CHILL’S POV – WEDNESDAY 8:45 A.M.
Like a scene straight out of a horror movie, I was awakened by a blood curdling scream. Fearing that there might be something wrong going with the girls, I absentmindedly ran out of our room and went straight to the bathroom where the noise came from.
“What’s happening here?” I panickly asked. Jamie awkwardly stared at me. For a moment, I was wondering why she has this awkward, disgusted look on her face then I realized that I’m only wearing my boxers!
Trisha looks so terrified “Sinong may gawa niyan?” she asked while pointing her finger to the bathroom mirror.
Pagtingin namin sa salamin, there were words written in the mirror using blood or red paint or whatever.
ENVY. EVERYDAY, I DIE OF ENVY.
I’M A HYPOCRITE. I AM NOT WHO YOU THINK I AM.
I’M CONFUSED. I FELL FOR SOMEONE I SHOULDN’T FALL FOR.
I AM A CHEATER.
The phrases written on the mirror means nothing to me pero base sa reaksyon ni Jamie and Trisha, it means something.
Nagising na rin si Gretel “Grabe, it’s so early in the morning yet, ingay-ingay niyo!?” sabi nito habang humihikab. Nang makita niya yung nakasulat sa salamin, mukhang nawala na ang antok nito “Oh my ‘effin god. Who the hell wrote that!?” hysterical na tanong nito
Kakamot-kamot ng ulo na pumasok ng banyo si Patch. “O, anong ginagawa niyong lahat dito?” half closed pa ang mga mata nito pero nanlaki ito once na makita niya yung nakasulat sa salamin “Holy shit. Sinong hudas ang nagsulat ng mga yan!?”
Lahat sila, maliban sa akin, ay may violent reaction nang makita yung mga nakasulat sa salamin. Then I realized, maybe those sentences written on the mirror are the ‘truth’ they have written about themselves last night.
I’M LIVING OFF STOLEN MONEY
Yan ang sinulat ko sa papel na binigay sa akin. Pero dahil hindi ko pa kayang tanggapin sa sarili ko ang katotohanang yan, itinago ko sa bulsa ko yung secret ko at scratch paper na walang nakasulat ang itinapon ko sa ‘letting go ritual’.
“Sino kayang ahas ang nangahas maglantad ng mga sikreto natin?” Jamie said
“It’s obviously someone among the five of us.” Suggestion ko.
“Sino ba sa ating lima ang mahilig maglabas ng mga exposé na feeling niya siya si Gossip Girl?” tanong ni Trisha. Lahat tuloy kami tumingin kay Gretel.
Gretel scoffed and rolled her eyes “Um… Chill, will you put on a shirt? Lumuluwa na kasi yung mga mata ni Jamie sa’yo. Baka mamaya tumalbog na sa sahig yung eyeballs niya kung hindi mo itatago yang abs mo.”
Nag-blush si Jamie. “Wag ka ngang change topic, Gretel! Sigurado naman kaming ikaw ang gumawa niyan eh. ‘Diba ikaw ang naka-assign na magtapon ng basura? So malamang ikaw ang may-access doon sa trash can na pinagtapunan ng mga sikreto natin.”
“Those are baseless accusations! Hindi dahil nakatoka sa akin yung trash can ay ako na agad ang suspect! And besides, sobrang pagod na ako kagabi hindi ko na naasikaso yung pagtatapon ng basura. Jamie, hindi mo akong puwedeng i-blame dito unless you have proof!”
Jamie gave Gretel this ‘game on, bitch’ face “Proof ba kamo ang gusto mo? Pwes, diba ikaw lang naman ang may lipstick sa ating lima dito?” matapang na tanong niya. “Sa tingin niyo ba guys, coincidence lang na lipstick ang ginamit na panulat diyan sa salamin and at the same time may baon na lipstick itong si Gretel?” tanong niya sa akin, Trisha at Pacheco.
Hindi kami makasagot na tatlo. Speechless kami sa pagbabatuhan nila ng salita.
Galit na sumagot si Gretel “So kapag lipstick na yung ginamit na pansulat doon sa mirror, ibig bang sabihin kung sinong may lipstick among us ay siya na ang suspect agad!? Nice logic you got there Jamie.”
“Eh di ipakita mo sa amin yung lipstick mo. Natatandaan ko kasi kahapon, mukha pa siyang bago at halos wala pang bawas. Kung ganoon pa rin ang hitsura niya ngayon, eh di fine, hindi ikaw ang gumawa. Pero kung maraming nabawas sa kanya, eh di alam na.”
“Fine, ipapakita ko sa’yo na walang bawas yung lipstick ko at siguradong mapapahiya ka.”
Sabay-sabay kaming pumunta sa kuwarto ng mga girls para samahan si Gretel kunin yung lipstick niya. “My lipstick is by Christian Dior! Why would I use such an expensive lipstick para lang isulat ang mga secrets niyo sa salamin!” Sabi niya habang hinahalughog niya yung bag niya.
Nung nakuha na niya yung lipstick niya, at binuksan niya, nagulat kaming lahat. Halos mapudpod kasi yung lipstick ni Gretel.
Nagsimula nang umiyak si Gretel “I didn’t do that, I swear!” mukha namang nagsasabi siya ng totoo kaya inakbayan ko siya to comfort her.
“Oh please, we don’t need your crocodile tears!” sabi ni Trisha.
“Kung hindi ikaw ang gumawa, paano mo ieexplain na halos maubos yang lipstick mo?” tanong ni Jamie.
“I am being framed!” sigaw ni Gretel.
Sumabat na si Pacheco “Teka, ‘wag muna natin siyang i-judge okay? May weird kasi akong napansin doon sa mirror. Napansin ko na apat lang na secrets ang nakasulat samantalang lima tayo dito...”
Nag-agree si Trisha “Yeah, I noticed that too. There are only four secrets written on the mirror while there’s five of us. Siguro ni-left out ng kung sinong nagsulat diyan sa mirror yung sarili niyang secret.”
“Are you guys suggesting na alamin natin kung sino sa ating lima ang walang sikretong nakasulat diyan sa mirror?” tanong ni Jamie
“YES.” Sabay na sumagot si Trisha at Pacheco.
“Paano?” dagdag na tanong ni Jamie
Biglang nagsalita si Gretel, siya ang sumagot sa tanong ni Jamie “We’ll own up to our secrets. Aamin tayo isa-isa sa bawat sikreto na nakasulat sa salamin na iyan”
Uh-oh. Mali kayo guys. Hindi ako ang nagnakaw nung mga secrets at nagsulat nito sa mirror. The only wrong thing I did here is not letting go of my secret at the letting go ritual.
![](https://img.wattpad.com/cover/25509041-288-k557202.jpg)
BINABASA MO ANG
The FAILedictorians
Novela JuvenilPerfect boy Chill and little miss overachiever James are battling it out for the valedictorian spot of Darthwester School class of 2015. Aside from the academic rivalry going on between them, they have this long-time mutual despise for each other th...