JAMIE’S POV WEDNESDAY 10:15 A.M.
"Batchmates, stop. Kung ayaw sabihin ni Chill yung secret niya, ako na lang magbubunyag ng sikreto niya sa inyo." Mapangahas kong sabi sa mga kaklase at ka-batch ko. LOL @ mapangahas. Actually gusto ko lang asarin si Chill. Masyado na kasing fumifeelingero eh. Akala niya yata porke nahalikan na niya ako puwede na niya akong biru-biruin na nagseselos ako sa kanya.
“So ano yung secret niya?” excited na tanong ng isa kong kaklase.
Nung tiningnan ko si Chill, halos makapuno na siya ng isang timba gamit ang pawis niya! Para siyang constipated at hindi mapa-ire.
“Tinatanong pa ba yan? Obvious na obvious naman na sa sobrang babaero ni Chill, halos yata lahat ng babae sa school ay nahalikan na niya! Basta yata nakasuot ng maroon na plaid na palda at may lips hahalikan niya eh.” Alam kong may pagka-exagerrated yung sinabi ko pero may halong katotohanan naman iyon. By the way, maroon plaid skirt ang uniform ng mga girls sa Darthwester. Nagpatuloy ako sa pagsasalita “I HAVE NO SELF-CONTROL, I’VE KISSED TOO MANY GIRLS FOR MY OWN GOOD” Malumanay at minodulate ko yung boses ko tulad ng boses ni Chill. “Yan. Yan mismo ang sinulat niya doon sa ‘confession’ paper na itinapon niya sa basurahan.”
“Ooooooh” sabay-sabay na lumabas sa bibig ng mga ka-batch ko. Si Chill naman mukhang nabunutan, hindi ng tinik, kundi ng napalaking skeletal system ng whale shark. Ngumiti siya sa akin at pasimpleng nag-mouth ng words na ‘thank you’.
Malakas na tumawa si Dash. “Ikaw James, pati rin ba ikaw nahalikan na ni Chill?”
Na-dumbstruck ako sa tanong niya. Hindi ko akalain na magba-backfire yung pinagsasabi ko. “Siyempre hinde!” mabilis kong sagot. “Hindi naman ako katulad nung iba diyan na madaling mauuto ni Chill”. Defensive na pagpapaliwanag ko. Paulit-ulit ko pa iyon na sinabi sa utak ko. Kinukumbinsi ko ang sarili ko na hindi ako yung babae na madaling mahulog sa kagaya ni Chill. Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko, alam ko deep inside na matagal na akong nahulog sa mala-patibong na charm ni Chill.
THURSDAY 9:00 P.M.
Sabi nga nila, ‘All’s well that ends well’. Matapos yung mala-PheeBeeBee teeens na kadramahan namin kahapon, wala kaming ginawa ngayong araw kundi mag-sorry sa mga nakaaway at nakaalitan namin (pero kami ni Trish hindi pa kami nagkikibuan), gumawa din kami ng mga thank you letters sa mga magulang namin. Siyempre bilang closing para sa retreat na ito, party-party mode naman. Costume party to be exact. Ito yung party na inorganize namin ni Chill na at the same time, kukunan namin ng video ala-documentary style na kunwari ‘set in the future’ para gamitin sa class prophecy na ipapalabas sa graduation ball.
Habang busy yung party committee sa pag-asikaso ng pagkain at mala-futuristic decoration sa party venue, inaayos ko naman yung mga posisyon ng camera at lighting. Nang hindi ko maabot yung spotlight may tumulong mula sa likod ko. Paglingon ko, Chill pala. “Thanks.” Awkward kong pagpapasalamat ko sa kanya.
“Nice costume. Alam mo, mukha ka talagang film director.” Sabi ni Chill pagpasok na pagpasok niya doon sa function hall na pinahiram ni Mother Superior para gamitin naming party venue.
“Talaga?” pumose-pose at umikot-ikot pa ako. Cathy Garcia-Molina kasi ang peg ko ngayon kaya naka-eyeglasses ako tapos naka-simpleng top at jeans with scarf at may hawak akong clapperboard (yung kulay black na board na ginagamit ng director kapag mag-take na ang isang eksena)
Tiningnan niya ako ng seryoso tapos hinimas-himas niya yung chin niya “Hmmm… actually, you’re too cute to be a director. Mas bagay kang ekstra. Yung friend ng friend ng bida.” Biro niya
“Kairita ka ha! Eh ikaw, ano ka?” tanong ko habang tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Napa-kunot yung noo ko. Hindi ko kasi ma-gets kung ano yung costume niya. Naka denim hoodie at stripes na sando sa loob lang kasi siya tapos super dark skinny jeans. “Anong costume yan? Or costume nga ba yan?”
Umiling siya. “I’m not wearing a costume. This is my normal clothes.”
“Alam mo ang daya mo! Lahat kami nag-effort maghanap ng costume tapos ikaw wala lang!” pa-cute na sigaw ko sa kanya.
Lumungkot yung mukha niya. “Nung pina-plano natin itong costume party, unang pumasok sa isip ko, without remembering my family’s current situation, I want to dress up like my dad…”
“Oh.” Natahimik na lang ako. “Anyway, may wig ako diyan na may bangs baka gusto mong mag-dress up as Wenn Deramas?” biro ko sa kanya to lighten the mood.
Natawa si Chill “No, I’m good. Kapag may nagtanong kung ano yung costume ko, sasabihin ko na lang na pangarap kong maging si Edward Cullen in the near future.”
I rolled my eyes at ginaya ko yung maarte voice ni Gretel “Twilight is so 2000-and-late. Uhm, alam ko na, sabihin mo na lang na bagong member ka ng Chicser!”
Humagalpak si Chill tapos nakipag-highfive sa akin “Nice.” Sabi niya in a very mocking way “I’ll be the best Chicser member ever! CHICSER: Para sa Chicks, puwedeng-puwede rin para kay Ser!”
Sumakit yung tiyan ko kakatawa doon sa sinabi ni Chill. Kakatawa naming dalawa, hindi namin na napansin na nagsisimula na pala yung party.
Dumagundong na yung music tapos isa-isa nang nagdatingan ang mga kaklase at ka-batch namin.
Unang-una na dumating si Dash. Naka suit and tie ito at may dalang microphone ng ANC. Mukhang gusto niyang maging news caster tulad ng dad niya na host ng isang sports news sa ANC. “Dude, as usual, you host the sickest parties! Kung hindi ko alam na function hall ito ni Mother Superior, iisipin ko nasa 77 Gramercy ako!” puri nito kay Chill.
Chill’s face lit up with pride. In fairness nga naman sa kanya, ang galing niya mag-organize ng party “Thanks dude. Nice suit and suit and tie. Kulang na lang kabaong!” biro niya.
Pa-joke na sinuntok ni Dash si Chill sa braso “Loko ka rin eh no? At least I’m not dressed up like one of the dudes from One Direction! Bakit ka nga ba nakaganyan? Who’re you supposed to be? Please don’t tell me you want to be the next Daniel Padilla! Alam mo, dapat ginaya mo na lang ako, you should’ve dressed up like your dad.”
Hindi ko na hinayaan mag-explain si Chill ako na yung nag-isip ng palusot para sa kanya “Actually, pair yung costume namin. Ako yung director, siya yung movie star!”
“Oh.” Sabi ni Dash “So you want to be a moviestar huh. ‘Wag mong kakalimutan yung movie passes ko pag sikat ka na ha.” Dagdag nito sabay tapik sa balikat ni Chill. Iniwan na kami nito at nakipagmingle sa iba pa niyang friends.
“Nice save. Kakaligtas ko sa akin, ang dami ko na tuloy utang sa’yo.” Sabi Chill sa akin.
“Wala yun.” Sabi ko “Oh siya, simulan na natin kunan ng video yung mga classmates natin” maglalakad na sana ako palayo sa kinatatayuan niya pero pinigilan niya ako.
“Jamie, seryoso ako. You’ve been saving my ass a lot lately, I’m starting to think you’re my superhero. I know it’s unusual na ako yung sinesave mo pero our story started out as unusual naman diba?” sabi niya sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
“Our story?” Kinabahan ako. Hindi ko alam kung saan niya gustong dalhin itong usapan na ito...
BINABASA MO ANG
The FAILedictorians
Fiksi RemajaPerfect boy Chill and little miss overachiever James are battling it out for the valedictorian spot of Darthwester School class of 2015. Aside from the academic rivalry going on between them, they have this long-time mutual despise for each other th...