CHILL’S POV – MONDAY 7:00 P.M.
“Mahirap lang po kasi kami kaya siguro ikinakahiya niya ako” humahagulhol na pagkukwento ni Jamie habang inaayusan siya ni mom sa guest room namin. Pinagbihis kasi ng mas ‘appropriate’ si Jamie ni mom para hindi nakakahiya sa mga bisita niya. Kanina ko pa gustong barahin yung mga kasinungalingan niya pero nahihiya akong pumasok kaya lihim na lang akong nakiking sa may pintuan.
Sinusubukan kong pakinggan ang pinag-uusapan nina mom at Jamie nang may bumulong sa likod ko “Eavesdropping, huh?”
Muntik na akong mapasigaw sa gulat. Pero si Yaya Bising lang pala.
“Yaya, you almost scared me to death!” reklamo ko.
“Shhh… Let’s listen to what your ‘girlfriend’ will say to your mother.” She said while air quoting the word ‘girlfriend’ with her fingers.
“Yaya Bising! Pati ba naman ikaw, naniniwala kay Jamie? She’s not my girlf-“
“Hush now, Achilles. I know she’s not your girl. I’m your nanny your whole life and I can tell, just by glancing at her Department store-bought wardrobe, that she is definitely not your type of girl!”
“Yaya, you know me very well! Astig! Solid!” sabi ko sa kanya. Hindi pa ako pinapanganak ay naninilbihan na si Yaya Bising sa pamilya namin. Baby pa yata si mom ay ito na ang nag-aalaga sa kanya. Sa sobrang tagal na nga niya sa pamilya ni mom, hindi namin alam kung bakit at saan nanggaling ang kadalubhasaan ni yaya mag-ingles.
Pinagpatuloy namin ni yaya ang pag-eavesdrop.
“Poverty is something not to be ashamed of, mija. My grandmother was a simple but hardworking magsasaka when she met my haciendero grandfather.” My mom tipsily said while fixing Jamie’s hair.
Patuloy pa rin sa pagluha si Jamie “Sobrang ikinakahiya po niya ako sa school. Kahit ginagalingan ko naman yung studies ko, ayaw pa rin niyang ipakilala ako sa mga friends niya.”
“Sometimes, as long as he loves you it’s more than enough. Dadating din yung panahon na maaamin ka niya sa mga friends niya at magiging proud siya na ikaw ang girlfriend niya…” dagdag na words of wisdom ni mom.
“What a fraudster” bulong ni yaya Bising.
Hindi na ako nakatiis. I barged into the room. For a few seconds, napatitig ako kay Jamie. She looks not that bad kapag nagsuot ng decent clothes.
Pero kahit gaano pa ako napahanga sa before and after transformation ni Jamie, inilabas ko na yung hinaing ko “Mom, how many times do I have to tell you na hindi ko siya girlfriend!?
Humagulhol nanaman si Jamie “Ayan nanaman po siya. Ikinakahiya niya talaga ako. Bhe, hindi mo ba talaga ako kayang panindigan? Sabi mo ‘kakaibabe’ ako, bakit ngayon hiyang-hiya ka na maamin ako?”
Bhe? Kakaibabe? What in the actual world are those words?
“Achilles! I didn’t raise you to disrespect women!” pangaral ni mom
“Mom, you’re drunk! Hindi ko nga maintindihan kung bakit ka nagpapa-party ngayon. Sa dinami-dami ng problema natin, nakuha mo pang makipagsosyalan!”
“Son, this is not just some party. I’m doing this to save the both of us from the wreck that your father has caused us.” Malungkot na sabi ni mom. Then she walked out of the room.
Naramdaman ni Jamie yung tensyon kaya napatayo siya sa inuupuan niya “May problema ba?” concerned na tanong niya.
“Yeah, may malaki kaming problema ngayon at dumadagdag ka pa dun.” Matigas na pagkakasabi ko.
“Gusto ko lang namang mag-usap tayo eh. Gusto kong mag-explain. Gusto kong mag-sorry.”
Bumulusok papasok ng kuwarto si yaya Bising at dinuro-duro si Jamie “You social climbing, backstabbing wannabe! You're nothing but a hoax! Leave this house immediately or I’m calling the police!” galit na galit na pangbubulyaw ni yaya. Napanganga tuloy si Jamie sa pag-eksena ni yaya.
“Yaya B, relax. I can handle this.” Cool na paalala ko sa kanya.
Nag-sigh si Yaya. Sinubukan niyang kumalma “I’m sorry Achilles If I’m acting like I’m having my period but this girl is getting on my nerves! Ugh. I’m on the third day of my juice cleanse and she shows up like a bad pimple. Talk about bad timing.”
“It’s okay yaya. I know you’re on your lemon detox diet kaya mainitin ang ulo mo. You can have your rest now. I can handle this.”
Stressed na umalis si yaya sa kuwarto kaya na-solo namin ni Jamie yung room.
“Akala ko ba wala kang yaya?” hangang-hanga na tanong ni Jamie. Yung mga mata niya ay sobrang amazed at yung bibig niya ay half-opened na para bang nakakita ng unicorn.
“Trust me, that woman is more than a yaya in this house”
Tumango si Jamie “Aanhin mo pa ang iPhone na may Siri at LED TV na may smart tv capabilities kung may yaya ka na tulad niya!” napa-unconscious slowclap pa siya. Hindi pa rin yata siya makapaniwala na nag-eexist ang tulad ni Yaya Bising.
“I know right, she’s like one of our family treasures. Sabi nga ng kuya ko kapag naimbento ang cloning, siya ang unang-una naming ipapa-reproduce.”
Natawa si Jamie. “Parang Xerox lang? Ilang taon na ba siya?”
Natigilan ako. Na-realize ko na iniiba niya yung topic “Ops, ops, ops. Nagpapalimot ka ha. May malaki ka pang kasalanan sa’kin”
“Chill… sorry na…” malambing na paghingi niya ng apology.
“If you want me to accept your apology then delete that stupid story from Wattpad.” Sabi ko sabay walkout sa kuwarto.
Sinundan niya ako “Ha? Alam mo ba kung gaano kahirap humagilap ng 1 millions reads?” sabi niya habang bumababa kami ng hagdanan.
“Wala akong pakielam! Kung hindi mo buburahin yang kuwento na yan by tonight, sasabihin ko sa buong batch natin na ginamit mo sila as characters sa napaka-cliché mong kuwento! Ang lakas pa ng loob mong gawin akong kontrabida sa kuwento mo. Palibhasa ikaw ang kontrabida sa totoong buhay!”
“So ang ipinuputok pala ng butsi mo ay kontrabida ka dun sa story. Eh di fine, gagawin kong bida si HOTT sa next chapter.”
Ipinuputok ng what? “Paano mo gagawing bida si HOTT kung sa chapter 10 ay sinubukan niyang reypin yung bidang babae?” bulong ko sa kanya. Nasa garden na kasi kami at nagsisimula na yung party.
“Wow, so binasa mo pala talaga ng buo yung sinulat ko” she whispered back
“That’s not the point! Basta ayaw ko nang makita yang story na yan pagbukas ko ng internet bukas ng umaga!” nagngangalit na bulong ko.
“Bakit ba galit na galit ka? Alam mo naman sa sarili mo na hindi totoo yung mga nakasulat dun sa story pero apektadong-apektado ka. Ano bang problema mo?”
Hindi na ako nakasagot dahil nagsimula nang magsalita si mom
Mom rattled her wineglass with a dessert spoon to attract everyone’s attention “Thank you to all my amigas and colleagues who came despite the short notice. Marahil nagtataka kayo kung bakit nagpahanda ako ng isang salo-salo kahit wala namang okasyon. Pero today’s a special event. Because today I just filed an annulment of marriage with my husband.”
Nagbulungan lahat ng bisita
Mom continued with her speech “Well, this kind of event isn’t normally celebrated. Pero I consider this day as my freedom from my husband whom I just recently discovered been commiting money laundering with the tax payer’s money”
Lalong lumakas yung bulungan.
I turned to Jamie “Do you know why kung bakit apektadong-apektado ako sa sinulat mo?”
Hindi nakasagot si Jamie. She just stared at me looking so apologetic
“Kasi truth hurts. Almost everything kasi that you have written about HOTT, is so spot on about me.”
![](https://img.wattpad.com/cover/25509041-288-k557202.jpg)
BINABASA MO ANG
The FAILedictorians
Novela JuvenilPerfect boy Chill and little miss overachiever James are battling it out for the valedictorian spot of Darthwester School class of 2015. Aside from the academic rivalry going on between them, they have this long-time mutual despise for each other th...