Chapter 16 Part 2

610 18 15
                                    

JAMIE’S POV THURSDAY 9:30 P.M.

“Our story?”  Kinabahan ako. Hindi ko alam kung saan niya gustong dalhin itong usapan na ito kaya I diverted his attention. “Alam mo kung anong mas mahalaga sa ‘story’ natin? Yung Class Prophecy! Kung hindi natin ma-pull off itong plano natin na mockumentary short film na ito, lagot tayo kay Miss Tolentino.”

Napanganga na lang si Chill. Para siyang nabitin sa kung anong sasabihin niya “Um, okay. Okay, sige simulan na natin.” Sabi niya tapos dali-dali siyang umakyat sa stage at tinawag niya ang atensyon ng lahat. “Guys, guys. Abalahin ko muna kayo for a while may sasabihin lang ako… Jamie and I are making a mockumentary slash futuristic slash short film para sa class prophecy na ipapalabas sa grad ball natin. Everyone one of you will be given at least 5 minutes worth of interview in our short film kaya you guys should act like how you see yourselves 20 years from now.” Sabi niya in a very commanding yet sexy voice “Okay ba? Gets na ba?” dagdag niyang tanong while nakathumbs-up.

Nag-agree lahat ng tao sa party.

Inuna naming interviewhin si Patch. Nakasuot siya ng jersey ng L.A. Lakers. Medyo awkward pa kami ni Patch sa isa’t-isa dahil hindi pa namin napag-uusapan yung ‘confession of love’ niya sa akin kanina. “So kamusta na Patch? Anong feeling ng isa ka sa unang Filipino basketball player ng NBA ?” tanong ko gamit yung script na sinulat namin ni Chill. Bago kasi magretreat, tinanong na namin isa-isa yung mga batchmates namin kung ano sila 20 years from now kaya may mga nakahanda na kaming questionnaire.

“Bilang isa sa kakaunting NBA player na naging Rookie of the Year and at the same time MVP,” Sabi niya habang pinapaikot yung bola sa daliri niya

Palihim na natawa si Chill sa likod ko tapos may ibinulong siya “Akala ko ba Class Prophecy? Bakit parang fairytale ‘to?”

Tiningnan ko ng masama si Chill. Hindi pa yata siya maka-get over sa away nila nilang dalawa.

“Sobrang nakaka-proud na nirerepresent ko ang lahi natin sa NBA. Hindi ko maaabot ang lahat ng ito kung hindi sa tulong ng mga natutunan ko bilang varsity ng Darthwester kaya I’ll be forever grateful with my alma mater.” Dagdag ni Patch.

Okay, Patch, nice interview.” Nakangiting sabi ko habang in-off yung camera. “So sino nang next?” malakas kong tanong.

“I’m next” fierce na pagkakasabi ni Gretel. Nakapamewang pa ito.

“Nice wig, G!” bati ni Chill.

Naka-bob hairstyle (yung parang buhok ni Dora) na wig si Gretel at naka-oversized sunglasses. 20 years from now kasi, nakikinita ni Gretel na magiging Editor-in-Chief siya ng isang high fashion magazine tulad ng idol niyang si Anna Wintour.

“It’s good to see you in our 20 year class reunion, G! Buti naka-attend ka kahit sobrang busy mo sa mga Fashion Week na pinupuntahan mo sa iba’-t-ibang bansa” sabi ni Chill using his script.

“I know right? Darthwester should be paying me to attend such a boring reunion party!” sabi niya habang humihikab “I should be in Manhattan right now attending the New York Fashion week”

Pinatay ko muna yung camera “Teka lang Gretel huh. Wala yan sa napag-usapang script! Class Prophecy natin ito, hindi portion para magmaldita ka!”

Gretel viciously rolled her eyes. Kung nakakahiwa lang ang mga irap niya sa akin, matagal na akong sugatan. “Sabi mo kasi mag-improvise kami. Tsaka sabi niyo ni Chill na umarte kami kung ano sa tingin namin kung ano kami 20 years from now. And I think appropriate lang na magpaka-bitch ako kasi magiging super successful ako.”

“Gretel, hindi ka pa man successful ay bitch ka na. Kaya please, bawas-bawasan, K?”

Nag-roll eyes ulit siya. Kung may barya lang na lalabas tuwing gagawin ito ni Gretel, ang yaman ko na siguro “Fine, fine.”

Magsasalita na sana siya nang biglang lumitaw si Trish… na kaparehas na kaparehas ng suot niya! From wig hanggang sapatos parehas na parehas sila!

“Oh my god!” sabay na sigaw nila sa isa-t-isa with matching hilakbot expression on their faces.

“So what are you supposed to be 20 years from now Trisha? My mirror!?” galit na galit na tanong ni Gretel.

Cool lang na nag-shrug si Trish “Gretel, Gretel, Gretel. Natawa naman ako sa’yo. Hindi ko naman na-realize na pangarap mo palang maging human photocopying machine in the next 20 years…”

Hindi naka-isip ng comeback si Gretel kaya ako pinagbuntunan ng inis niya “This is all your fault, Jamie! Bakit hindi mo kami sinabihan na parehas pala kami nitong babaeng ‘to?”

“Don’t blame her, G! Hindi naman namin alam na parehas pala kayong magde-dressup as Dora the Explorer!” pagtatanggol ni Chill  sa akin.

“I’m not Dora the Explorer!” chorus na sagot ni Gretel at Trisha

“God, you guys don’t know anything about fashion don’t you? Basta ako, I’m channeling Anna Wintour, the Editor-in-Chief of Vogue U.S. ewan ko na lang dito sa Trisha na ‘to, baka si Eugene Domingo ang peg niya.”

Namula sa galit si Trisha “Channel-channel ka pang nalalaman diyan! Sigurado ako ang channel mo, IBC-13! Ang labo kasi ng mukha mo!” bulyaw nito.

Hindi na ako nakatiis sa pag-aaway nila kaya inawat ko na sila “Gretel, Trisha puwedeng stop muna kayo sa pag-aaway? Class Prophecy itong ginagawa natin, hindi bagong episode ng Face to Face! Maki-cooperate naman kayo, please?”

Tumango naman si Trisha at nag-agree “Fine. 20 years from now ilo-launch ng Conde Nast ang Philippine Edition ng Vogue Magazine at ako ang Editor-in-Chief nito. Sa launching party nung magazine, guest siyempre si Gretel, ang Editor-in-Chief ng Vogue Timbuktu Edition este  U.S. edition. Since then magiging BFFs na kami for life.”

“So you’re telling me that we’re gonna be friends in the future?” tanong ni Gretel habang nakataas ang kilay. After a few seconds ng pag-iisip nag-agree din ito “I’m fine with that as long you’re richer than me in the future.”

Natapos din ang interview namin sa kanilang dalawa. After kong isara yung camera humirit pa ng isa si Gretel.

“Jamie, what are you supposed to be? Hmm… let me guess, ganyan na ang mga uniform ng mga janitress in the next 20 years?”

“Gretel, please stop harassing Jamie. Hindi ka pa ba natuto na ikinulong tayo ni Mother Superior ng dalawang araw?” pagtatanggol ni Chill sa akin.

“Alam mo Chill, noong isang araw ko pa napapansin ha, you’re always on this girl’s side! Tapatin mo nga ako, ano bang meron sa inyong dalawa ha?” pagtataray ni Gretel

“I like her. I like her so much. Got a problem with that?”

Muntik ko nang mabitawan yung camera na hawak ko.

Halos duraan ako ni Gretel sa sobrang galit niya sa narinig niya “Nagpapatawa ka ba? Let me remind you that this girl here is the sole threat sa goal mo na maging class valedictorian! Pinangako mo na sa dad mo na ikaw ang magiging valedictorian remember?”

“Things have changed, G...” sumeryoso yung mukha ni Chill.

“But-“ bago pa makapagsalita si Gretel, dali-daling umakyat sa stage si Chill at tinawag ulit ang atensyon ng lahat.

“Guys…” huminga ng malalim si Chill. “First of all, good job sa inyong lahat dahil ang astig ng mga costumes niyo. I can foresee na magkakatotoo lahat ng mga pangarap niyo. Pero except sa’yo Kathleen,” tinuro ni Chill yung classmate ko na si Kathleen na white lady costume ang suot. “Siyempre naman ayaw pa namin na maging multo ka 20 years from now”

Nagtawanan mga kaklase ko then nagpatuloy siya sa speech niya “Anyway, kanina pang simula ng party, ang dami-dami nang nagtatanong sa akin kung ano itong suot ko at who am I supposed to be in the future. Isa lang masasagot ko… Ako ang future boyfriend ni Jamie Salvacion.”

AUTHOR’S NOTE :

MERRY CHRISTMAS!!! Pasensya na, ito lang ang nakayanan kong update. Masyado kasi akong overwhelmed ngayong pasko eh. Nakuha ko kasi ngayon yung best Christmas gift ever, ang magkaroon ng legit readers!

The FAILedictoriansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon