit’ na lang yung lumabas sa bibig ko.
“Nakapagdala ba lahat ng ka-section mo ng mga costume para mockumentary film natin?”
Tumango ako “Oo na-check ko na, nakapagdala naman sila lahat. Yun nga lang isa kong classmate na hindi nakikinig, literal na costume yung dinala, as in Haloween costume! Pangarap niya yatang maging white lady 10 years from now!”
Humagalpak ng tawa si Chill “Seryoso? Grabe, ang benta!” halos hindi siya makahinga sa pagtawa. Napahawak pa siya sa tiyan niya sa sobrang tawa. Sobrang saya lang niya. Ang layo doon sa ‘kalokohan’ na pinagagawa niya kagabi. After nung dinner party ng mom niya, kinuha niya lahat ng alak ng dad niya sa mini bar ng kusina nila tapos nagkulong siya mag-isa sa kuwarto niya. Nagtulong pa kami ni Aling Bising o ‘Mistress Bising’ (ininsist talaga niya na ganyan ang itawag ko sa kanya) para pakiusapan si Chill na buksan yung pinto. Binuksan lang niya yung pinto nang pinangakuan ko siya na sasamahan ko siya sa kuwarto niya at magmamarathon kami ng mga pelikula ni Wong Kar Wai.
Bukod sa movie marathon, nakapag-heart to heart talk kami at naka-move on na rin siya na siya ang inspiration ko sa character na si HOTT kaya hindi na niya pinabububura Wattpad story ko. Nagpromise na lang kami sa isa’t-isa na isikreto na lang yung tungkol sa Wattpad story ko at yung tungkol sa dad niya.
“Ay oo nga pala, yung netbook mo, hindi ko makita kaninang umaga. Sobrang kalat kasi sa room tapos nagpasundo lang ako kay Gretel kaya nagmamadali akong umalis. Sa Monday ko na lang ibabalik yun, okay?”
“Okay lang yun.” Pa-sweet kong sagot. “Sige sakay na ako. Baka maubusan pa ako ng magandang upuan.” Sabi ko.
Pagsakay ko sa bus, nanlumo ako nang makita ko na wala nang bakanteng upuan!
“Saan ako uupo niyan!?” sigaw ko.
Dahil narinig ni Chill yung pag-atungal ko, may sinuggest siya.
“May isa pang bakenteng seat sa bus namin…”
Habang naglalakad papunta sa bus nila, tinanong ko siya “Yung mga classmates mo, na-check mo na ba kung may costumes sila lahat?”
“Oo naman. Kumpleto kami. Pati Vodka, Brandy, Whiskey at mga shot glass dala namin” palokong tawa niya.
“Grabe kayo, mag-iinuman kayo sa retret natin?” sabi ko.
“Siyempre naman! Paano magkakapatawaran ang isa’t-isa sa recollection kung sober tayo?”
“Chill, dahan-dahan sa alak…” paalala ko sa kanya “…baka kasi may mga bagay na magawa ka habang lasing ka tapos pagsisihan mo after.”
Natahimik siya. Malapit na kami sa bus nila nang pinigilan niya akong maglakad.
“Can we talk about…” medyo nahihiya yung pagsasalita niya. “…yung nangyari kagabi?” Kinabahan ako. Lumakas yung kabog ng dibdib ko. Natandaan kaya niya? Medyo lasing na siya noon. Nakakagulat nga kung gaano kalakas uminom ng alak si Chill samantalang 17 years old lang siya.
Sinubukan kong iwasan yung tanong niya kaya iniba ko yung topic “Yung tungkol sa Wattpad story ko at tungkol sa dad mo? ‘Wag ka mag-alala sikreto lang natin yun” nginitian ko siya.
Umiling siya. Sumeryoso yung mukha niya. “Hindi tungkol diyan...” Tinanggal pa niya yung shades niya para titigan ako sa mata
Iniiwas ko yung mata ko sa kanya
“Come on J, you know what I’m talking about…” nakakainis lang yung pamimilit niya. Mas gusto ko kasing kalimutan na lang yun.
Since namimilit siya at kino-corner niya ako, bumigay na ako “Ahh… alam ko na yung sinasabi mong nangyari kagabi... Yan ba yung pinilit mo akong halikan?” seryoso kong tanong sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/25509041-288-k557202.jpg)
BINABASA MO ANG
The FAILedictorians
Fiksi RemajaPerfect boy Chill and little miss overachiever James are battling it out for the valedictorian spot of Darthwester School class of 2015. Aside from the academic rivalry going on between them, they have this long-time mutual despise for each other th...