Chapter 21

154 8 4
                                    

Author's Note:

Makikita niyo na kung sino-sino sina Patch, Gretel, Trish, Kyle and Kaiser. May slideshow na ng mga pictures nila :) See this link: https://media.giphy.com/media/xTka00wQ5z5gnvMMda/giphy.gif


JAMIE'S POV

"Party mo?" Halos mapatid ang tonsil ko sa pagsigaw dahil nalulunod ng dumadagundong na Electronic Dance Music yung boses ko "Akala ko ba sa Clubhouse ng Salvedrez Village kayo mag-"

Bago ko pa matapos yung sasabihin ko, pa-antipatikong pinigil ni Chill yung pagsasalita ko. "I'm sorry what? I can't hear you!" Maangas na pagkakasabi niya habang nakaturo sa kanang tenga.

Halos pigtasin ko yung hikaw niya sa tenga niya. Baka sakaling marinig niya ako. Haha. Lalo pang nag-init yung ulo ko nang napansin ko yung 'pa-breezy' niyang porma. Hindi mo maintindihan kung hiphop o hipster. Naka-snapback cap tapos pa-hiphop na baseball jersey yung shirt niya, at yung skinny jeans niya, mas hapit pa sa suot kong pantalon.

"Ang sabi ko, pati pala mga tisoy na bangus ngayon, jejemon na pumorma!" Sigaw ko sa kanya. Halos sumabog yung lungs ko sa pagsigaw para marinig niya. Ang kaso, tumigil bigla yung music kaya umalingawngaw yung boses ko sa buong party. Narinig tuloy ng lahat yung panglalait ko sa outfit ni Chill.

Yung iba napa-ngisi. Yung iba tumawa. Yung iba kinunan siya ng picture. "Nice OOTD, bruh." Sabi nung isang basketball jock sabay tawa.

Namula yung mukha ni Chill. Bumalik na ulit yung music. Bumalik sa pagparty ang lahat. Tapos naramdaman ko na lang na may humampas sa braso ko. Si Gretel. Ang weird lang niya. Ang sosyal-sosyal ng suot niya pero may hawak siyang basura. Parang gutay-gutay na cartolina. Whatever.

"Who are you, to make fun of his style? Have you seen yourself at the mirror? Your wardrobe is like stuck in a 90s Jolina Magdangal movie!" Sabi ni Gretel.

"Whoa, whoa, guys. Relax lang kayo. This is like one of the last parties in our high school life, tapos mag-aaway-away pa kayo?" sabi Kaiser.

"Whatever, Kaiser! This shit of a mess is your fault!" sigaw ni Gretel "Diba I already gave instructions to your maids na 'wag magpapapasok ng kung sino-sino na hindi invited sa party ni Chill?"

Napa-buntong hininga si Patch. Yung malalim na buntong hininga. Kabisado ko na napipikon na siya kapag kumilos siya ng ganito "Pare, akala ko ba ipapahiram mo kay Jamie itong bahay mo para sa victory party niya?"

"Oo naman! Kaya nga may banner na 'Congratulations, Jamie' sa may entrance diba?"

Umirap si Gretel tapos dali-daling inunfold yung basurang hawak niya. May nakasulat na 'Congratulations' pero sobrang punit na yung pangalan ko. "Oh you mean this? Akala ko toilet paper... kaya sinira ko! Oops." Parang kontrabida sa teleserye yung paraan ng pagkakasabi niya na para bang matagal na niyang nire-rehearse ito.

Sumingit na sa usapan si Chill "Kaiser, akala ko ba ipapahiram mo sa akin tonight itong house mo para sa graduation bash ng batch natin. Eh anong ginagawa nina Jamie dito?" Kalmadong tanong nito.

"Dude, I'm sorry. I thought you and Jamie are throwing the party together..."

"And what makes you think that?" hysterical na pagtatanong ni Gretel.

"Akala ko Jamie and Chill are exclusively dating kaya I thought party nilang dalawa ito."

"Exclusively dating? No fucking way!" sabi ni Chill.

Pwede namang tumangi na lang siya diba? Bakit kailangan pang may 'fucking' pa sa 'no way' niya? Well, fuck you too, Achilles Zarazoa! Kung ako lang talaga yung taong marunong magmura, kanina pa namumulaklak sa mura yung bibig ko sa inis ko sa lalaking ito.

The FAILedictoriansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon