[Library]
Vaniza
"It's sounds so good, huh!" Biglang sabi ni Miss habang nagd-drive siya.
Kunot noo naman akong napatingin sa kanya. "Sounds so good? Saan?" I asked her.
Saglit niya akong binalingan ng tingin at nginitian.
"I miss the way you call me ate. Sa tagal ng panahon, kanina ko lang ulit narinig ang pagtawag mo sa'kin ng ganu'n." Aniya.
Napaismid naman ako. "I just said that because of Kuya. Gusto niyang tawagin kitang Ate noon, kaya I used it kanina para mang-inis."
"Tss, your really a brat. Kaya nagagalit ang kuya mo sa'yo, 'e."
"It's okay, andyan ka naman para i-save ako--"
"Not always, Vaniza." Aniya at hininto na sa tapat ng gate ang kotse niya. "We're here. Mauna ka ng pumasok, I just have something to do."
Tumango ako sa kanya at tinanggal na ang seatbelt. "Sige, mauna na ako." At bumaba na sa kanyang kotse. Hindi ko na hinintay na makaalis siya, agad na akong naglakad papasok.
Pero nasa kalayuan palang ako ay medyo kinabahan ako. Feel ko'ng mag-scape God!
Pagkaapak ko palang papasok sa gate ay napatigil ako bigla.
"Ang samang bungad nito." Mahina ko'ng bulong.
Ang dami kasing estudyante na parang hinintay lang ang pagdating ko.
Ang sasama ng tingin nila isa-isa sa'kin, na para bang anong oras oras ay handa silang patayin ako.
"She's not pretty, she's a bitch!"
"Opss, not just that! She is the queen of the bitch!"
"She's ugly slut. Hindi siya bagay sa husband natin." Bulong-bulongan nila nang magsimula na akong maglakad sa gitna.
Well, well, well. Tama naman sila, I am the queen. Dahil sa ginawa nilang 'to, para akong reyna na naglakad sa red carpet habang maraming tao ang nakatingin sa'kin.
"Hoy, babae! Do you really think na maka-scape ka sa'min! Ha!" Lakas loob ng tatlong babae na lumapit sa'kin.
"H-ha?" Tanong ko sa kanila.
"Girls, you know already what to do." Sabi nu'ng nasa gitna.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko gets ang pinagsasabi nila.
"Yeah, we already know." Sabi nu'ng nasa kanan.
"And that's, kalbuhin siya." Sabi nu'ng nasa kaliwa at bilang hinugot sa kanyang likuran ang malaking gunting.
Dahan-dahan naman akong napaatras. "H-hoy, anong gagawin niyo?" Utal ko'ng tanong.
"You really don't get it?" Taas kilay na tanong ng nasa gitna. "Puputulin na namin 'yang buhok mo para maputol na rin ang paglalandi mo sa asawa namin. Right girls?" Agad namang nagsitanguan ang mga nakiki-usyoso.
"Girls, hold her." Aniya.
Kaya bago pa man nila ako mahawakan ay agad na akong kumaripas ng takbo.
"Hoy, babae! Bumalik ka ditong malandi ka!" Sigaw nila.
"Ano ako baliw? For you'll to know, I'm not crazy as you are!" Sigaw ko pa at nagpatuloy sa pagtakbo.
Pati narin ang mga nakiki-usyoso lang ay nakipag-habulan narin.
My god! Mamatay ako nito 'pag nagkataon!
BINABASA MO ANG
My Badboy's Tutor [COMPLETED]
RomanceIsang babaeng spoiled brat kung tawagin, at dahil sa kanyang pagiging spoiled ay kumuha ang kanyang daddy ng kanyang Tutor. Pero paano nga ba kung ang magiging Tutor niya ay isang badboy sa kanilang paaralan. At hindi lang basta-basta na badboy dahi...