CHILL’S POV – MONDAY 1:00 P.M.
The school bell rang. Habang ang lahat ay namomroblema kung saan ang hangout paglabas at kung saan gigimik mamayang gabi, ako naman pinoproblema ko kung paano ako uuwi. Natatakot akong sumakay ng jeep dahil baka lumagpas nanaman ako sa bababaan ko or worst, makasakay ko nanaman yung Jamie na yun so I decided that I will hitch a ride with one of my bestfriends, Dash dahil sa iisang village lang naman kami nakatira.
Tumatakbo ako sa school parking lot para habulin si Dash nang may tumamang basura sa mukha ko!
“What the F–” sabi ko habang pinapahid ko yung mamasa-masang basura na sumapul sa mukha ko. Nung hinanap ko kung sino yung solid sa kagaguhan na gumawa nito sa’kin, nakita ko si Jamie na nanlilisik ang mga tingin sa’kin habang may hawak siyang trash can.
Sinugod ko siya. Kung hindi lang siya babae kanina ko pa na-sapak ‘to. “Ano bang problema mo? Kanina ka pa ha, napupuno na ako sa’yo!”
Kung gaano ako kagalit, mas doble yung pinapakita ng mukha niya. “Ang problema ay ikaw at lahat ng spoiled brat sa eskwelahang ‘to na walang ginawa kundi magpahirap sa mas nakakababa sa inyo.”
“What the hell are you talking about?”
Pinulot niya sa sahig yung isa sa basura na tumama sa mukha ko. Ito yung sa flyer tungkol sa ‘victory party’ ko na ipinakalat ni Gretel bilang surprise party para sa’kin “Kung hindi dahil sa kalokohan mong 'to, hindi mapapagod yung papa ko sa paglilinis at hindi tataas ang blood pressure niya!”
Nakonsensiya ako bigla. Jamie’s father, Mang Ric is one of the nicest maintenance staff in our school. And unlike someone I know, he is really trustworthy and honest on his job. Minsan na kasing naiwala ni Gretel yung gold earrings na regalo ko sa kanya sa auditorium pero naibalik yun ni Mang Ric. Nangyari na rin na naiwanan ko yung wallet ko sa cafeteria pero naibalik rin sa’kin yun nang hindi kulang ang laman.
Pero since I can’t admit to her na mali ako, I pretended that I don’t care about his dad “And why is this my fault? Your dad is the janitor here and it’s his job to clean up after everyone’s mess!”
Her eyes became teary-eyed “Ang sama mo! Mayaman ka nga, BASURA naman yang ugali mo!”
“Basura? Tingnan natin kung sinong magmumukhang basura sa’ting dalawa!” inagaw ko yung trash can sa kanya at ibinuhos lahat ng laman nito sa kanya.
After that, it became a screaming match between the two of us while the whole school is watching. Tumigil lang kami nang dumating yung guidance counselor namin na si Miss Tolentino.
“Miss Salvacion and Mr. Zarazoa, report to my office now!”
1:15 P.M.
“Kasalanan mo ‘to. Pag napunta ‘to sa records ko at nakaapekto ‘to sa grades ko, lagot ka sa’kin!” bulyaw ni Jamie sa akin habang hinihintay namin si Miss Tolentino sa guidance office.
Ayoko na sanang pumatol pero nakakairita talaga eh. “Kasalan ko!? Eh ikaw itong nagsimula mambato ng basura! Sinong tao na may maayos na pag-iisip ang mambabato ng basura? You’re completely mental! Palibhasa, janitress ang kahahantungan mong trabaho paglaki mo.”
“Ayun, eh di lumabas din yung katotohanan na isa ka sa nang-aasar sa’kin na anak ako ng janitor. Kunwari ka pang mabait at gentleman, bully ka rin naman.”
“Both of you, that’s enough!” utos ni Miss Tolentino pagpasok niya ng office niya. Nung umupo siya sa swivel chair niya, pinandilatan niya kami ng mata. “Kayong dalawa ang top students ng graduating class, pero hindi na kayo nahiya sa inasal niyo sa harap ng mga classmates at schoolmates niyo! And what in the world are you thinking na magtapunan kayo ng basura?”
BINABASA MO ANG
The FAILedictorians
Teen FictionPerfect boy Chill and little miss overachiever James are battling it out for the valedictorian spot of Darthwester School class of 2015. Aside from the academic rivalry going on between them, they have this long-time mutual despise for each other th...