Chapter 1

1.6K 48 21
                                        

JAMIE'S POV - SATURDAY, 8:40 A.M. 

Tibok. Tibok. Tibok. Sabi sa'kin ng pumipintig kong ulo bago ko pa man imulat ang mga mata ko.

Nakapikit pa yung kaliwang mata ko nang sinubukan kong bumangon dahil nagdo-doble pa ang vision ko kapag sinubukan kong ibuka parehas ng mata ko. Hindi ko maiwasang mapa-ungol dahil lalong gumuhit yung sakit sa ulo ko. Yung sakit na mas matindi pa sa migraine. Nakadagdag pa sa bigat na nararamdaman ko ay yung sobrang tuyo ng lalamunan ko...

Ito na ba yung tinatawag nilang hangover? Hindi ko masagot ang sarili kong tanong dahil first time kong uminom kagabi. Nakakalasing pala yung ganung wine!?

Grabe, bakit sobrang liwanag? Agad-agad kong ipinikit muli ang mga mata ko. Tsaka bakit ang lamig?

Dahil gustong kong patayin yung aircon, Teka lang... kelan pa nagkaroon ng aircon ang kuwarto ko?, Dahan-dahan kong iminulat parehas ang mga mata ko. Pagmulat ko, tumambad sa akin ang kulay blue na dingding na may mga poster ng mga hindi ko kilalang rock band. Tapos may demotivational poster pa ng marijuana na nagsasabing 'Don't Panic, It's Organic!'

"Shucks. Nasaan ako?" malakas na tanong ko habang nagmamasid sa paligid. Kinabahan ako dahil hindi ko kuwarto ito. Hindi ko rin ito kama at lalong-lalo na hindi ko gown ang suot ko ngayon!

"Bakit ako nakasuot ng puting gown!? Kelan pa ako nagkaroon ng gown?"

Napakawak yung kaliwang kamay ko sa ulo ko dahil humahagod yung headache ko. Tapos may napansin akong kakaiba sa pulso ko. Nung tiningnan kong mabuti, may nakakatatak na violet ink at ang nakasulat ay 'ONE-DAYPASS'

"Ano 'to? One day pass saan?"

Pumikit ulit ako. Minentally squeeze ko yung utak ko para tandaan ang mga nangyari kagabi.

Oh my god, bakit wala akong matandaan?

Dahil sabaw pa ang utak ko, naisipan kong kunin ang cellphone ko at hingan ng tulong si Patch. My forever savior Miguel Pacheco III. Wala sa bulsa ko yung phone ko kaya kinapa-kapa ko siya sa ilalim ng kumot.

Napatigil ako sa paghahanap dahil may iba akong nakapa na matigas. Hala ka, ano 'to?

Bakit may pandesal sa ilalim ng kumot? Breakfast in bed agad-agad? Huminga ako nang malalim at kinausap ko ng masinsinan ang sarili ko. "Jamie, in the count of five, tatanggalin mo itong kumot. Kung ano mang nasa ilalim nito, please patnubayan ka sana ng maykapal. 5...4...3...2...1!" pagkatapos ay dahan-dahan kong tinanggal yung kumot.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"Chill!?" gulat na gulat ako habang nakatitig sa tulog na tulog na si Chill. Wala itong suot na shirt kaya yung abs niya na parang mga pandesal na may sariling buhay ang nakapa ko kanina.

Gusto kong maiyak habang nakatingin sa abs niya. Anong nangyari at bakit kami magkatabing natulog? Bakit wala pa rin akong maalala hanggang ngayon? BAKITTT?

Patay na ba kami at ito na ang tinatawag nilang heaven? Sabi kasi nila, ang mga taong nakakaranas daw ng near-death experience ay nakakakita ng sobrang liwanag na ilaw, isang tagasundong anghel at magfa-flash daw right before your eyes ang buong buhay mo.

Pero sa kaso ko, parang kabaligtaran yata. Oo, sobrang liwanag nga pero bakit hot devil ang nasa tabi ko? Tsaka bakit wala akong maalala?

Nasa Impiyerno na ba ako?

Dahil hindi ko na makayanan ang headache ko, humiga ulit ako at ipinikit ko muli ang mga mata ko. Nag-relax ako at nagcontrate kung ano ang dapat kong gawin. Ginawa ko din yung breathing exercises na itinuro sa P.E. class namin.

Jamie, relax lang... Inhale... Exhale... habang ginagawa ko yung breathing exercises, unti-unting bumabalik na parang malabong pirated DVD yung mga nangyari kagabi.

Graduation party... Red wine... Burnbook... red wine... Tanging yun lang ang naaalala ko.

Habang pinipilit ko yung sarili kong makaalala pa ng iba bukod sa nagwala ako sa party kagabi, nang bigla kong naramdaman na may yumakap sa akin! "AY DEMONYO!" sigaw ko. Pagkamulat ko, nakapulupot na ang mga braso ni Chill sa bewang ko. Tulog na tulog pa rin ito at nakangisi. Nananaginip yata ang loko! Bastos na panaginip pa yata!

Ew.

Sinipa ko siya paalis ng kama.

Dali-daling nagising si Chill. Naalimpungatan ito. Halatang nasaktan ito sa pagkakahulog niya dahil nakahawak ito sa puwet niya. Gulat na gulat siya at may halong diri sa mukha niya nung nakita niya ako. "Batch!?"

'Batch'. Yan ang tawag niya sa akin at sa ibang batchmate namin na hindi relevant para sa kanya. Alam ko na kahit kailan ay hindi kami naging magka-section at magkaibigan pero hello, dalawang section lang yung batch namin.

"Where the hell am I!? Bakit ka rin nandito?" Palinga-linga siya sa paligid, pilit kinikilala kung nasaan siya. Tapos nung nakita niya na wala siyang suot na shirt, pinandilatan niya ako "At anong ginawa mo sa'kin?" nakakainsultong tanong niya.

Uminit yung ulo ko. "Ginawa ko sa'yo? Tingnan mo nga yang sarili mo, nakahubad ka! Ang bastos-bastos mo!"

"That's my point! Where's my shirt? Bakit mo ako hinubaran?"

"Wala rin akong natatandaan, okay? Hindi ko rin alam kung bakit at nasaan tayo!" Sa sobrang inis ko, binato ko sa kanya yung alarm clock. Dahil sumapul yun sa ulo niya, bumalik siya sa pagkakatulog.

Kahit papaano ay nag-alala ako. "Chill, okay ka lang?" dahan-dahan ko siyang niyugyog.

Agad naman siyang nagising.

Napahawak siya sa ulo niya. "May natatandaan na ako..." seryoso niyang sabi sa akin.

"Ano?"

"Yung USB." Dali-dali siyang tumayo at may hinanap. "Nasaan yun USB?" Nag-aapurang tanong niya.

"Anong USB?" tanong ko.

Nagpapanic na si Chill "Yung USB kung saan natin na-save yung video na ginawa natin!"

OH. MY. GOD. Yung video.

Tulad ng kanta ni Celine Dion, It's All Coming Back To Me Now ang drama ko. Unti-unti kong natandaan yung video na ginawa namin ni Chill.

Yung video na kapag kumalat ay makakasira sa goal naming Valedictorian ng batch namin.


The FAILedictoriansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon