Chapter 17

265 23 1
                                    

Vaniza's POV.

Wala sa sariling umuwi ako sa bahay. Kinuha ko sa bag ang cellphone at ni-dial ang phone number ni Kyle.

Nag ring Ito ng tatlong beses at sinagot Ito.

Thanks god! Gusto ko talagang makomperma ang totoo. Pero, sa sarili ko. Hindi parin confirm kung totoo ba na may feelings ako sa kanya. Ang hirap hulaan.

"Hello, Kyle?"

"[Hello, this is Kyle's fiancee. How can I help you, miss?]"

Agad akong napahawak sa bibig ko. F-fiancee? So, confirm! M-may fiance na siya! Number 1 na rule, ay don't fall nga 'diba? Pero bakit 'yun pa?

"F-fiancee?" Wala sa sariling tanong ko sa phone.

"[Yeah, I am. By the way, who you?]" Tanong nito kaya agad ko ng in-off.

Kyle! Bakit? Bakit sa'yo pa?

Napatawa ako ng pagak.

"Tse! Ako ang may kasalanan. Ako ang sumuway sa usapan. Rule is a rule." Wika ko nalang.

Siguro I need some fresh air, and fresh mind.

Pumunta ako ng pool at pilit na kinalimutan ang kay Kyle. Ngunit, hindi! Feelings? 'diba malalaman lang 'yun kapag nagseselos ka? Pero hindi ko pa naramdaman ang magselos--

"[Hello, this is Kyle's fiance. How can I help you, miss?]"

Hindi ko maiwasan na isipin kung bakit nasa kanya ang phone ni Kyle.

Best thing to do! Iwasan ko si Kyle. Iwasan ko na tuluyan akong mahulog sa kanya.

"Oo. Tama! Iwasan ko na siya, simula ngayun!" Umahon na ako sa pool at agad na nagbihis.

LUMIPAS ang ilang araw, hindi parin nagpapakita si Kyle. Lumabas na rin ang results sa exam. As usual, perfect ko lahat. Pilit ko naring sinanay ang sarili ko na hindi hanapin ang presensya ni Kyle.

"He's here!"

"Yeah! 2 weeks siyang hindi pumasok, and now! I think may i-announce kaya andito."

"Tss! Kasama raw ang bitch na si Karen Binondo, e."

"Fiance na niya ata 'yun. I think, envited tayo sa kasal."

"Psh! I don't want to attend. Ako lang ma-ha-heart break niyan."

Bulong-bulongan ng lahat. Kahit saan ako pupunta ay 'yun ang pinag-uusapan ng lahat.

Biglang napatigil ang lahat, ni isang estudyante ay walang umimik. Pati ako nang maaninag kung sino ang paparating.

"K-kyle.." mahinang bulong ko. Masaya ako na bumalik siya, ngunit, nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang may kasama siyang ibang babae na nakapulupot sa kanyang braso.

Agad na gumuhit ang sakit sa'king dibdib. Nakatingin ako sa kanilang braso, dikit na dikit ang babae kay Kyle. Animo'y proud na proud. Sino ba namang hindi maging proud na magiging fiance si Kyle?

"Excuse me." Hindi ko namalayan na kaharap ko na pala si Kyle at 'yung babae.

Parang tinusok ng karayom ang puso ko sa way ng kanyang pananalita na parang hindi niya ako kilala. At ang kanyang pagiging cold na hindi ko malaman kung ano ang dahilan. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong hindi niya gusto.

"K-kyle.." tawag ko sa kanya.

Napahinto naman sila sa paglakad. Ang babae ang lumingon sa'kin, nginitian niya ako at naghintay sa susunod ko'ng sasabihin. Ngunit, kumurap nalang ako at umiling.

My Badboy's Tutor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon