Chapter 11

502 19 0
                                    

CHILL’S POV – TUESDAY 8:45 A.M.

Gretel was about to slap Jamie in the face but I stopped her “G, will you calm down? It’s just an internet novel why do you have to be so riled up about it?”

She looks so surprised and at the same time annoyed “Why are you defending this girl? She wrote so many slanderous stuff about you on her cheap, jejemonic ‘novel’!”

“I already read her Wattpad story and for me there’s nothing to be mad about it. Yes, at first I was offended pero , na-realize ko na walang akong dapat ikagalit kasi wala naman dun yung pangalan ko so bakit ako mabo-bother na ako yung pinatutungkulan niya sa story niya?”

Natigilan si Gretel.

“Anong kaguluhan ito?” biglang may dumating na isang masungit at matandang madre. She looks so old, she looks one of those saints you see in a prayer pamphlet. “Por dios por santo! Anong ang mga kalat na ito!?” galit na galit na tanong nito nang makita yung mga nagkalat na printouts ng Wattpad story ni Jamie.

“She did it. Kagagawan po niya ang lahat ng mga ito” tinuro ni Gretel si Jamie.

Sumabat na ako “Gretel, come on. She didn’t do this. Ikaw kaya ang may gawa nito. Ginamit mo pa nga yung printer namin sa bahay nang hindi nagpapaalam eh.”

“So you’re really on her side now? Chill, let me remind you, I’m your girl and I did everything to make you happy yet siya ang kinakampihan mo? Baka gusto mo, isa-isahin ko pa lahat ng ginawa ko para sa’yo just to keep you satisfied with me!”

Napa-sign of the cross yung madre. “Que barbaridad! Ayokong marinig kung anong klaseng pagpapaligaya ang ginagawa mo!” masungit na sabi nito kay Gretel. “Ang gusto ko ay linisin niyong tatlo ang mga kalat na ito!” mabagsik niyang utos sa akin pati na rin kina Jamie at Gretel.

“At kayo na hindi kasali sa maglilinis ng mga kalat na ito, pumunta na kayo sa function room dahil magsisimula na ang orientation tungkol sa retreat na ito.”

Patapos na kami Sa paglilinis nang biglang lumitaw si Pacheco.

“Jamie, tulungan na kita.” Sabi nito kay Jamie.

Kabasta lang tumango si Jamie.

Nung binilisan kong maglinis para makasali na kami sa orientation, bigla kaming nagkabungguan ni Pacheco at natapon tuloy ulit lahat ng naipon kong papel.

“Dude, ingat naman diyan.” Mahinahon kong pakiusap

Tiningnan ako ng masama ni Pacheco at pasimpleng bumulong “Kasalanan mo ito eh. Kung hindi mo nilalandi si Jamie eh di sana hindi magwawala yang girlfriend mo.”

“Gretel’s not my girlf– Never mind. This is supposed to be a retreat kaya hindi kita papatulan.” Nagpipigil sa galit na sabi ko. Nagpatuloy na lang ako paglilinis. Napansin kong sumunod na rin si Trisha at mukhang galit ito.

Kapag nandito si Pacheco, for sure lilitaw din si Trisha. Naka-cross arms ito at galit na nakatingin kay Pacheco “Patch, anong ginagawa mo diyan? You’re not supposed to help them.”

“Trish, matatapos na ‘to. Para makasali na sila sa orientation.”

Trisha rolled her eyes. “Once and for all Patch, pumili ka. Si Jamie o ako?”

Hindi makasagot agad si Pacheco

“Uh-oh. Here comes drama.” excited na bulong ni Gretel. I glared at her to tell her to shut up.

“Sumama ka na kay Trish. Kaya na namin ‘to.” Sabi ni Jamie

 Hindi gumagalaw si Pacheco. Parang siyang na-freeze.

Tinulak na ni Jamie si Pacheo papunta kay Trisha “Patch, ano ba? Sumama ka na sa girlfriend mo!”

Tinaasan ni Trish si Jamie ng kilay “James, will you shut up? Will you let him decide on his own for once? Hindi pa ba sapat na you dared him para ligawan ako?” bulyaw nito.

“Trish, I’m so sorry, hindi ko naman alam na aabot sa ganito ‘to.” Hindi na napigilan ni Jamie na umiyak.

Nilabas ni Gretel yung phone niya at kinunan ng video sina Jamie, Trisha at Pacheco “Oh my god. This is so going viral.”

“Gretel, stop that!” I reprimanded her.

Dahil pinagsabihan ko si Gretel, siya naman ang pinagbuntunan ng galit ni Trisha. “Alam mo, isa ka pa. How dare you print out and distribute copies of that story! You could’ve shown it to me directly instead of showing it to everyone else!”

Gretel scoffed then laughed “Why would I do that? Hindi naman tayo friends! Anong akala mo, I printed out that cheap story kasi concerned ako sa’yo? Sorry to burst your bubble Trisha, but I did that para pag-awayin ko kayong dalawa ng bestfriend mo!” Patuloy pa rin sa pagkuha ng video si Gretel kaya si Jamie sumali na rin sa bangayan.

“Pwede itigil mo na yang pagkuha mo ng video?” sigaw ni Jamie sabay sugod kay Gretel. Sinubukan niyang agawin yung phone para tumigil na ito sa pag-video. Naki-sali na rin si Trisha. Pero imbes na maki-agaw siya sa phone, buhok ni Gretel ang hinila niya. Solid na kagulo ‘to.

“Awatin mo nga yung girlfriend mo, pare.” Mayabang na utos ni Pacheco sa akin. Ipinagtutulakan pa niya ako para awatin yung mga girls.

I snapped. I want to bite his head off “How many fucking times do I have to fucking tell you that SHE. IS. NOT. MY. FUCKING. GIRLFRIEND!?”

Pacheco condescendingly shrugged and laughed “Ay oo nga pala, wala kang girlfriend dito. Puro ka lang kasi landi. Nilalandi mo LAHAT ng babae sa school. Hindi ka pa nakuntento, pati yung bestfriend ko dinadamay mo sa gulo mo!” he cockily said

“Alam mo, I don’t get why you are so peeved about me and Jamie. Kasalanan ko ba na hindi ka pa man nakakaamin sa ‘bestfriend’ mo na gusto mo siya, na-friendzoned ka na agad?” Sobrang halata naman kasi itong Pacheco. Kunwari pa siyang pa-bestfriend-bestfriend kay Jamie, pinagnanasaan naman niya.

“Gago ka ah!” galit na galit na pagmumura niya. I must’ve hit a nerve on him kaya he suddenly shoved me on the shoulder really hard!

Oh no you did not just do that to me “Mas gago ka!” I shoved him back then the next thing I know was pagulong-gulong na kami sa sahig at nagra-rambulan!

Nagtatadyakan at suntukan pa kami ni Pacheco nang dumating yung madre “MGA SINVERGUENZA! ANO NANAMANG KAGULUHAN ITO!?!!?” hinihingal sa sobrang galit yung madre. “Kayong limang mga alborotadong mga estudyante, pumunta kayo sa opisina ko!”

10:00 P.M.

‘Graziella Braganza – Mother Superior’ sabi ko sa utak ko habang binasa yung desk name plate nung masungit na madre. Based on the photographs on her desk, Mother Superior Graziella looks like a Spanish princess when she was younger. No wonder she keeps yelling those Spanish (swear?) words at us.

“Paano na yan? Baka pauwiin tayo ng mga madre dito dahil sa gulong ginawa natin. Requirement pa naman na sumali sa retreat para makagraduate!” nag-aalalang sabi ni Jamie.

“Kasalanan mo ‘to Gretel. Kung hindi ka nagfeeling Boy Abunda sa exclusive expose mo tungkol sa Wattpad story ni Jamie, hindi mangyayari itong gulong ito.” Sabi ni Pacheco

“Please, let’s stop blaming each–“ hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil dumating na si Mother Superior Graziella.

Pinandidilatan niya kami “I’ve called your teachers, guidance councilor and parents and we’ve come to a decision kung paano namin madidisiplina ang mga desvergonzado niyong mga ugali…”

Napalunok na lang kami habang hinihintay niyang sabihin ang parusa sa amin.

“Napagdesisyunan namin na ihiwalay kayo sa inyong mga classmates para magkaroon kayong lima ng isang intimate retreat at reflection upang ma-realize at mabago niyo ang kagaspangan ng mga ugali niyo!”

Napatayo sa upuan niya si Gretel “WHAT!? So you’re telling us that you’ll locked us up until magbati-bati kaming lima?”

Tango lang ang isinagot ni Mother Superior. Wala kaming nagawang lima kundi magtinginan with these disgusted and horrified look on our faces. This will be epic and at the same time, kagulo.

The FAILedictoriansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon