Chapter 12

520 21 0
                                    

JAMIE’S POV – TUESDAY 8:45 A.M.

“Oh my god. I can’t believe my parents paid for this expensive retreat para lang gawin tayong prisoners” reklamo ni Gretel matapos walang habas niyang inihagis yung Louis Vuitton travel bag niya sa bunk bed na tutulugan namin.

Habang ang mga kaklase namin ay nasa retreat center at nagsisimula nang mag-recollect, mag-senti-senti at mag-spiritual bonding, kaming lima ay ikinulong sa isang abandonadong private quarters ng mga madre. Nasa loob pa rin naman ng retreat compound yung tinutuluyan namin pero sa sobrang kalumaan nito para kaming nasa ibang mundo. Mundo ng katatakutan!

“Trish saan mo gusto sa top bunk o lower bunk?” tanong ko.

Inirapan lang ako ni Trish at padabog na inilapag yung bag niya sa top bunk. Tapos halos banggain niya ako para lang makalabas ng kuwarto.

“Awww. Is it officially F.O. na ba? As in friendship over?” pang-aasar ni Gretel sa akin habang nagli-lipstick siya sa harap ng mirror

“F.O. ka rin! Fuck Off! Pag hindi ka tumigil, life mo ang magiging over dito!” pagbabanta ko sa kanya.

“Gosh, so violent. Wala pa tayong isang araw na nakakulong dito, you’re already acting like a complete preso already. Ewww.” Maarteng pagkakasabi niya tapos lumabas na rin.

Wala pa sana akong balak lumabas ng kuwarto dahil sinusuklay ko pa yung buhok ko nang narinig ko ang boses ni Mother Superior Graziella kaya dali-dali akong pumunta sa common room.

“Bago natin simulan ang intimate retreat at reflection na ito, I will assign each and everyone of you ng mga kanya-kanyang chores sa dalawang araw na pag-stay niyo dito. Jamie and Achilles, kayo ang nakatoka sa kakainin niyong lima.”

Tumango lang kaming dalawa kay Mother Superior.

“Ikaw naman Trisha ang maglilinis ng girl’s room.”

“Sure, Mother Superior” nakatulalang sagot ni Trish.

“Tapos si Miguel Pacheco naman ang sa boy’s room”

“Consider it done, Mother Superior.” Bibong-bibo na sagot ni Patch.

At ikaw Gretel ang trabaho mo ay maglinis ng banyo at magdispose ng mga basura niyo.”

“No way! Mas bagay yang trabahong yan kay Jamie! She has this janitorial genes running in her blood!” antipatikang bulalas ni Gretel

“Hay naku, Gretel, wala ka bang bagong lait na maibibigay sa’kin? Apat na taon mo na akong inaasar na anak ng janitor eh, nakaka-umay na. Mag-isip ka naman ng bagong insulto, hindi na kasi ako nasasaktan sa mga panlalait mo na yan eh.” Malumanay na pakiusap ko.

Sumabat si Patch “Ano ka ba, Gretel? Hindi ka ba talaga titigil? Ikaw na nga yung puno’t dulo kung bakit tayo nakakulong dito tapos wala ka pa ring balak isara yang bibig mo?”

“Patch, will you stop meddling with their fight? Kaya nadamay tayong dalawa dito dahil sali ka nang sali sa mga away nila” Galit na pinagsabihan ni Trisha ang boyfriend niya.

Sumali na rin si Chill“Dude, if I were you, I’ll listen to her.” Suggestion niya kay Patch.

“Kinakausap ba kita?” Galit na tanong ni Patch

“TUMAHIMIK KAYO, MGA IMPERTINENTE!” sigaw ni Mother Superior na mas mabagsik pa sa leon. Tumigil naman kaming lahat dahil sa sobrang takot. “Can I just say to the five of you na kayo ang pinaka-worst at disappointing na mga estudyante na tumapak sa convent and retreat center na ito?” seryosong sabi niya. ”Hindi ko maintindihan kung bakit sobra ang galit niyo sa isa’t-isa. For once and for all, puwede ko bang malaman kung anong pinanggagalingan ng hatred niyo sa isa’t-isa?”

The FAILedictoriansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon