Chapter 10 Part 2

615 21 0
                                    

JAMIE’S POV – TUESDAY 6:15 A.M.

Parang naiiyak na hindi maintindihan ang mukha ni Chill “Look, I’m sorry. Nakainom na ako nun, hindi ko alam yung ginagawa ko. Kung gusto mo–“

Hindi ko na siya pinatapos magsalita “Alam mo, relax ka lang. Hindi naman ako galit sa’yo eh. Kiss lang naman yun. Mas naiinis ako sa sarili ko kasi hinayaan kita. Ewan ko nga ba kung bakit kita pinayagan na halikan ako, samantalang ang dali-dali mo nang itulak kagabi. Basag na basag ka kaya sa kalasingan. Pero eto naman ako, sobrang curious kung paano mahalikan, bumigay agad sa’yo.” Naiinis na may halong hiya na sabi ko sa kanya. “By the way nga pala, first kiss kita.” Dagdag ko.

“I’m single. If you feel so bad about our kiss last night, kaya kitang panindigan. I can be your boyf–“

Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway sa sinabi niya. Hindi ko ulit siya pinatapos magsalita dahil naloka ako dun sa ‘kaya kitang panindigan’ line niya “Teka, teka, teka. Panindigan agad-agad? Chill, chill ka lang okay? Hindi ko kailangan ng paninindigan mo noh. Tsaka kaloka ka, feeling mo naman gusto kitang maging boyfriend!”

“But I feel so bad for violating you last night…”

Kitang-kita ko yung guilt sa mukha niya. Para mabawasan yun at hindi siya magpumilit na ‘panindigan’ ako, biniro ko na lang siya “Alam mo, ganito na lang, isipin mo na lang na kagabi, wala tayong ginawa kundi magbalat ng patatas. Okay na yun?”

Tumango siya. Tapos dumiretso na kami papunta sa bus nila.

“Uh, What are you doing here?” reklamo ni Gretel pagkaakyat na pagkaakyat ko sa bus ng section nila.

Pinagtanggol agad ako ni Chill “There’s no more seats left at their bus, so I asked her to ride with us.”

“But this trip is supposed to be an intimate event for our section! No outsiders allowed!” pagmamaktol ni Gretel.

Ayoko na sana ng gulo pero hindi ko napigilan yung bibig ko “Ah ganun, ‘intimate trip’ at ‘no outsiders allowed’ eh anong tawag mo kay manong driver?” tinuro ko pa si manong driver habang binabasag ko yung kaartehan niya. “Unless ikaw ang magmamaneho nitong bus na ito, ‘wag ka mag-inarte na kesyo ‘exclusive’ para sa section niyo ang sasakyang ‘to. Arte nito. Kaloka.”

Nagtawanan ang buong section nila at nagpalakpakan. Ako naman, nag-bow.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Gretel sabay bulong sa akin “Humanda ka, janitress. You’ll pay for this”

Nginitian ko lang siya tapos umupo ako sa tabi ni Trish.

After a few hours ng biyahe, nag-stop over kami sa Luisita Business Park. Nagkanya-kanya ang mga estudyante kaya nag-Starbucks muna kami nina Trisha at Patch.

“So you spent the night at Achilles Zarazoa’s room na kayong dalawa lang? Grabe, you’re soooo malandi!” Trisha said while squealing.

Seryoso yung mukha ni Patch “So late ka na umuwi? Alam ba ng parents mo kung saan ka nanggaling?” pang-iinterogate niya

“Nagpaalam naman ako kina mama at papa na may friend akong sasamahan kasi may family problem…”

“Alam ba nila yang ‘friend’ mo na yan ay lalaki?” follow up question ni Patch.

“Hinde.”

“Don’t you think you’re betraying your parents for this?”

Hinampas ni Trish si Patch sa balikat “Betray betray ka pang nalalaman diyan! Chance na ni James magkaboyfriend no. Infairness sa’yo James, sobrang guwapo ng magiging first boyfriend mo. 6 footer, star athlete ng football, mayaman and most of all, size 12 ang paa! Hashtag #riceplease”

Size 12 ang paa? Ang laki huh “Bakit alam mo lahat ng yan?” tanong ko.

“Like everyone else in Darthwester School, Achilles Zarazoa is my ultimate crush.”

Ang sama na tuloy ng tingin sa kanya ni Patch.

Kumambyo bigla si Trish “Oops. I mean, ex-crush.”

Mainit yung ulo ni Patch at tumayo na ito

“Wait, where are you going?” tanong ni Trish

“Paalis na yung mga bus. Baka maiwanan tayo.” Umalis siya nang hindi man lang kami hinihintay

“Awww. He’s jealous” sabi ni Trish habang kinikilig.

Naglalakad na kami ni Trish papunta sa bus ng section nila, nang nakita ko na may idinidistribute na mga papel si Gretel sa bawat ka-section nila na sasakay ng bus.

Nung kami na ang sasakay, inabutan din ni Gretel si Trish nung papel. Naka-stapler ang mga ito dahil ilang pages din yun. “Trish, here’s your copy.” Sabi ni Gretel sabay irap sa akin “And none for you, Jamie Salvacion dahil hindi ka naman namin ka-section.”

Hindi ko na lang siya pinatulan at sumakay na lang ako ng bus.

After nung stopover, sobrang naging tahimik yung biyahe. Busy kasi ang lahat sa pagbabasa maliban sa akin at kay Chill na mahimbing na natutulog. Kahit si Trish ay tahimik din at hindi ko makausap. Kaya nagdecide na lang akong matulog.

12:00 P.M.

Nagising na lang ako na nasa retreat center na kami at ako na lang ang natira sa bus. Nagmadali akong lumabas ng bus. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan, humampas sa mukha ang sobrang lamig na hangin ng Baguio.

Nasa lobby na ng retreat house ang mga ka-sakay ko sa bus. Napansin ko na halos lahat ay masama ang tingin sa akin.

“Trish, bakit hindi mo naman ako ginising na nandito na pala tayo.” Tanong ko habang hingal na hingal ako.

Hindi ako pinansin ni Trish. Nung dumating na yung mga ka-section ko, napansin ko na may mga hawak din silang naka-stapler na bondpaper na tulad nung pinamigay ni Gretel kanina. Masama din ang tingin nila sa akin. Si Migs at Chill naman parehas nag-aalala ang mga mata nila habang nakatingin sa’kin.

Pumalakpak ng tatlong beses si Gretel para makuha ang atensyon naming lahat “Well, well, well. Since we’re all here bakit hindi natin bigyan ng masigabong palapakan ang napaka-witty at creative na jejemonyong writer ng ‘The Cager and The Conyo’ na si Jamie!”

Imbes na palakpakan ako, sabay-sabay nilang binato sa akin yung mga papel na para bang may hurricane ng bond paper papunta sa direksyon ko.

Gusto ko mang mag-sorry o mag-explain, hindi ko magawa dahil iyak na lang ako ng iyak.

“Mga spoiled brat man kami sa paningin mo, at least hindi kami duwag na nagtatago sa isang Wattpad account para manira ng mga taong hindi mo gusto.” Ihahampas sana sa’kin ni Gretel yung mga papel na hawak niya sa mukha ko pero inawat siya ni Chill.

The FAILedictoriansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon