FIVE DAYS EARLIER:
JAMIE’S POV – MONDAY, 7:00 A.M.
When you smile gently, your face looks relaxed. Your mouth opens slightly, and your lower lip matches the curve of your upper teeth Sabi ko sa sarili ko habang pasimpleng nagpa-practice ngumiti sa harap ng pocket mirror ko habang nakasakay sa jeep. Kuhanan kasi ng grad pic ngayon kaya pinapractice ko hindi lang ang ngiti ko, pati na rin ang smize ko. LOL.
Sinusubukan ko mag-smize nang muntik ko nang mabitawan yung pocket mirror ko dahil sumigaw si Manong driver! “NAKNAMPATING naman, sino nagbayad nitong isang libo!?” galit na galit na tanong nito.
“Um, Diyan lang po sa may Darthwester. Isa lang po yan.” Inosenteng sagot ng isang lalaki sa dulo ng jeep.
Hindi ko na sana titingnan kung sino yung nagbayad ng isang libo pero pamilyar yung boses niya. Siya lang kasi sa Darthwester School ang may malalim at modulated na boses na akala mo ay palaging nagbibigay ng payo sa radyo.
Ibinaba ko muna ang reviewer ko at tiningnan kung sino yung taong first time yatang makalabas ng bahay at hindi na-inform sa kasabihang ‘Barya lang po sa umaga’. Paglingon ko sa dulo ng jeep, tama nga ako. Si Achilles Zarazoa nga. O mas kilala sa tawag na… ugh… ‘Chill’. Hay, hindi ko alam kung bakit umiinit ang ulo ko sa nickname niya. Haha.
Mukhang lost kid na nawawala sa mall ang peg ni Chill. Mukhang siyang kinakabahan at palinga-linga siya sa paligid at yakap na yakap sa backpack niya. Such a jeepney noob. LOL.
Pero teka, diba ang daming kotse nun? Anak siya ng mayor namin eh. Balita ko nga, bawat kotse nila may assigned na driver. Bakit siya nagji-jeep?
“Iho, puwera na lang kung ililibre mo ng pamasahe ang lahat ng kasakay mo at magda-drive thru tayo sa Jollibee, wala akong maisusukli sa’yo.” Witty na hirit ni manong driver.
Agad naghalungkat ng barya sa backpack niya si Chill. Pero mukhang wala itong nakuha. “Uh, kasi po, I forgot to bring loose change…” magalang na paliwanag nito
Gusto kong humagalpak ng tawa. Talagang loose change ang tawag teh? Hindi ba puwedeng barya, mamiso o baryabols? Ito ang hirap sa karamihan ng mga schoolmate ko sa Darthwester, parang mga pinanganak kahapon at lost sa outside world kapag hindi na kasama ang mga yaya at driver nila.
Dali-dali akong kumuha ng 14 pesos na barya sa wallet ko at inabot ko kay manong driver. Kinuha ko na rin sa kamay ni manong yung isang libong ibinayad ni Chill.
“Oh ayan manong, may ‘loose change’ ako. Kasama na din diyan yung bayad nung tisoy sa dulo. Pagpasensiyahan niyo na, first time sumakay ng jeep eh.” Sabi ko. Natawa si manong driver.
Nung lumuwag na yung jeep at medyo malapit na kami sa school, lumipat na ako sa dulo para mabilis akong makababa. Dahil magkatapat na kami ni Chill, bahagya niya akong nginitian.
“Thanks, batch.” Halos pabulong na niyang sabi.
Nag-smile back lang ako sa kanya. Hindi naman kasi kami close. Kahit 4 years na kaming aware sa existence ng isa’t-isa, hindi pa kami nagkakausap kahit kailan. Well, nagkausap na pala kami noong may debate contest last year pero hindi naman technically counted yun. Siguro kaya kami ganito sa isa’t-isa kasi may ‘cold war’ na nagaganap sa pagitan namin. Parehas kasi kaming running for valedictorian this March.
After a few minutes, dumating na kami sa tapat ng school. Papara na sana ako pero naunahan ako ni Chill.
“Manong, parrrr-uh po.” Sabi niya in a very sosyal way.
BINABASA MO ANG
The FAILedictorians
Teen FictionPerfect boy Chill and little miss overachiever James are battling it out for the valedictorian spot of Darthwester School class of 2015. Aside from the academic rivalry going on between them, they have this long-time mutual despise for each other th...