JAMIE’S POV – WEDNESDAY 8:45 A.M.
“Necessary ba na umamin tayo sa mga sikreto natin?” nagpoprotestang tanong ko. Hindi kasi akong kumportableng sabihin sa kanila ang secret ko.
“Paano natin malalaman kung sinong psycho ang gumawa nito? Gosh, this is so creepy. Whoever did this, tried to frame me. What else can that person do?” pangungumbinsi ni Gretel.
“Fine. Then magkaaminan na.” sinubukan kong maging convincing yung boses ko na game akong umamin sa sikreto ko pero I failed. Nanginginig yung boses ko.
“Good. Now that we have all agreed to do this, simulan na natin. So alin sa mga secret na ito ang uunahin natin?” tanong ni Gretel. At sino ang nagbigay kapangyarihan sa kanya na maging facilitator ng bukingan portion na ito?
“Let’s start with the hypocrite. I wonder who’s among us is the hypocrite” Sabi ni Trish habang nakatingin sa akin. Akala niya siguro ako yun.
Walang nagsasalita. Kulang na lang ay may cricket na mag ‘kroo-kroo-kroo’.
“So walang aamin? Are we just wasting our time here?” tanong ni Chill “Magbabalat na lang kami ng patatas ni Jamie” nakangiting sabi niya sa akin then kumindat siya. Can you believe it? Pa-inside-inside jokes na lang kami ni Chill ngayon.
Inirapan ako ni Gretel. Nakita niya siguro yung pagkindat sa akin ni Chill “Oh shut up, Chill. Alam mo namang ako yan, nagtatanong ka pa.” Galit na bulalas nito.
Biglang nanahimik si Chill.
Nagsalita si Trisha “Wait. May rule ba na kailangan i-explain what’s behind the secret o kabasta lang natin aaminin then shut up na?”
“To get this off my chest, I’ll explain.” Naghe-hesitate na sabi Gretel “Nakikita niyo itong ring na ito?” pinakita niya yung ‘promise ring’ na suot niya. Ito yung ring na ipinamimigay niya sa mga member ng promise club niya. Kilala kasi na galing sa isang super religious na family si Gretel. Bukod sa pagiging successful na businessman, pastor din ang tatay niya. Hanggang ngayon nga lang wala akong idea kung anong relihiyon ni Gretel.
“This is a lie. I’m not a virgin anymore…” tumingin siya kay Chill. Tapos si Chill naman tumungo at iniwasan ang mata ni Gretel.
Napaluha si Gretel “Na-surprise ba kayo guys sa secret ko?”
Umiling kami ni Patch. Si Trish naman diretsahan sinabi: “Not really”. No reaction naman si Chill.
“You guys are so MEAN!” sigaw niya. “Anyway, moving on. Who’s next?”
Nag-suggest si Chill. “Yung confused. Nakaka-curious kung sino yang ‘confused’ na yan.” Nakangisi siya kay Patch habang nagsa-suggest.
“OMG. I can’t believe that there’s a closet case among the five of us! This is so exciting!” Trisha squealed. Nakakatawa lang na nag-eenjoy sila sa ‘truth and no dare’ na ito.
Gretel rolled her eyes “Pfft. This is such a giveaway. Sino pa bang ‘confused’ dito eh di siyempre yung kahit kailan ay hindi nagkaka-boyfriend buong high school life niya!” sabi niya habang nakatingin sa akin!
Napunta ang atensyon ng lahat sa akin. Lahat tuloy sila ay nag-aabang na kung mag-out na ba ako.
Umiling ako “Hindi ako yan! Ang OA niyo ha. Porke ba hindi pa nagka-boyfriend, lesbian na agad?”
“I don’t think J’s a lesbian…” Sabi ni Chill pero dahil mahina ang pagsasalita niya, walang pumansin sa kanya.
Gretel gave me this ‘oh-please-huling-huli-ka-na-‘wag-ka-na-magdeny-pa’ look “There’s nothing wrong with being a lesbo, Jamie. Natatakot ka bang mag-out or natatakot kang umamin na in love ka pala sa bestfriend mo?”
“James, is this true?” nag-blush si Trisha.
“No, Trish, hindi totoo yan! Issue-wera, ka rin Gretel no? Napapansin ko, ang hilig-hilig mo mang-intriga. Siguro Boy Abunda o Jobert Sucaldito ang dala mong costume para sa class prophecy short film namin ni Chill bukas”
Sumabat na si Patch “Guys, guys ‘wag niyo nang kulitin si Jamie. Ako yan. Ako yung confused.”
Pasimpleng natawa si Chill “I knew it...” Malakas na bulong nito.
Tiningnan ni Patch ng masama si Chill then he explained “Pero hindi yung klase ng ‘confused’ na naiisip niyo. Hindi ako bakla… Sana nga bading na lang ako eh… para hindi ako ma-in love sa kanya. Don’t get me wrong, mahal na mahal ko yung girlfriend ko… Pero tuwing kasama ko itong tao ito… nalilito ako.”
Napatingin ako kay Trish. Kitang-kita ko sa kilos at facial expression niya na gusto na niyang matunaw sa kinatatayuan niya ngayon. Nakita ko rin na pasimple siyang nagpapahid ng luha.
Ipina-obvious ni Gretel na bored na siya. Pina-exaggerate niya yung paghikab niya. What a bitch. “To save us from this boring episode of MMK entitled ‘hikab’, didiretsahin na kita, sino ba itong tao na ito na nagpapa-confuse sa feelings mo?”
“Kailangan pa ba yun?” kabadong tanong ni Patch
“Of course! Para saan pa itong aminan at bukingan kung hindi rin lang naman tayo magne-name drop.” Pa-atribidang sabi ni Gretel.
Tumayo mula sa pagkakaupo si Trish. Mukhang galit na galit na siya. “Who died and made you queen? I don’t get why you’re the one who keeps making the rules here!” sigaw niya kay Gretel. “Pero sige, kung gusto mong sabihin ni Patch kung sino yung nagpapa-confuse sa kanya, dapat sabihin mo rin kung sino yung guy na naka-una sa’yo.”
“Yun lang ba? Fine I’ll answer your question. Si Chill. He’s my first. It was both our first time actually.” Casual na pagkukuwento niya na para bang nagkukuwento lang siya na kinagat siya ng lamok.
Chill turned red.
“Whew. Who knew owning up to the truth feels so good? Anyway, moving on. It’s your turn now, Pacheco. Sino yung taong nagpapa-confuse sa’yo?”
Napalunok ng malala si Patch tapos tumingin siya ng diretso sa mata ko...
BINABASA MO ANG
The FAILedictorians
Fiksi RemajaPerfect boy Chill and little miss overachiever James are battling it out for the valedictorian spot of Darthwester School class of 2015. Aside from the academic rivalry going on between them, they have this long-time mutual despise for each other th...