Jamie's POV
"Ako lang naman ang girlfriend ni Chill." Gosh, kinikilabutan ako sa sinasabi ko. Pero wala na akong choice. Kailangan kong ipagtanggol si Chill dahil ito na lang yata ang paraan para mapatawad niya ako. Hawak-hawak ko yung cellphone ko at kunwari vini-videohan ko si Kyle Cerinza. "At kung hindi mo siya titigilan, makakarating lang naman sa libo-libong instagram followers ng nanay mo kung gaano ka-matapobre ang anak ni Prissy Quinto-Cerinza, ang tinaguriang, reyna ng kiss,kiss,kiss at hug,hug,hug. Gusto mo ba yun?"
Tumigil na si Kyle at nginitian niya ako. Tapos ngumisi siya kay Chill. "You have one useful girlfriend right here. But this doesn't mean that I'm done with you..." may pagbabantang sabi nito bago umalis
Unti-unting nag-alisan ang mga tao sa party. Kami na lang ang nasa stage. Magka-holding hands pa rin kami...
"Thanks..." mahinang pagkakasabi niya. Humigpit yung pagkakahawak ng kamay niya sa akin.
"Wala yun... Sorry nga pala..." sabi ko.
"You don't have to apologize. Lahat naman ng sinabi mo kanina totoo..." Umiling siya tapos umupo sa sahig na para bang wala na siyang kalaban-laban sa nangyayari sa buhay niya "...na anak ako ng magnanakaw." Nanginginig yung boses niya.
Tinabihan ko siya sa pagkakaupo sa sahig. "Chill..." sabi ko. Pero hindi siya makatingin sa akin. Naiiyak na kasi siya. "Tumingin ka sa'kin..." Hinaplos ko yung mukha niya at hinawakan yung baba niya para ibaling yung mukha niya sa akin "Tandaan mo, wala tayong choice kung sinong magiging magulang natin..."
Nagsimula na siyang umiyak. Isinandal na lang niya yung ulo niya sa balikat ko.
Hindi ko na din mapigilan mapaluha "...Pero may choice tayo kung susundan ba natin yung yapak ng mga parents natin. Kilala naman kita Chill, mabait kang tao. Kung ano man yung kasalanan ng tatay mo, alam kong hindi mo gagawin yun. Kaya tumahan ka na, okay?" Sabi ko sa kanya habang pinahid ko yung luha niya.
"Sigurado ka?" tanong niya.
"Sigurado saan?"
"Na hindi ako magiging magnanakaw..." sabi niya habang palapit nang palapit yung mukha niya sa mukha ko.
Na-confuse ako sa tanong niya at paglapit ng lips niya sa lips ko "Ha? Oo... Oo naman."
"Paano kung nakawan kita ng halik ngayon?" seryosong tanong niya. Bago pa ako makasagot, hinalikan niya ako.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
Pangalawang beses na namin magkiss pero yung feeling na... Parang feeling ko first time niya akong halikan. Tinulak ko siya palayo.
"Why?" tanong niya. Kitang-kita sa mukha niya na disappointed at parang nabitin siya. "Did I do something wrong?" nag-aalalang tanong niya
Umiling ako. This time, yung mukha ko na ang inilapit ko sa kanya then I initiated the kiss.
Noong magdikit ulit ang lips namin, I confirmed one thing. Tuwing magkikiss kami, parang first time palagi. May spark. Yung feeling na parang may butterfly na gustong kumawala sa tiyan ko tuwing maglalapit yung mga labi namin.
Habang ako'y nakapikit at tila nagpapaanod na parang marupok na balsa sa malalakas na alon ng mga halik ni Chill, biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Jamie?"
Si Patch. Nanlalaki at nanlilisik yung mga mata niya sa aming dalawa ni Chill. Hindi ko alam kung gaano na niya katagal kami pinapanood pero base sa expression ng mukha niya, mukhang nakita niya lahat.

BINABASA MO ANG
The FAILedictorians
Novela JuvenilPerfect boy Chill and little miss overachiever James are battling it out for the valedictorian spot of Darthwester School class of 2015. Aside from the academic rivalry going on between them, they have this long-time mutual despise for each other th...