Chapter 4

725 35 14
                                    

JAMIE’S POV – MONDAY, 8:00 A.M.

“Kuya, parang awa mo na naman! Papasukin mo na ako! Kuhanan ng grad pic namin ngayon!” Halos maglupasay ako sa pagmamakaawa pero matigas na tumanggi si kuyang guard. Bago kasi itong guard na ito kaya hindi ko ka-vibes.

Halos lumuhod na ako sa harap ni kuyang guard papasukin lang niya ako nang nakarinig ako ng malakas na busina mula sa isang kotse na papasok sa gate ng school. Paglingon ko, si Trisha pala. Nakangiti siya sa’kin habang nakadungaw mula sa binatana ng mamahalin niyang sasakyan.

“Trish, tulong naman o. Ayaw akong papasukin!” Sigaw ko. Si Trisha ang isa sa kakaunti kong friends dito sa Darthwester

“Kuya, papasukin niyo po siya please?” Sweet niyang pakiusap.

“Yes, ma’am!” sabi nung guard habang nakasaludo kay Trisha “Sige, pasok ka na.” sabi nito sa akin.

Mabilis sumunod si kuyang guard. Father kasi ni Trisha ang may-ari ng security agency na humahawak sa lahat ng guwardiya ng eskuwelahang ito.

Welcome to Darthwester School. Established in 1975. Kung estudyante ka dito, malamang multi-millionaire ang parents mo. Sabi nga nila ang Darthwester daw ay ang school na walang middle class. It’s either sobrang yaman mo, o mahirap ka tulad ko. Pero teka, nagtataka siguro kayo kung bakit ako nag-aaral dito ang isang tulad ko na sumasakay ng jeep papasok ng school… Pag-uusapan natin mamaya :)

Papasok na sana ako nang tinawag ako ni Trisha na sumakay sa kotse niya. “James, sabay ka na dito, I have kuwento kasi.” excited na sabi niya sa akin. Kahit ayoko ng palayaw na James dahil pangalan ng lalaki yun, hinahayaan ko na lang siya dahil sobrang bait niya sa akin.

Pagpasok ko sa kotse niya, napansin at naamoy ko na bago yung mga upuan. “Bago ulit kotse ng daddy mo?”

“No, this is mine! He got me this car as a graduation gift!”

“Wow naman, congrats!”

“I know right! Sa summer vacation nga mag-aaral na akong mag-drive para hindi na ako hinahatid at sundo ng driver”

Patuloy pa siya sa pagkukuwento nang nagulat siya sa nangyari sa uniform ko.

“OMG, what happened to your uniform?”

“Tanungin mo yung Chill na ‘yun kung anong nangyari. Pag tinanong mo siya, pakibawi na rin yung ribbon ko.” Halos may lumabas na usok sa ilong ko habang nagsasalita.

Trisha looked really annoyed “He really did that? Ugh. You know what, I have this feeling that he’s sabotaging you para siya ang maging valedictorian. ”

Hindi na lang ako nagsalita. Na-realize ko na baka nga sinasabotahe niya yung chance ko na maging valedictorian. Napapansin ko kasi this last quarter na sobrang nagiging aggressive si Chill pagdating sa grades at extra curricular activities.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Trisha “Grabe ang sama niya. Hindi naman niya kailangan maging valedictorian eh, you need it more…” Sympathetic na pagkakasabi niya habang bumababa kami ng kotse niya.

Tama siya. Sa lahat ng ka-batch ko dito sa Darthwester, ako ang pinakanangangailangan maging valedictorian. May college scholarship grant kasing matatanggap ang top graduating student.

Nagulat si Trisha sa nasabi niya “Oops, that came out wrong. I didn’t mean to ridicule your economic status but…”

Ngumiti ako sa kanya “It’s okay, Trish. Totoo naman na ‘economically challenged’ ako and I need it more than anyone here in Darthwester...”

Didiretso sana si Trisha doon sa shortcut papunta sa mga classroom namin pero pinigilan ko siya.

“Wag tayo diyan dumaan, doon tayo sa St. Augustine Hall maglakad.” suggestion ko.

The FAILedictoriansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon