JAMIE’S POV – MONDAY 4:30 P.M.
“Wow. Ang laki naman ng bahay niyo!” Sabi ko kay Chill nung inihatid ko siya sa bahay nila “Ang yaman niyo naman. Siguro ang madalas na gamitin mong hashtag ay #blessed no?” biro ko
Bahagya na siyang ngumiti “Not really. Hindi naman sa’min itong bahay na ito…” Malungkot yung pagkakasabi niya. Pero nag-change topic agad siya. “Gusto mo pumasok ka muna? Inom ka ng tubig, juice o kahit ano?”
“Wag na lang. Nagmamadali din naman kasi umuwi. Gusto kong makita si papa kung okay na ba talaga siya.”
“Ah ganun ba? Sige, uwi ka na. Ingat…”
Paalis na sana ako nang natigilan ako. Nakatalikod na ako sa kanya nang na-realise ko na…
Kailangan kong mag-sorry, pero nahihiya ako.
Paglingon ko sa kanya, pinilit kong iluwa yung salitang ‘sorry’
“Sorry.”
Nagulat ako na sabay na lumabas sa aming dalawa yung salitang yun. Tapos sabay kaming natawa.
“Sorry for being such an asshole” dagdag niya.
“Sorry din sa pagiging mahadera, bitch at echosera.” Sabi ko.
5:00 P.M.
Nasa bahay na ako at tapos ko na planuhin kung paano tatakbo at kukunan yung mockumentary short film namin bukas nang naisipan kong i-update yung Wattpad story ko. Kukunin ko na sana yung bag ko nang matandaan kong ipinahiram ko kay Chill yung netbook ko!
Patay. Baka mabasa ni Chill yung Wattpad story ko na ‘The Cager and The Conyo’. Main character pa naman siya doon at siya ang kontrabida! Kapag nabasa niya yung first chapter nung story ko, malalaman kaagad niya na siya yung inspiration nung character na si HOTT (Hercules Ozorio The Third) kasi anak din ng mayor ang backstory nun.
Dali-dali akong nagbihis at nagpaalam kay mama. Sinigurado ko rin na okay na si papa at hindi na mataas ang presyon niya.
6:45 P.M.
Habang nasa jeep papunta sa bahay nina Chill, sinubukan kong tawagan yung phone niya. Buti na lang at alam ni Patch ang number nito.
“Please sumagot ka. Please ‘wag mo pa sanang buksan yung netbook ko.” Bulong ko habang hinihintay sagutin ni Chill yung phone niya.
Nung finally at sinagot na niya, “Chill?” kinakabahang tanong ko. “Si James ‘to…”
“Si Chill ba ang hinahanap mo o si Hott?” sarcastic na tanong niya.
Lagot na. Nabasa na niya.
“Chill, puwede bang mag-explain muna ako?”
“Ganun ba talaga tingin mo sa’kin Jamie? Isang anak ng corrupt na mayor na walang backbone at walang alam gawin kundi maglustay ng pera?” galit na galit na tanong niya.
Gusto ko nang maiyak “’Wag ka munang magalit please? Oo, aamin ako na ikaw yung inspiration nung characer ni Hott pero hindi lahat dun ay base sa totoong buhay. Fiction naman ang karamihan doon eh. Lalo na yung part na corrupt yung dad ni Hott. Malayo naman siya sa totoong buhay eh.”
“Oh really? Kaya pala may character na ang pangalan ay ‘Hanzelle’ na often times fuck buddy and sometimes girlfriend ni HOTT! Gosh, Jamie you should’ve been more creative than that! Alam mo, parang akong tanga kanina na akala ko magiging magkaibigan tayo. Pero hindi pala, masyado ka kasing judgemental kahit hindi pa man tayo nagkakakilalang mabuti.”
“Ok fine, magalit ka sa’kin. Mura-murahin mo na ako, pero please, mag-usap tayo nang harapan, ng maayos. Mag-eexplain ako.”
“You know what, save that explantion to your bestfriend Trisha. Kakailanganin mo yan once she found out that you’ve used her para lang may maisulat ka na internet novel na wala namang kwenta!”
Galit na galit niyang ibinaba yung phone.
Kahit halos isumpa na niya ako, dumiretso pa rin ako sa bahay nila.
Nasa gate na ako ng bahay nila nang hinarang ako ng guard nila. Yessss may sariling guard ang bahay nila. Hindi na ako magugulat kung may sarili silang toll gate para sa mga dadating na sasakyan LOL.
“Iha, may imbitasyon ka ba?” tanong nung guard habang kinikilatis ako nito mula ulo hanggang paa.
“Invitation?” tanong ko. Nung sinilip ko kung anong nangyayari sa loob, may mga caterer na nag-aayos ng mga tables and chairs. Mukhang may magarbong party-party na magaganap.
“Si Chill po ba nandyan?” dagdag kong tanong kay manong guard.
Bago pa ako paalisin nung guard nila ay may sumingit na matanda. Iisipin ko sanang lola siya ni Chill pero nakasuot siya ng maid’s uniform “Si Achilles ba kamo? May I know who’s asking?” articulate na pagtatanong nito at tiningnan ulit ako mula ulo hanggang paa.
Bago pa ako makasagot ay lumitaw bigla si Chill. Pormal na pormal siya sa suot niyang suit and tie. Sobrang simpatico pala ang damuhong ito kapag nakasuot ng ganito. “Anong ginagawa mo dito?” masungit na tanong niya sa akin.
“Chill, please 5 minutes lang naman, mag-usap tayo.” Halos lumuhod ako sa harap niya.
“I don’t want to talk to you! I don’t even want to see you!” sigaw niya. Lahat tuloy ng mga tauhan na nag-aayos ng mga tables ay napatigil sa ginagawa nila at napatingin sa amin.
“Son, what is happening here?” Biglang may isang napaka-fabulosang donya na pumagitan sa aming dalawa. Tiningnan ako nung donya mula ulo hanggang paa. Ganito ba talaga sa bahay ng mayayaman? Kailangan hagurin ng mga mata nila ang hitsura ko mula bumbunan hanggang talampakan? “Who is she, mijo? Did you invite her?” mahinhin na tanong nung donya. Hindi ko alam kung sadyang mahinhin yung donya o nakainom ito.
“No, mom. She’s–“
Bago pa makatapos magsalita si Chill inunahan ko na siya.
“Ma’am, ako po ang itinatagong girlfriend ng anak niyo”
BINABASA MO ANG
The FAILedictorians
JugendliteraturPerfect boy Chill and little miss overachiever James are battling it out for the valedictorian spot of Darthwester School class of 2015. Aside from the academic rivalry going on between them, they have this long-time mutual despise for each other th...