Chapter 25

282 21 1
                                    

                Vaniza's POV.

Sa nagdaang araw, pareho kaming dalawa ng naramdaman. Naging masaya, naparamdam namin sa isa't Isa ang pagmamahalan naming dalawa. Ngunit sa isang iglap, nawala ang lahat. Parang pinahiram lang samin saglit ang kasiyahan na meron kami noon. Ngunit, panandalian lang ang lahat, dahil binawa naman agad ng panginoon ang lahat.

Sa loob ng dalawang araw, wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Buong akala ko, sobrag tatag na ako! Akala ko hindi na ako masaktan, akala ko sobrang lakas ko na para hindi tablan ng sakit. But seeing me right now, isang babae na katulad ng lahat kapag heartbroken. Magmukmok, mawalan ng gana sa lahat ng bagay, walang ibang naramdaman kundi ang sakit.

"Vaniza, I'm just here. Gusto mo ipatigil natin ang kasal? I'm ready to do what you want right now, para lang magiging masaya ka ulit," ani Vien.

Nung isang araw, imbes na pupunta siyang mall, na delay lang 'to dahil sa kagagawan ko. Todo comfort siya sakin, pero paano ko nga ba magawang patahanin ang sarili ko, kung naging pira-piraso na ang puso ko? Sobrang sakit.

"Vien, i-im fine... I-m really fine, nasasaktan lang ako. Pero, maghilom din naman 'to lahat bukas. A-ayaw ko ring pigilan sila, a-ayaw kong sumira sa pangarap ni Karen," untag ko habang nakatalikod kay Vien.

Ayaw ko man na makita nila ang pagiging mahina ko, pero 'di ko 'to mapigilan. I'm so wasted right now, kaya kahit na sarili ko, 'diko kayang kontrolin na tuluyang lumubog sa sakit.

"Tss, kahit na nasaktan kana lahat-lahat, si Karen parin ang inaalala mo," untag niya. "Pwede ba, Vaniza. Just once, piliin mo rin ang maging masaya. Tigilan mo na ang pagiging maawain!" Dagdag pa niya.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama. "I'm going na, may klase pa kami--este tayo, may klase pa kaya kailangan ko ng umalis." Tinapik niya 'ko sa balikat. "Vaniza, dapat pagdating ko mamaya, magaling kana! Dahil kung hindi, talagang makakatikim 'yang Kyle at Karen na 'yan,"

Marahan akong tumango, "pasensya na, Vien." Umupo ako at sumandal sa head board.

Kumunot ang kanyang noo, "for what?" Takang tanong niya.

"Sa disturbo, pati pag-aaral mo nadamay na. Hayst, pero thank you, thank you dahil kahit naging masungit ako sa'yo, 'di mo parin ako iniwan. I'm thankful that your my best friend and same time, cousin,"

I saw her teary eyed, pinaypayan pa niya ang sarili para hindi tuluyang lumandas ang kanyang luha.

"Pinaiyak mo 'ko, Vaniza! Pero thank you rin," aniya. Umupo siya ulit sa kama. Naka-complete uniform narin kasi siya. "Can I hug you now, Vaniza?" Tumango ako sa kanya, Im really thankful that she's my best friend. "I-i love you, my best friend. Kung walang ibang nagmahal sa'yo dito sa mundo, andito rin naman ako para sa'yo," aniya habang pumiyok ang kanyang boses.

Tinapik ko nalang siya sa kanyang likuran. Hindi rin nagtagal ang dramahan effect namin dahil kailangan na talaga niyang umalis.

Gustuhin ko rin man na papasok ngayun, pero hindi parin pwede. Natakot akong makita si Kyle, natakot akong magbago ang isip ko at baka mapigilan ko pa ang kanilang kasal. Buo na ang decision ko, ayaw ko na silang sirain.

Sana worth it ang pagpapalaya ko sa'yo, Kyle. Kahit na nasaktan ako.

Gaya ng nakasanayan, andito ako ngayun sa rooftop. Dinuyan ko ulit ang sarili ko, hindi parin nagbabago ang pakiramdam ko, sobrang sakit parin. Kahit na anong pagpapasaya ko sa aking sarili, ganun parin.

Unti-unti ko ring naramdaman ang sunod-sunod na pagtulo ng aking luha, at kasabay no'n ang paggalaw ng duyan nito kahit ni-hinto ko na ang sarili ko sa pagpapagalaw nito.

My Badboy's Tutor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon