JAMIE’S POV FRIDAY 3:15 PM
“Darthwester batch of 2015 valedictorian is… Jamie Marie Salvacion.”
Natahimik ang buong auditorium. Ine-expect siguro ng lahat (pati rin naman ako) na si Chill ang valedictorian. Sa sobrang tahimik ay puwede mong marinig yung ugong ng aircon.
Nabasag lang yung katahimikan nang pumalakpak si Chill. Yung slow clap. Yung tipong sarcastic at nang-aasar na palakpak. ”Congrats. Sana masaya ka na ngayon…” Pabulong niyang sabi. Hindi siya tumitingin sa akin at hindi siya tumitigil sa pagpalakpak.
After kaming i-congratulate ng mga teachers at ng principal, nag-akyatan na sa stage yung mga kaklase at ka-batch namin para batiin kami…
…pero kahit ako yung valedictorian, dinaan-daanan lang ako ng mga kaklase ko. Ni-isa sa kanila ay walang bumati sa akin. Gusto ko na sanang maiyak pero narinig ko bigla yung malakas at malalim na boses ni Patch. “Yes naman, valedictorian yung bestfriend ko!” Ngiting-ngiti si Patch na lumapit sa akin. Hindi na ako nagdalawang-isip na yakapin siya.
Hindi ko na napigilang maiyak. Ewan ko ba kung tears of joy ito dahil yung pinaghirapan ko ng apat na taon ay nasa kamay ko na o naaawa ako sa sarili ko kasi hindi man lang ako kinongratulate nung ibang kong mga kaklase. Pero mas malamang ay yung huli ang dahilan.
“Umiiyak ka ba?” Tanong ni Patch. “Ikaw naman, may pa-tears of joy pang nalalaman! Eh kung yan iniiyak mo diyan eh inilalakad na natin papuntang canteen at inililibre mo na ako ng magnum ice cream?” biro niya habang pinapahid yung luha ko.
“PARTY! PARTY! PARTY!” malakas na chant ng mga barkada ni Chill habang pinalilibutan siya ng mga ito. “Chill, this is your chance to host your very own ‘Hunter Games’. Kung makakapag-organize ka ng underground scavenger hunt this year, magiging alamat ka ng Darthwester” Sabi ni Dash kay Chill. “Guys, listen.” Utos ni Dash sa mga kabarkada at mga taong sumasamba sa grupo nila. “Gusto niyo ba ng underground Hunter Games this year?” excited na tanong nito. Masaya namang sumagot ang lahat ng ‘yes’.
Ang Hunter Games ay isang ‘tradition’ ng mga graduating students ng Darthwester. Nagsimula ang tradisyong ito 10 years ago kung saan ang ‘Game Master’ a.k.a. Class Valedictorian ay maglilista ng mga bagay o tasks na kailangang makuha (nang hindi gumagamit ng pera) o magawa (na dapat makuhanan ng video) ng mga participants a.k.a. ‘Tributes’. Pero dahil sa gulong nangyari sa Hunter Games last year (may na-aresto sa pagsha-shoplift at may nahuli ng mga pulis dahil nagmamaneho nang walang lisensya) minabuti pa ng Darthwester na ipatigil na ang tradisyong ito. Kaka-announce lang ng principal namin last week na kung sino man ang mahuli na nagpaparticipate sa Hunter Games ay hindi makakapag-march sa graduation ceremony.
“HUN-TER GAMES! HUN-TER GAMES!” Sa sobrang lakas ng pangangantiyaw ng mga kaklase at kaibigan ni Chill, inabangan tuloy ng lahat kung ano ang isasagot nito.
“Guys, guys, easy lang. Kalma lang kayo. Hindi naman ako ang valedictorian niyo eh. If you want a scavenger hunt, ask Jamie.” Sabi ni Chill tapos seryoso siyang tumingin sa akin. Grabe talaga ‘tong lalaking ito, ang sama ng ugali. Para-paraan din sa pagganti sa akin eh no? Alam naman niyang wala akong kakayahan na magpa-party, scavenger hunt pa kaya?
Biglang tumawa ng malakas si Gretel. “Like, as if! Kung simpleng victory party nga hindi niya kakayanin mag-organize eh, Hunter Games pa kaya?” sabi niya sabay irap sa akin.
“Sinong nagsabi sa’yong walang victory party, yang syota mong salutatorian LANG?” Biglang sabat ni Patch. Tiningnan ni Chill ng masama si Patch tapos napa-iling ito.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Patch “Noong isang linggo pa kaya namin pina-plano yung valedictory party ni Jamie.” Mayabang niyang rebelasyon sa buong batch.
BINABASA MO ANG
The FAILedictorians
Teen FictionPerfect boy Chill and little miss overachiever James are battling it out for the valedictorian spot of Darthwester School class of 2015. Aside from the academic rivalry going on between them, they have this long-time mutual despise for each other th...