Chapter 24

238 12 3
                                    

       

A/N: Merry Christmas everyone! >..<

Jamie's POV

"Just got married?!" pasigaw kong binasa yung caption ng IG post ni Chill. "Achilles Zarazoa, anong kalokohan 'to? Ano bang ginawa mo sa'kin? Nasaang lupalop ba ng Pilipinas tayo? At higit sa lahat, BAKIT. AKO. NAKASUOT. NG. GOWN?!" hysterical kong tanong sa kanya.

"Will you calm down? Wala rin akong alam! Kung napakadali ma-figure out ng mga pangyayari ngayon, eh di sana hindi tayo namomroblema ngayon!" Sagot niya sakin habang nanginginig na siya sa ginaw. Hanggang ngayon kasi, wala pa rin siyang suot na shirt. "Kung makapagtanong ka akala mo may sagot ako sa lahat ng problema sa mundo! Eh hindi ko nga mahanap yung damit ko eh, yang mga tanong mo pa kaya?" nanggigigil na sagot niya

Gusto kong matawa sa sinabi niya at gusto ko siyang yakapin. Para kasing ginaw na ginaw na siya. Naghalungkat siya ng mga damit doon sa aparador na nasa sulok ng kuwarto. Marami itong laman na damit pero parang wala siyang mapili. Lahat ng hindi niya mapili, hinahagis niya sa sahig.

Lumapit ako sa kanya at pinulot yung white na sweater sa sahig "Ang choosy mo naman, pwede na 'to oh." Sabi ko pero nagulat ako sa nakaprint na statement dun sa sweater.

LEGALIZE WEED

"Parang alam ko na kung kaninong kuwarto ito." Sabi ni Chill.

"Kanino?"

"Sa kuya ko. Nandito tayo sa bahay bakasyunan namin dito sa Baguio..."

"Akalain mo yun, nasa bahay niyo pala tayo!" nakangiti pero sarcastic kong sagot sa kanya. Nakaramdam ulit ako ng galit sa kanya kaya pinaghahampas ko siya ng unan "Napawalanghiya mo talagang lalake ka! Bakit mo ako dinala dito? Anong balak mo sa'kin?" pinaghahampas ko pa siya lalo ng unan.

"Jamie, will you please stop?" pagmamakaawa niya

"Anong tingin mo sa'kin cheeseburger na pwedeng i-take home?" tanong ko sa kanya habang hindi ko itinitigil ang paghampas sa kanya, pero naagaw niya yung unan sa kamay ko kaya sinuntok-suntok ko siya sa braso.

Lalo akong nagwala kaya hinawakan niya yung magkabila kong kamay. "Ano ba, Jamie, nakakahiya sa mga kapitbahay!"

"Bitawan mo ako, ano ba!?" Nagpumiglas ako sa mga hawak niya kaya na-out of balance kami kaya natumba at napahiga kami sa kama.

Nakapatong siya sa akin.

Damang-dama ko yung kabog ng dibdib niya. Magkalapit na magkalapit na yung mga mukha namin. Nararamdaman ko yung init ng paghinga niya. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko pero iniwas kong magtagpo yung mga tingin namin.

Ganito ba yung feeling ng nagha-honeymoon? Nakakailang pero nakakakilig?

"Please, calm down, okay?" Malumanay na pakiusap niya. "Aayusin natin 'to..." bulong niya sa tenga ko.

***

"Ano kasya ba?" tanong ni Chill matapos kumatok sa pintuan ng banyo. Hindi ko na siya sinagot, kabasta na lang ako lumabas ng banyo para ipakita sa kanya na nagkasya yung pinaglumaan niyang hoodie at jeans na kinuha niya sa kuwarto niya.

Tumango si Chill habang kinikilatis ako mula ulo hanggang paa. "You look good. Honestly, you look better in my circa-2007 clothes than in your actual wardrobe." Biro niya.

"Bwiset ka!" sigaw ko sa kanya habang tumatawa. Tapos inihagis ko sa kanya yung hinubad kong white gown "Chill, may alam ka bang tindahan ng damit na Z Couture ang pangalan?"

"Yeah, why?"

"Kasi itong gown na suot ko, may label siya na Z Couture."

"Really?" Nagulat siya na parang alam niya yung brand na yun. Pinulot niya sa sahig yung gown at tiningnan yung etiketa "My mom owns this shop. She designs evening wear for the high society..." paliwanag niya tapos parang may naisip siya. Lightbulb moment "Kung tama ang naiisip ko, pwede na nating ma-trace kung ano ba ang mga pinaggagawa natin last night" Tapos inaya niya ako papunta doon sa computer room.

Binuksan niya yung computer na may malaking screen "My dad installed a centralized CCTV system in our house in Manila, here in Baguio and all the businesses we own including my mom's shop.  Kung tama ang hinala ko na nanggaling tayo doon sa shop, then we might find a clue on whatever we did" sabi niya habang naglo-login ng mga password.

Nung na-access na niya yung CCTV sa shop ng mom niya, tinype niya yung petsa kahapon. Habang iniis-scan namin yung CCTV footage, nagulat kami nang makita namin yung mga sarili namin sa screen. Kakasara lang nung shop at kakaalis lang ng mom ni Chill pati ng mga empleyado.

"Grabe, lasing na lasing lang tayo." Sabi ko habang hiya-hiya sa ikinikilos ko sa video. Iniisa-isa ko kasi lahat ng gown na naka-hanger. Pati yung gown na nakasuot sa manikin, pinakielaman ko.

"Shit, what the hell am I doing?" tanong ni Chill habang pinapanood yung sarili niya na may sinusulat siya dun sa dugtong-dugtong na bond paper.

Sinubukan kong basahin kahit may kalabuan yung CCTV "BEST...PROM... EVER. Best Prom Ever? Eh di ba ang tagal na nung prom?" tanong ko.

"I think I remembered something." Sabi ni Chill. "Last night, noong napunta sa prom yung kwentuhan natin, bigla ka na lang umiyak. Kinuwento mo sa akin kung bakit ka hindi naka-attend ng senior prom natin dahil wala kang matinong damit na maisusuot. Then ako naman parang baliw, inaya kita sa shop ng mom ko to try her evening gowns. Then we staged an 'impromptu prom'." Paliwanag niya. Mukhang tama yung naaalala niya dahil sumasayaw kami sa CCTV nung steps sa cotillion nung senior prom!

Habang pinapanood namin yung kabuuan nung 'impromptu prom', biglang tumunog ulit yung mga cellphone namin. Text ulit na galing sa isang anonymous sender.

Welcome to the annual Hunter Games Scavenger Hunt competition, City of Pines Edition! In this special edition of the annual Darthwester tradition, you will be given 5 tasks to complete the hunt. The first tribute to complete all the tasks will be crowned the the winner. The winner of this year's Hunter Games will take home a priced Darthwester flashdrive burnbook that contains all the deepest darkest secret of this year's graduating batch. So goodluck and may the odds be ever in your favor.

"Patay." Sabi ko.

Napahawak na lang si Chill sa ulo niya "This is it. We're done. Our lives are officially done." Frustrated na pagkakasabi niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The FAILedictoriansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon