Vaniza
"Bwesit! Argh, bwesit siya! Dakilang bwesit! Langaw siya ng basura!" Halos pasigaw ko ng sabi pabalik ng kwarto ko.
Kahit na anong habol ang gagawin ko sa kanya, ni hindi ko man lang naabutan.
Pagkarating sa kwarto ay agad na akong nagbihis. Nabu-bwesit parin ako kay Kyle. 'yung pagiging tutor, at dinagdagan pa niyang hayop siya!
"Kyle, alam mo na naman siguro na ikaw na ang magiging tutor ni Vaniza?" Rinig ko'ng sabi ni Daddy.
"Yes po, Tito." Ani Kyle.
Napairap pa ako sa kawalan bago tumabi kay dad.
"Vaniza, I change my mind. Pwede kang pumasok sa school, pero kung may gagawin kang labas sa'kin, si Kyle ang magsabi sa'kin ng lahat." Ani dad na ikinagulat ko.
Okay na sana, pero ang magiging guard si Kyle? No way! Ayoko nga!
"Dad, no! Ayaw kong may mag-spy sa'kin.."
"Gagawin mo, o makukulong ka?"
Napabuntong hininga nalang ako. alam ni dad na ayaw ko'ng makulong sa loob ng bahay kaya ginawa niya sa'kin 'to.
At i-try lang ni Kyle na isumbong ako sa mga gagawin, kakalbuhin ko talaga siya.
"Ano, aangal ka pa--"
"Okay fine, dad! You win, Wala na akong magawa!" Pasigaw ko'ng sabi sa kanya.
"Don't shout, Vaniza. Hindi kami bingi." Ani dad.
Nahagip naman sa mata ko ang pasimpleng pagngisi ni Kyle kaya hinampas ko sa kanya ang unan na inupuan ko.
"Vaniza, what's wrong?"
"Kanina pa ako iniinis ng lalaking 'yan dad! Hindi talaga niya ako tatantanan--"
"You're acting like a kid, Vaniza. Don't be childish."
Aba! At ako pa ang naging childish sa lagay na 'to? Ha! Nakakaloka.
"By the way, I have a urgent meeting. Maiwan ko na kayo, hijo." Ani dad at tumayo na. "Vaniza, behave."
"Dad, I'm no longer a kid. Hindi mo na ako kailangang bilinan ng ganyang klaseng salita. Nakakasagwa." Nandidiring sabi ko at nagsimula nang mag-martcha paakyat sa kwarto.
KINABUKASAN maaga akong gumising at nag-ayos. Ito ang palaging gawin ko. As usual, wala sila mommy at ate. Pati na rin si Venice, ang bunso naming kapatid. May party na gaganapin sa States kaya pansamantala muna sila du'n.
Pagkarating sa room ay agad din akong dumeretso sa library. Wala pang mga estudyante sa mga classrooms dahil maaga pa masyado.
I also simply brought a can of coca-cola. Masungit ang librarian, at ayaw na ayaw niyang may dala ng kahit ano dito sa loob kaya masinsinan talaga ang pagtago. Pati na rin ang pwesto kung saan uupo.
Ito ang palagi ko'ng gawin 'pag umaga. Kung wala sa coffee shop ay sa bar. At kung dito sa paaralan ay dito sa library ang punta ko.
Kinuha ko ang books sa bag at pati na rin ang Coca-Cola. Akmang iinumin ko na ito pero may humablot nito sa'kin.
Agad na nagsalubong ang dalawa ko'ng kilay nang makitang si Kyle ang may gawa nu'n.
"Ibigay mo sa'kin, 'yan." Mahinahong sabi ko habang tinuro ang Coca-Cola. Inilayo naman niya ito sa'kin at nginisihan ako. Nakaupo na siya sa tabi ko habang nakapatong ang isang kamay niya sa may likuran ko.
"No," parang batang sabi niya.
At ang gago, hindi nag-uniform. Naka-jacket siya ng black at black rin na jeans habang may sout na piercing. Habang ako naman ay naka-dress ng white na semi-off shoulder. Wash day namin every Monday kaya okay lang na mag-sout kami ng ganito.
BINABASA MO ANG
My Badboy's Tutor [COMPLETED]
RomanceIsang babaeng spoiled brat kung tawagin, at dahil sa kanyang pagiging spoiled ay kumuha ang kanyang daddy ng kanyang Tutor. Pero paano nga ba kung ang magiging Tutor niya ay isang badboy sa kanilang paaralan. At hindi lang basta-basta na badboy dahi...