Chapter 3

555 33 1
                                    

[First kiss]

Vaniza

Lumipas ang ilang oras ay ganu'n parin ang posisyon naming dalawa. Biglang kumabog ang dibdib ko ng malakas.

"K-kyle, bitawan mo na nga ako!" Nautal ko'ng wika. Ang dalawang kamay ko ngayun ay nasa dibdib niya na.

"Bakit? Your affected?" Pang-aasar niya.

"Mukha mo!" Sigaw ko. "Bitawan mo na ako!" Sigaw ko sa kanya at pilit na umalis sa bisig niya pero mas nilakasan lang naman niya ang paghawak sa bewang ko dahilan para mas lalo akong madikit sa kanya.

"What if, I don't want?"

Napapiki ako sa inis. "BITAW! BITAWAN MO NA AKO, KYLE!" Boung lakas ko'ng sigaw sa mukha niya. "Bitawan mo 'ko, o bitawan mo ako?"

"I want to hold you."

"Arghh! Talaga bang iniinis mo ako, Kyle! Ha!"

"Bakit, naiinis ka ba?"

"Kyle, talagang hindi mo magustuhan ang gagawin ko ngayun sa'yo!" Tiim bagang na sabi ko, pero mas lalo lang siyang napangisi na para bang enjoy na enjoy siyang makita akong inis.

"Sige nga, anong kaya mo'ng gawin? Ha?" Panunudyo niya sa'kin.

"Hayop ka! Bitaw nga sabi! Bitawan mo akong dakilang hayop ka, bwesit ka sa buhay ko---hmmp!" Napatigil ako sa pagpiglas nang bigla niyang dinampi ang labi niya sa'kin.

Agad na nanlaki ang dalawa ko'ng mata. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang..parang tumigil lahat ng hormones ko.

Unti-unti ay naramdaman ko na ginalaw niya ang labi niya dahilan para maalarma ako at sinapak siya sa kanyang labi.

"Fuck! Why is that?" Singhal niya sa'kin dahilan para matumba ako sa sahig.

"Aray!! Ang sakit ng balakang ko." Tiningnan ko ng masama si Kyle. Patuloy lang siya sa pagmura at pinahiran din niya ang pumutok niyang labi.

"Fuck! Why did you do that?!"

Tumayo ako habang hinawakan ko ang umiindang balakang.

"Buti nga sayo!" Bulong ko.

"What?"

Binalingan ko siya ng tingin at sinamaan ng tingin.

"Sabi ko, buti nga sa'yo! Manyak ka kasi!" Sabi ko at binilatan pa siya.

"You freaking--"

"Freaking what? Subukan mo'ng dugtungan, 'diba hindi lang labi mo ang puputok, kundi pati mukha mo, sabog!" Wika ko at lumabas na.

Talaga namang sa kanya pa? He's really a manyak. Wala siyang ibang gawin kundi ang mamanyakin akong hayop siya.

"At talagang...first kiss pa?" Hindi makapaniwala ko'ng bulong at napailing-iling pa. Ang swerte ng mokong na 'yun. Sarap pasabugin ng mukha!

Pabalik na ako ng room, kaya pagkarating ko du'n ay wala ng tao. Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang bag at iba pang mga gamit.

"Vaniza!" Sigaw ng kung sino. Andito na ako ngayun sa harap ng locker ko. Sa locker ko lang kasi iwan ang ibang gamit na mabibigat.

"Oh, Vien?"

Si Vien, siya ang pinsan ko na pilit akong nilalapitan. at ayaw ko naman ng may magiging kaibigan kahit pinsan ko pa siya. Ayaw nila Tita na makipag kaibigan sa anak niya, baka mahawaan ko pa raw anak niya.

"Vaniza, my god! My god! My god!" aniya habang habol ang hininga dahil sa pagtakbo.

"Tss, kung tungkol 'yan sa pakikipag-kaibigan mo sa'kin, Vien. Sorry, but my answer is still no. I don't want you to be my friend. Kahit kailan." Sabi ko at ini-lock na ang pinto ng locker.

My Badboy's Tutor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon