JAMIE’S POV – MONDAY 10:30 A.M.
Kahit hindi nagsasalita si Chill ay halata sa pigil na kilos niya na nagpapanic siya habang pinapanood umulan ng mga bond paper mula sa rooftop. Para maintindihan kung bakit balisa at parang pusang hindi mapaanak ang pinakasikat na lalake sa school, kumuha ako ng isang flyer at binasa ito:
TAKE A CHILL PILL: THE ACHILLES ZARAZOA VICTORY and VALEDICTORY PARTY!
Let’s celebrate the victory of our class valedictorian Chill Zarazoa!
Location, date and time of the party are to be announced :)
“Ano ‘to joke?” tanong ko kay Chill. “Kaka-exam lang natin last week, valedictorian ka na agad-agad? Anong inalmusal mo kaninang umaga, isang bandehadong kayabangan at isang pitchel ng pagiging assuming?”
“What?” Gulat na tanong niya. Hinablot (hindi naman niya hobby manghablot ng mga bagay-bagay noh?) niya yung hawak kong flyer at binasa ito. “What the hell is this!?” tanong niya.
Nag-slow clap ako “Wow. Gulat-gulatan kunwari.”
“You know what? I don’t have time for you and your nonsense.” Nagmadali itong umalis
10:45 A.M.
“Grabe yung kanina. Buti na lang hindi tayo sinumbong ni Chill” Sabi ni Patch habang pabalik na kami sa auditorium after mag-recess. Hindi sumama si Trish sa amin kumain dahil ‘on a diet’ daw siya, at ayaw niyang magmukhang bloated sa grad pic. Pero halata namang may tampo ito sa amin.
“Alam mo seryoso ako kanina. Umayos ka. Napakabait na tao ni Trish at hindi mo dapat pinakakawalan ang ganung klaseng babae.” Seryoso at malumanay na sabi ko.
Sumeryoso na din ang mukha ni Patch. “Paano kung ayoko na?”
Hinampas ko yung braso niya. Napasigaw siya sa sakit pero hinampas ko ulit siya para matauhan siya “Ano ka ba!? Akala ko ba crush na crush mo siya? Tapos ngayong kayo na, ayaw mo na? Ang sama mo!”
“Natutunan ko namang magustuhan at mahalin siya eh. Pero minsan nahihirapan na akong sakyan yung mga gusto niya… Masyado siyang sosyal. Sa tingin ko hindi kami bagay.” Malungkot na pahayag niya.
Sa Darthwester, kami lang dalawa ang scholarship student sa batch namin. Kung ako ay academic scholar, si Patch naman ay athletic scholar. Sobrang galing kasing mag-basketball nitong si Patch. In fact siya ang captain ball ng basketball team ng Darthwester. Kaya nga kanina nafi-feel ko kanina na may halong vengeance yung muntikang pangbubuking ni Chill. Si Chill naman kasi ang captain ng soccer team. May rivalry kasing nagaganap sa pagitan ng soccer team at basketball team pero mas lamang ang basketball team kasi mas marami silang naipapanalong games sa mga inter-school competitions.
“Ano ka ba, ganyan talaga ang pakikipagrelasyon no. Pakikibagayan niyo ang bawat isa. Ganyan kaya ang magandang love story, yung maraming struggles pero in the end mangingibabaw yung love niyo sa isa’t-isa.” Pangaral ko sa kanya as if may experience na ako sa love.
“Ikaw lang naman namilit sa’kin na ligawan siya para may maisulat ka sa Wattpad story mo.”
Ang Wattpad novel ko na ‘The Cager and the Conyo’ ay inspired sa love story nina Patch at Trish. 10 months ago, nag-dare ako kay Patch kung kaya ba niyang ligawan ang pinakasosyal na girl sa campus, si Trisha Ricafort para may maisulat akong ‘true to life story’ sa Wattpad. Dahil 10 months nang mag-on sina Migs at Trish, 10 months na ring tumatakbo yung story sa Wattpad at malapit na itong umabot sa 1 million views. Kung itatanong niyo kung bakit ko ginawa ito, mahilig kasing akong magsulat. Hobby ko ang magkuwento. Pangarap ko kasing maging film director balang araw.
“10 months na kayo. Sayang naman yung mga pinagdaan niyo.” Sabi ko.
Umiling si Patch “May iba na kasi akong gusto…”
“Sino?”
Bago pa siya makasagot, may itinuro siya sa’kin. “James, yung papa mo.”
Itinuro niya sa akin si papa. Siya yung naglilinis nung mga nagkalat na flyers kanina.
“Halika, tulungan natin” suggestion ni Patch.
Tumango ako. Ayokong mabasa ni papa yung flyers. Baka akalain niya na si Chill na talaga ang valedictorian.
Mabilis naming nilapitan si papa at agad-agad kaming tumulong pulutin yung mga nakakalat na flyers.
“Jamie, ‘diba sabi ko ‘wag mo akong tutulungan dito dahil trabaho ko ito? Baka ma-bully ka na naman kapag may nakakita sa’yo.”
Si papa ang pinakamatandang janitor sa Darthwester. Siya ang dahilan kung bakit ako nakakapag-aral ng libre sa napakamahal na paaralang ito. Bukod sa may 50% discount ako para sa pagiging academic scholar, yung pagiging loyal employee niya ang sumasagot doon sa another 50%
“Pa, sanay na akong ma-bully. Alam na naman ng lahat na anak ako niyo ako eh. Pero ikaw, hindi ka puwedeng magtagal dito sa labas, sobrang tirik yung araw. Baka tumaas ang blood pressure mo.”
“Ano ba naman kasi itong nagkalat na mga papel na ‘to? Mga kabataan ngayon lahat na lang inaaksaya.” Sabi niya habang binabasa yung flyer. Bago ko pa man maagaw sa kanya, nabasa na niya yung ayaw kong mabasa niya.
Kitang-kita ko na lumungkot yung mukha niya. First quarter pa lang kasi ng school year na ito, pinapangako ko na sa kanya na ako ang magiging valedictorian at ako ang makakatanggap nung scholarship para wala na silang iintindihin sa pagco-college ko.
“Pa, hindi totoo yan. Wala pang desisyon yung faculty kung sino ang valedictorian. Diba Patch?”
“Oo nga, hindi po totoo yan. Joke time lang yan ng mga mayayamang bata dito.”
Tumango na lang si papa at ngumiti ito sa akin. Pero ramdam na ramdam ko na na-disapoint at nalungkot siya nung minutong nabasa niya yung flyer. Ang ayoko sa lahat ng feeling ay yung nakikita kong nadidisapoint ang mga magulang ko sa akin.
12:00 P.M.
Ako na ang nakasalang sa harap ng camera at naka-make-up at toga na ako nang kumatok yung school nurse sa auditorium at inexcuse ako.
“Jamie, si Mang Ric, yung papa mo isinugod namin sa ospital…”
BINABASA MO ANG
The FAILedictorians
Teen FictionPerfect boy Chill and little miss overachiever James are battling it out for the valedictorian spot of Darthwester School class of 2015. Aside from the academic rivalry going on between them, they have this long-time mutual despise for each other th...