JAMIE’S POV THURSDAY 11:00 PM
Naranasan niyo na ba yung feeling na habang bumibili ka ng milk tea tapos ang pinili mong flavor ay yung nakasanayan mo na pero secretly gusto mong sumubok ng bago at kakaibang flavor pero natatakot ka kasi baka magsisi dahil baka hindi masarap at masayang lang ang pera mo?
Ako hindi pa kasi hindi naman ako mahilig sa milk tea. Hahaha.
Pero seriously, naranasan niyo na ba na after niyo mag-decide sa isang bagay, sobrang pinagsisihan niyo yung ginawa niyong desisyon?
Ako, oo. Nagsisisi ako sa ginawa ko kay Chill. Bukod sa nakokonsensya ako na pinahiya ko siya sa harap ng mga kaklase namin,
“May feelings na yata kasi ako para sa kanya…” bulong ko sa sarili ko habang nakahiga sa double deck na kama. Hindi pa kasi tapos ang party ay umalis na kaagad ako at dumiretso sa girl’s quarter at nagtalukbong ng kumot. “Shucks, may gusto na yata ako kay Chill.”
Dali-dali akong bumangon at nagmadaling bumalik doon sa pinagdausan ng party. Nagsinungaling kasi ako. Hindi totoo na pinangakuan ko si papa na hindi muna ako magbo-boyfriend. Ang totoo niyan ay wala naman talaga masyadong pakielam ang mga magulang tungkol sa ganyan kasi pinagkakatiwalaan nila ang bawat desisyon ko.
Ni-reject ko si Chill kanina kasi nangibabaw sa akin yung pagiging competitive ko.
Binasted ko siya kasi mas inuna kong isipin yung rivalry namin para sa valedictory spot. Natatakot kasi ako na kung sakaling sagutin ko siya at maging kami, magiging awkward para sa aming dalawa kapag in-announce na kung sino ang valedictorian.
Hindi ko kayang magsinungaling kay Chill. Kailangan sabihin ko sa kanya yung katotohanan kung bakit ko siya ni-reject.
“Jamie, sandali!” may narinig akong sigaw habang nagmamadali ako pumunta doon sa pinagdausan ng party.
Paglingon ko, si Patch pala. Nagpalit na rin siya ng pantulog. “O, Patch, hindi pa kayo natutulog?”
“Hindi pa eh. Hinahanap ko kasi yung bola na dala ko kanina. Nawala ko kasi, eh hiniram ko lang yung sa P.E. teacher natin. Ikaw, saan ka?”
“Doon sa ano… kung saan tayo nag-party. Kasi yung mga video footage na kinunan namin ni Chill kanina dapat i-review namin isa-isa ngayong gabi para kung may kulang, irereshoot agad namin.”
“Ganun ba? Tara samahan na kita. Baka doon ko naiwan yung basketball.”
Tahimik kaming naglalakad nang biglang nagsalita si Patch. “Akalain mo yun, ikaw lang pala ang wawasak sa mga puso namin ni Chill…” medyo hesistant at pabulong niyang sinabi.
Napatigil ako sa paglalakad. Natandaan kong hindi pa kami nakakapag-usap ni Patch tungkol sa pag-amin niya na may gusto siya sa akin “Patch…” Hinawakan ko siya sa kamay “…hindi ko alam kung okay lang sa’yo pero, puwede bang close friends muna tayo?”
Tumango siya “Oo naman, okay na okay yun sa’kin no. Sino ba naman ako para tumanggi na maging close friends tayo?” tapos ngumiti siya sa akin. Yung ngiti na medyo nahihiya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. “Paano na yung class prophecy video niyo ni Chill?” tanong niya.
“Kaya nga hinahanap ko siya para makapag-usap kami eh…”
“Bakit, para sabihin sa kanya na maging ‘close friends’ na lang din kayo tulad natin dalawa?”
“Patch, bilang matagal na tayong close, sa tingin mo ba okay lang na bawiin ko yung pangre-reject ko kay Chill?”
Natigilan si Patch “Ha?”
“Gusto ko na yata si Chill…”
Inakbayan ako ni Patch “Alam mo, kahit sino pang gustuhin mo, mapa-halimaw man yan o yung pinakababaerong lalake sa mundo, nandito lang ako sa likod mo.”
Wala na akong nasabi kundi ‘awwwww’
“At kapag pinaiyak ka niyang Chill na yan, bigyan mo lang ako ng go-signal, ipapagulpi ko yan sa buong varsity team”
Napa-eyeroll ako sa sinabi niya “Alam mo ang warfreak mo talaga. Tayo na nga, pasok na tayo” pag-aaya ko sa kanya papasok doon sa pinagdausan ng party kanina.
“Nandito pa kaya si Chill? Baka nakabalik na yun sleeping quarters” sabi ni Patch. Ang dilim na kasi at naayos na lahat ng mga ginamit na tables and chairs sa party.
“Tingnan ko baka nasa maintenance room, doon namin itinago yung mga video equipment kanina eh.” Sabi ko.
Tumango si Patch. “Sige, doon naman ako sa backstage. Parang doon ko naiwan yung bola.”
Naghiwalay na kami. Pagpunta ko sa maintenance room, nantandaan ko na inilipat namin ni Chill yung lahat ng camera at video equipment sa backstage kasi basa yung sahig dito sa maintenance room.
Nagmadali akong sundan si Patch.
Pagpunta ko sa stage, naabutan ko si Patch na nakaupo sa hagdan ng stage. “O, nakita mo yung bola mo? Si Chill nasa backstage ba?”
Mukhang tulala si Patch. Umiling lang ito.
“Huy! Para kang nakakita ng multo ah.” Sabi ko. Didiretso na sana ako sa backstage nang hinawakan ni Patch yung kamay ko para pigilan ako.
“Patch ano ba? Bakit?” tanong ko.
“Diba close friends tayo? Ayokong makita mo yung nangyayari sa backstage.” Problemadong pagkakasabi niya
“Ha? Anong pinagsasasabi mo?” sabi ko sabay hila sa kamay ko. Nagmadali akong dumiretso sa backstage. Agad naman akong sinundan ni Patch.
Pagpunta ko sa backstage, nakita ko si Chill, yakap-yakap niya si Trish at naghahalikan sila.
JAMIE'S POV FRIDAY 12:00 PM
Dahil maaga kaming sinundo ng bus pabalik ng Manila, 8:00 A.M. pa lang ay nakauwi na ako sa bahay namin. Pero dahil mga graduating students kami ay required pa rin kaming bumalik ng school para magpapirma ng clearance sa mga teachers, librarians at kung sino-sino pang staff sa school.
Habang nakapila sa sakayan ng jeep, may kumuhit sa likod ko. Paglingon ko, si Chill pala. Nakangisi siya sa akin. Wala siyang kaalam-alam sa mga nakita ko sa backstage. After kong makita sila na naghahalikan ni Trish sa likod ng backstage, tahimik kaming umalis ni Patch.
“Sipag magsuot ng uniform ah.” Ngiting-ngiti na biro niya sa akin. Halos masilaw ako sa ngipin niya “Hindi ka ba nainform na okay lang mag-civilian ngayon?” tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. Wala naman kasi akong matinong damit. Kung ipipilit kong isuot yung mga damit ko, baka magmukha lang akong basahan sa tabi ng mga kaklase ko. Ngayon pa nga lang, sa sobrang porma ni Chill, mukha akong yaya niya.
“Uy.” Kinuhit niya ulit ako “Ang suplada naman nito…”
Hindi ko ulit siya pinansin. Tamang-tama naman na dumating na yung jeep. Pero bago pa kami makasakay, napuno na ito.
Tiningnan kaming dalawa ni Chill nung barker ng jeep. Tapos sumigaw ito. “O, isa na lang, isa na lang aalis na. Yung mga walang kasama diyan, sakay na!”
“Ako, wala akong kasama.” Sabi ko sabay sampa sa jeep.
Umalis yung jeep nang hindi ko nililingon si Chill.
1:30 PM
“Miss Manipon?” Tanong ko pagpasok ko sa library. Wala kasi siya sa desk niya. Hinahanap ko kasi siya, yung librarian namin, para papirmahan yung clearance ko.
Walang sumagot.
Naisip ko na nandoon siya sa maliit na breakroom sa pinakalikod ng mga bookshelves kaya nagpunta ako doon. Bago pa ako makakatok, may narinig akong dalawang taong nag-uusap.
“May balita na daw ba kung sino sa dalawa ang valedictorian?” sabi ng boses na sa hula ko ay kay Miss Manipon.
“Wala pang final decision kasi sobrang dikit ang grades ni Zarazoa at Salvacion…” Sagot ng isang boses ng lalaki na sa tingin ko ay boses ng Filipino teacher namin na si Mr. De Real. “…pero mas matunog na si Chill ang maging Valedictorian dahil mas marami siyang na-accomplish na extra-curricular activities na nagbigay honor sa school natin.”
BINABASA MO ANG
The FAILedictorians
Teen FictionPerfect boy Chill and little miss overachiever James are battling it out for the valedictorian spot of Darthwester School class of 2015. Aside from the academic rivalry going on between them, they have this long-time mutual despise for each other th...