Chapter 5

520 27 1
                                    

Vaniza

"Eat all of that, para hindi masayang ang effort ko na ibili ka niyan." Sabi niya na tinanguan ko nalang at nagpatuloy sa paglantak ng pagkain.

"Hindi na. That's all yours, kaya ubusin mo."

"Hmm, uhm." Sabi ko nalang sa kanya habang tumango-tango.

Ilang minuto lang ang lumipas ay medyo naramdaman ko na ang pananakit ng tiyan ko. grabe, sobrang busog ko naman talaga ngayun.

"Are you full?" Tanong ni Kyle.

"Uhm."

"So, can we go out now? Hinintay lang talaga kitang magising--"

"Nahh! Hindi na tayo makalabas dito." Ani ko na ikinakunot naman ng noo niya.

"Why?"

"Kasi nasarhan tayo! Ikaw naman kasi, eh! Kung sana ginising mo nalang ako kanina 'e 'di nakalabas na tayo ngayun!"

"Tss, I try to make a plan para makalabas tayo dito." Aniya at tumayo na.

Napahalukipkip nalang ako at hinintay nalang na makabalik siya. Alam ko naman kasi na wala na siyang magawa du'n eh. Mabuksan lang 'yun 'pag gibain.

"Oh, ano? Nabuksan mo ba?" Tanong ko agad sa kanya.

"I don't have any idea kung bakit na-lock tayo dito! You know Vaniza, this is your fault!."

"Aba't--"

"No need to explained. Antukin ka kasi!" Aniya at bumalik sa pagka-upo sa inupuan niya kanina.

Lumipas ang ilang oras ay naging tahimik na din ang buong paligid.

"Kyle..." Untag ko sa kanya. Sobrang nakakabingi kasi ang tahimik.

"Hmm? What?"

"Suplado mo naman! Hindi ba pwede na kahit ngayun lang maging mabait ka sa'kin?"

"Mabait naman ako sa'yo, ah. I buy some foods for you, para makakain ka."

"Hindi naman 'yun tungkol sa pagkain." Mahina ko'ng anas.

"So, what is it?"

Madilim ang boung paligid kaya hindi namin makita ang isa't isa. Isa pa, may phobia ako sa dilim. Takot ako sa madidilim.

"P-pwede bang...pwede bang.."

"What is it?"

"Pwede bang lumapit ka sa'kin? T-takot ako sa dilim."

"Why? 'diba hindi ka matatakutin?"

"C-can you?" Tanong ko sa kanya.

Naramdaman ko naman ang paggalaw ng upuan na inupuan ko.

"I'm here." Mahina niyang anas.

"Thank you. Salamat sa pagsama sa'kin dito."

Sabi ko at sumandal ako sa kanya.

"It's okay Vaniza, I'm just here. You don't need to be afraid." Aniya na nakapagpatatag sa'kin.

May phobia ako sa dilim dahil sa nangyari noon. Na-kidnap ako sa Isa sa mga taong hindi ko kilala. Tatlong araw akong nakakakulong sa isang madilim na lugar, at nang matagpuan ako nina daddy, sobrang nanginig na ako sa takot. Doon din nagsimulang ayaw ko sa dilim. Pinaka-hate ko ang madilim na lugar.

"Kyle..'w-wag mo 'kong iwan." Untag ko bago pumikit.

I hate him, pero para sa ganitong sitwasyon feeling ko safe na safe ako.

My Badboy's Tutor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon