"I love you too..." sagot niya tapos hinalikan niya ulit ako. I kissed him back. Yung feeling na parang 'first time' tuwing magki-kiss kami ay biglang napalitan ng feeling na 'forever'...
****
Tibok. Tibok. Tibok. Sabi sa'kin ng pumipintig kong ulo bago ko pa man imulat ang mga mata ko.
Nakapikit pa yung kaliwang mata ko nang sinubukan kong bumangon dahil nagdo-doble pa ang vision ko kapag sinubukan kong ibuka parehas ng mata ko. Hindi ko maiwasang mapa-ungol dahil lalong gumuhit yung sakit sa ulo ko. Yung sakit na mas matindi pa sa migraine. Nakadagdag pa sa bigat na nararamdaman ko ay yung sobrang tuyo ng lalamunan ko...
Ito na ba yung tinatawag nilang hangover? Hindi ko masagot ang sarili kong tanong dahil first time kong uminom kagabi. Nakakalasing pala yung ganung wine!?
Grabe, bakit sobrang liwanag? Agad-agad kong ipinikit muli ang mga mata ko. Tsaka bakit ang lamig?
Dahil gustong kong patayin yung aircon, Teka lang... kelan pa nagkaroon ng aircon ang kuwarto ko?, Dahan-dahan kong iminulat parehas ang mga mata ko. Pagmulat ko, tumambad sa akin ang kulay blue na dingding na may mga poster ng mga hindi ko kilalang rock band. Tapos may demotivational poster pa ng marijuana na nagsasabing 'Don't Panic, It's Organic!'
"Shucks. Nasaan ako?" malakas na tanong ko habang nagmamasid sa paligid. Kinabahan ako dahil hindi ko kuwarto ito. Hindi ko rin ito kama at lalong-lalo na hindi ko gown ang suot ko ngayon!
"BAKIT AKO NAKASUOT NG GOWN!? Kelan pa ako nagkaroon ng gown?"
Napakawak yung kaliwang kamay ko sa ulo ko dahil humahagod yung headache ko. Tapos may napansin akong kakaiba sa pulso ko. Nung tiningnan kong mabuti, may nakakatatak na violet ink at ang nakasulat ay 'ONE-DAY PASS'
"Ano 'to? One day pass saan?"
Pumikit ulit ako. Minentally squeeze ko yung utak ko para tandaan ang mga nangyari kagabi.
Oh my god, bakit wala akong matandaan?
Dahil sabaw pa ang utak ko, naisipan kong kunin ang cellphone ko at hingan ng tulong si Patch. My forever savior Miguel Pacheco III. Wala sa bulsa ko yung phone ko kaya kinapa-kapa ko siya sa ilalim ng kumot.
Napatigil ako sa paghahanap dahil may iba akong nakapa na matigas. Hala ka, ano 'to?
Bakit may pandesal sa ilalim ng kumot? Breakfast in bed agad-agad? Huminga ako nang malalim at kinausap ko ng masinsinan ang sarili ko. "Jamie, in the count of five, tatanggalin mo itong kumot. Kung ano mang nasa ilalim nito, please patnubayan ka sana ng maykapal. 5...4...3...2...1!" pagkatapos ay dahan-dahan kong tinanggal yung kumot.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
"Chill!?" gulat na gulat ako habang nakatitig sa tulog na tulog na si Chill. Wala itong suot na shirt kaya yung abs niya na parang mga pandesal na may sariling buhay ang nakapa ko kanina.
Gusto kong maiyak habang nakatingin sa abs niya. Anong nangyari at bakit kami magkatabing natulog? Bakit wala pa rin akong maalala hanggang ngayon? BAKITTT?
Patay na ba kami at ito na ang tinatawag nilang heaven? Sabi kasi nila, ang mga taong nakakaranas daw ng near-death experience ay nakakakita ng sobrang liwanag na ilaw, isang tagasundong anghel at magfa-flash daw right before your eyes ang buong buhay mo.
Pero sa kaso ko, parang kabaligtaran yata. Oo, sobrang liwanag nga pero bakit hot devil ang nasa tabi ko? Tsaka bakit wala akong maalala?
Nasa Impiyerno na ba ako?
BINABASA MO ANG
The FAILedictorians
Teen FictionPerfect boy Chill and little miss overachiever James are battling it out for the valedictorian spot of Darthwester School class of 2015. Aside from the academic rivalry going on between them, they have this long-time mutual despise for each other th...